“Hindi ka raw pumapasok?”
Linggo ngayon at narito ulit siya sa ospital kasama ko. Off niya ulit at wala naman daw siyang gagawin kaya pinuntahan niya ako.
I ignored his question and continue combing Dad’s hair. Pilit niyang hinuhuli ang tingin ko pero umiiwas ako. “Why?”
I rolled my eyes. “Para namang hindi mo pa alam ang sagot,” sabi ko.
“Alam ko. Pero hanggang kailan?” I stopped.
I... don’t know. As I’ve said, wait me to be there.
“Hanggang sa kaya ko na.” Pinal na sagot ko. “Kakayanin mo ba?” Bwelta niya ulit.
Umismid ako at hindi na ulit sumagot. I really hate this kind of talks, natatameme ako.
“O palilipasin mo lang ulit at pagtataguan?”
Bumuntong hininga ako. Gusto ko siyang sigawan dahil parang tino-torture niya ako sa ginagawa niyang ito pero hindi ko naman magawa dahil may sense pa rin ang mga tinanong niya.
“You should not always be like this, love. You also have to speak up or just show up to prove them wrong. Patunayan mong wala kayong masamang ginagawa. O kaya, ignorahin mo na lang sila.” Mahabang litanya nito.
“Ang mahalaga, hindi mo tinatakbuhan ang problema.”
“Years ago, nangyari rin ito sa inyo. Alam ko ang ginawa mo noon.” Aniya, hindi na binanggit ang eksaktong ginawa ko noon.
I looked at him. “How can I—” I stopped as our eyes met. Binigyan niya ako ng tipid na ngiti. I sighed again. “Nevermind.”
We eat lunch together, nagpabili lang siya sa labas sa driver niya dahil hindi rin namam siya pwedeng lumabas ng gano’n-gano’n na lang. Okay na ring narito siya, at least may kasama ako at kausap kahit paano.
Natutuwa ako at kinu-kwento niya talaga ako para hindi ako matahimik at mag-isip na naman ng kung ano-ano. Pati mga kahihiyan ng members niya ay sinasabi niya sa akin. Lagot siya sa kanila kapag nalaman ng mga ito.
Nagkwento rin siya ng mga bagay tungkol sa sarili niya. Nalaman ko na lang na ang Tatay na kinikilala niya ngayon ay step father niya lang pala dahil matagal nang nasa langit ang biological father niya.
“Malapit naman kami sa isa’t isa kahit paano. Seven years old ako nang makilala ko siya at magpakasal sila ni Mama. As long as he’s taking a good care of my Mother, I’m okay with him.” He said.
I don’t know why he’s telling me that private information of him but he looks comfortable telling those stuffs with me. Hindi ko naman tinanong, siya mismo ang nagbukas ng usaping iyon.
“Ikaw din ang nagbantay kay Sir Vien kagabi, ‘di ba? Nakatulog ka ba ng maayos?” Tanong ni Kathan na nasa sofa ngayon. Tumango lang ako kahit hindi talaga.
Tumayo siya at lumapit sa akin. “Matulog ka muna, halika ka,” inabot nito ang kamay ko at iginaya ako sa sofa sa ‘di kalayuan.
Sabi niya ay mahiga raw ako at matulog muna at siya muna ang magbabantay kay Daddy pero humindi ako. Umupo lang ako at tinap ang space sa tabi ko para makaupo rin siya.
“You should still rest.” He whispered. Iniangkla niya ang braso sa balikat ko at siya pa mismo ang naghilig ng ulo ko sa dibdib niya. He’s combing my hair softly.
“Hindi ako makatulog ng maayos kahit anong pilit.” Sumbong ko.
“Remove those negativities in your mind now, Araseli. Ako muna ang isipin mo.” He mumbled.
Kathan is a good person. He may look rugged at first sight but he is actually as soft as cotton. The only problem is his anger issue but after all, he is nice and so pure.
This guy is so talented. I envy him because his parents supports him. How about me? My parents didn’t even know what I really wanted to do. I’m rooting for Kathan’s success. I hope I can still reach him after that though.
Hindi ko inaasahang magiging malapit kami sa isa’t isa. Hindi pa naman maganda ang unang tagpo naming dalawa. Buti at nagkaayos kami at hindi nasira ng issue na kumalat tungkol sa pamilya namin.
Araseli Soley:
Papasok na ako ngayon.
His and Mom’s words echoed in my head. Napag-isip-isip ko na walang mangyayari kung ganito lang ako palagi. Maybe it is the right time to show up? Isang linggo rin akong nagtago at umiwas.
“Hi,” nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang nasa tabi ko. A guy wearing school uniform but with black mask and cap. “Anong ginagawa mo rito?”
“Hindi mo alam? Dito rin ako nag-aaral, hindi nga lang tayo magka-klase, hindi rin ako pumapasok araw-araw at sa personal pero yeah, we’re schoolmates.” Paliwanag niya.
“Kung hindi ka uma-attend ng klase sa personal, bakit ka narito ngayon?” Pag-usisa ko pa.
He plastered a smile on his face. “I want to be beside you habang inuumpisahan mong humakbang ulit.” Masuyong aniya.
Wala sa sariling napangiti rin tuloy ako habang nakatitig sa kaniya. Sabay naming tinahak ang daan papunta sa klase.
“Si Araseli Espanto,” mag diing banggit ng isang babae sa apilyedo ko. “Anak siya noong ano, ‘di ba?”
Nakaririnig ako ng mga bulong-bulungan ngunit tinakpan lang ni Kathan ang mga tainga ko kahit gano’n pa rin naman. He’s really helping me.
“Araseli!” Vicen shouted my name. Napalingon tuloy sa akin ang iba kaya nagsimula na naman sila.
Vicen gave them a death glare but when his eyes met mine, he smiled widely. Sinalubong niya ako ng yakap.
“Kamusta ka? Pasensiya na at hindi kita nadalaw o nakamusta man lang, masyadong busy dito lalo na’t wala ka. Exam na rin next week.” Agad niyang sabi.
Ngumiti ako sa kaniya at pinat ang braso nito. “Okay na ako, huwag kang mag-aalala. Mababawasan na ang gawain niyo dahil narito na ulit ako. Sorry dahil natambakan kayo.” Sabi ko.
“Pres naman, ikaw ‘yan, e. Malakas ka sa amin, wala ‘yon!”
Nadako ang paningin niya sa katabi ko. He frowned. “Teka,” huminto siya at inilagay ang hintuturo sa baba, nag-iisip. “Ikaw si...”
Nanlaki ang mga mata niya ng ma-realize kung sino ang kasama ko. “Hala, gago, Kathan?!” He exclaimed. Agad siyang sinita ni Kathan na manahimik dahil baka pagkaguluhan siya kapag nalamang narito siya ngayon.
“Anong ginagawa mo rito?” Naguguluhang tanong ni Vicen.
“Staying at Araseli’s side. I don’t want to leave her behind in this kind of situation.”
BINABASA MO ANG
Unseen Treasure
Ficção AdolescenteV A N Q U I S H S E R I E S 4: Unseen Treasure Sa mansion ng mga Espanto naroon at nagdidilang hangin ang isang dalagita. Ang naturingang prinsesa ng mga Espanto sa harap ng midya ngunit halos hindi na makita sa loob ng mansion ng pamilya. Sa kabila...
