XXXXII

12 1 0
                                    

I nodded. “Kahit nasaktan mo ako.” I replied. Natahimik ulit kami. Hindi ko na rin tinangkang magsalita pa.

“Artista ka na...” Biglang aniya. Nakangiti akong napabuntong hininga. “Yeah, it’s been a long journey.” I answered.

“Pero gusto mo ba ang ginagawa mo?” He asked. Sinulyapan ko ito. Naalala ko tuloy nang mai-kwento ko sa kaniya ang tungkol doon.

“Oo naman. Parang ikaw, hindi mo gusto noong maging idol, ‘di ba? Pero minahal mo rin nang magtagal. At gano’n din ako sa pag-arte.”

He smiled a little. “Good to know. You shouldn’t do things you didn’t like though but it’s the person’s choice still.” Anito.

“So what things encouraged you to do that?” Usisa niya. Binasa ko ang labi at umayos ng upo.

“Hindi ano kundi sino. I did that for my parents. Kasi ‘yon ang gusto nila para sa akin and I am happy to saw my Mom’s proud eyes likewise my Dad’s even though he’s not here.”

Nagtama ang tingin namin sa paglingon ko sa kaniya. Umawang ang labi nito habang nakatitig sa akin at bahagyang napangiti, kumikislap pa ang mga mata. “Proud din ako sa ‘yo...”

Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko kahit kumalma na ito kanina. Iba talaga ang epekto niya sa akin. Sobrang lakas, nakabibigla.

“Ikaw... miyembro ka na ng isang banda.” Usal ko. He nodded. “Masaya ka ba?”

“Of course. This is my dream. I couldn’t asked for more now that it is already granted.” He replied immediately.

I smiled. “Happy for you.” I looked at him. “Nakaka-proud.” Mahinang sambit ko habang may tipid na ngiti sa labi.

Nagpaalam ako sa kaniya nang hindi ko na kayanin ang katahimikan. Sobrang awkward. It was like, hindi kami magkakilala tuwing tahimik kaming dalawa.

Kathan is kinda different now, I guess? He changed. His facial features, his mucles, his height, voice, aura and he even became more matured.

Nakakapanibago. O baka dumidistansiya na talaga siya?

Ipinagpatuloy ko ang paglalakad-lakad at paglilibot sa paligid. Malayo ang tingin at nalulunod sa sariling iniisip.

Napaisip tuloy ako. May girlfriend na kaya siya? Baka hindi niya lang ina-announce sa publiko. May mahal na nga kaya siyang iba? Naka-move on na ba siya? Ako pa rin ba?

Kasi ako, siya pa rin. Mula noon, hanggang ngayon, siya lang. Ang hirap niyang hindi mahalin.

“Ang lalim ng iniisip, ah,” biglang sumulpot si Kuya. “Nagkita kayo?” Tanong niya pa.

Kumunot ang noo ko at nilingon siya. “Alam mong narito siya?” I asked.

“Reunion ng Acer ngayon dito, ngayon ko lang nalaman nang makasalubong ko si Pier.” Paliwanag niya. Napatango na lang ako at ibinaba muli ang tingin.

“Nag-usap kayo?” I nodded. “Nagkabalikan?” I shake my head.

He tapped my shoulder. “Ayos lang 'yan, malay mo, soon.” Mahina pa itong tumawa.

Inaya na niya akong bumalik sa kwarto dahil dumidilim na. Pagkakain, nagpahinga na rin agad ako. I didn’t even enjoy our first day because of what happened earlier.

Pagkagising ko, nag-ayos na agad ako at lumabas para kumain, pinuntahan ko sila Mommy at isa-isang ginising para makapag-umagahan na.

Naglakad kami hanggang makarating sa malapit na kainan. Rinig agad namin ang tawanan ng limang kalalakihan sa may bandang unuhang mesa. Acer is also here.

At dahil barkada na rin sila ni Kuya, nilapitan niya pa ang mga ito. Inalok nila kami na maki-share na lang sa table pero tumanggi si Kuya. Baka dahil sa akin? Sa past namin.

Doon kami naupo sa dulo. Mommy reached for my hand and lightly tapped it. Ngumiti na lang ako. Nag-umpisa na kaming kumain, tahimik na kumain.

“Ate, can get me an extra water?” Axus asked. Tumango na lang ako. Ang laki na niya pero hindi pa rin kayang gawin ang mga ganitong bagay.

Diretso ang tingin ko nang dumaan ako sa table nila. Ramdam ko ang titig ng mga ito pero hindi ko magawang lumingon. Snob na kung snob pero hindi ko alam kung paano sila kakausapin.

“Araseli,” boses ni Kyieno. I gulped. Dahan-dahan akong lumingon at binigyan sila ng tipid na ngiti. “Uh, hi?” Awkward na bati ko.

Ngumiti ang mga ito maliban sa kanita na ipinagpatuloy ang pagkain. “Bigatin ka na, ah. Kailan kaya kayo magsasama sa isang project ni Avril?” Ash said.

“Hindi ko rin alam,” sagot ko. “I auditioned for the main role sa bagong serye ni Direk Lea.” Sambit ni Avril.

“Ah, ako rin. Goodluck sa ‘yo.” Sandali pa nilang akong kinwento, tahimik lang si Kathan sa tabi habang nakikipag-usap ang mga kaibigan niya sa akin. Weird.

“Mauna na muna ako, hinihintay ako ni Axus gawa nitong tubig.” Paalam ko. “Catch up soon!” hiyaw pa ni Kyieno.

Nakakatuwa at kahit hindi kami gano’n kalapit sa isa’t isa pero nagagawa nilang kausapin ako na parang kaibigan rin nila.

Inilapag ko ang tubig sa mesa malapit kay Axus. Sumalubong sa akin ang mapanghusga nilang tingin. Napailing na lang ako, alam ko namang rinig nila ang napag-usapan.

Nag-aaya si Kuya na subukan ang iba’t ibang activities ng resort. Dahil hindi ako mahilig sa ganoon sila ni Mommy ang magkasama, naiwan kami ni Axus sa isa sa mga cottage.

Pareho kaming natawa nang mabaliktad si Kiya dahil sa kagalgalan niya. Tahimik lang kaming nakaupo at nanonood sa kanila. We really don’t like things like this.

“Ate Araseli,” Axus called me. “Hmm?” Naniningkit ang mga mata nito habang nakatingin sa initan.

“Wala na ba kayong pag-asang magkabalikan ni Kuya Kathan?” He asked. Natigilan ako. Saan niya naman nakuha ang tanong na iyon at nambibigla siya?

“We are kinda close. Palagi niya akong kinakausap through chat, actually, ikaw talaga ang hanap at kinakamusta niya.” Kwento nito na ikinagulat ko.

“Talaga?” Hindi makapaniwalang tanong ko. He nodded.

“Opo. Hindi kami nawalan ng koneksiyon ni Kuya. Minsan, binibisita niya kami.” Dagdag niya pa.

“Hindi niya kami kinalimutan, Ate,” Axus said while smiling a bit.

“Lalong lalo ka na... Kaya kung may chance pa, huwag na sanang masayang. Kampante ako kung si Kuya Kathan ang endgame mo.”

Unseen TreasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon