“Congrats ulit,” bati ko ulit sa dalawa.
Nasa tapat na kami ngayon ng bahay ko. They insist to bring me home since silang dalawa ang dahilan kung bakit late akong makakauwi. Vicen won 1st place, it-treat niya pa sana kami kaso masyado nang madilim.
“Thank you, Pres!” Masiglang ani ni Benj at Vicen.
“Salamat sa paghatid, ingat kayong dalawa pauwi.” Paalala ko, nagsitanguan naman sila.
Inintay ko muna silang makaalis bago ako pumasok. Nginitian ko na lang si manong guard na kanina pa nakamasid, kilala na naman niya ang dalawa kaya hindi na bago sa kaniya ang nasaksihan.
Ipinagbukas ako ng mga maid ng pinto. Pagpasok ko, nadatnan ko si Kuya Alion at Axus na naglalaro ng video games, ang bonding nilang dalawa. Nakangiti akong lumapit at itinuon ang mga kamay sa sandalan ng sofa.
“Hi,” pang-iistorbo ko. Napalingon si Axus at ahad ma binitiwan ang hawak para lumapit at yakapin ako. “Ate!”
“Magbibihis lang si Ate.” Sabi ko. “Kumain na ba kayo, Kuya?” I asked, he shake his head.
“Intayin niyo na ako, akyat lang ako sandali.” Ani ko at umakyat na sa taas para mag-ayos ng sarili.
Ilang minuto ako sa taas bago pa nakababa. Napabagal ang pagbaba ko sa hagdan nang makasalubong si Mommy. Napatingin ako sa kaniya at ganoon din siya sa akin.
“Kauuwi mo lang daw? Kamusta ka?” She asked.
I nodded. “Opo. Okay lang naman po ako. Intramurals po namin ngayon, I watched Vicen's co—” She cut me off.
I was expecting that she will get mad dahil pagod siya tapos malalaman niya pang late ako umuwi na hindi ko naman nakasanayan at hindi dapat lalo na’t babae ako.
“I see. As long as Vicen is the one who’s with you, I’m fine with it. Eat dinner na, kumain na ako.”
Napatulala ako ng sandali. But I never let my negativity eat me again. Bumaba na ako at hindi na nag-isip pa ng kung ano-ano.
Habang kumakain, tahimik lang ako.
Hindi niya kasamang umuwi si Dad pero nasa iisang proyekto naman sila ngayon? Palagi silang sabay umuuwi kapag magkasama sila sa taping. Wala naman sigurong problema, ‘di ba?
Hanggang sa makatulog ay silang dalawa ang iniisip ko.
Mommy looks not just tired but sad, too. Hindi naman siya normal na gano’n. Sometimes, she will ignore us because of tiredness pero nagawa niya akong batiin ngayong gabi.
Maaga akong nagising with unknown reason. Hindi na nga ako masyadong nakatulog, nagising pa ng maaga. I just opened my phone and scroll to my Twitter account when someone's name pop-up in my screen.
Kasper:
Ang aga mo magising, normal ba ‘yan?
Nag-almusal ka na ba, Pres?
Iniisip ko kung re-reply-an ko ba siya. I didn’t accept his message para maging chat mate siya. Pero wala naman sigurong masamang mag-reply, right? Ayoko namang masabihang snob specially sa estado ko.
Araseli Soley:
Naalimpungatan lang. Hindi pa ako kumakain, maaga pa rin naman.
Kasper Thanatos:
Sorry talaga, ah? Bad mood lang ako, ‘yong staff kasi.
So, gaano karaming sorry ang ibabato niya sa akin? Naiinis pa naman ako sa paulit-ulit.
Araseli Soley:
Okay na nga tayo, ‘di ba? Sorry din, ikaw kasi.
Kasper Thanatos:
Hala, nasisi pa ako. HAHAHAHAHA
Sinisi ko ba siya? oo, parang gano’n nga. Kasi naman, minasama niya ang way ng pagtatanong ko.
Araseli Soley:
Marami kang oras? May time pa makipag-chat. Hindi ba busy ang isang idol na kagaya mo?
As far as I know, busy ang mga taong gaya niya. Hindi sila global idol pero marami rin silang ginagawa, right? Saka may limit ang paggamit nila ng phone.
Kasper Thanatos:
Kararating ko lang sa studio, wala pa ang iba kaya free pa ako ngayon. Meeting lang din naman ang ipinunta ko rito.
Araseli Soley:
Ang aga mo rin pala.
Kasper Thanatos:
Oo, e. Hati ang oras ko araw-araw.
Anw, mamaya na lang. Narito na ang mga kulugo.
Hindi na ako nag-reply since nag-out na rin naman siya. May mamaya pa? Ano bang balak niya? Gawin akong chat mate? Ayoko nga ng may kausap, e. Ayos na ako kay Vicen at Benj.
Nang makitang pa-sikat na rin ang araw, bumangon na ako at naghanda sa pagpasok. Pangalawang araw ng Intramurals ngayon, puro laro na lang naman pero kailangan ay present ako.
May attendance rin kasi saka SSG President ako. Buti pa ang dalawa at may laro na magagawa ngayon. Pero hindi naman ako nagsisisi, hindi rin naman ako mahilig sa sports.
Today is Friday. Huling araw na, wala na rin akong balak pumasok. Baka sasaglit na lang ako mamaya kapag maglilinis na, kailangan ako roon, baka magsitakasan pa sila sa gawain.
“Ate, let’s play outside!” Axus shouted.
Lumabas ako ng kwarto at sumunod sa kaniya. Magbabaril-barilan na naman kami using water gun tapos mauuwi sa pagligo sa pool kasi sobrang pawis na sa paglalaro.
“Axus, come here. I'll wipe you muna, baka magkasakit ka pa.” ani ko.
Lumapit naman siya agad. Basang-basa na ako na ako dahil kanina pa kami naglalaro. Lumabas si Kuya Alion ng suot ang uniporme niya, may klase pa nga pala siya ngayon.
Nagpaalam siya sa amin bago umalis, naiwan naman kami ni Axus sa bahay kasama ang mga maid at guards. Kagaya ng dati lang.
“Meryenda muna po,” tinakbo agad ni Axus ang maid na may dalang pagkain. Kinuha ko naman ang phone ko. Siguro, hinahanap ako ng dalawa ngayon, hindi kasi ako nagpaalam.
May message nga si Vicen kanina pa, ni-reply-an ko na lang na wala naman akong gagawin kaya hindi na ako pumasok. May missed call pa si Benj. OA nila.
A message from him again ang bumungad sa akin sa messenger.
Kasper Thanatos:
Hey, I’m free nga pala today.
Kita tayo sa school mo later, I’ll pick up my jacket.
BINABASA MO ANG
Unseen Treasure
Novela JuvenilV A N Q U I S H S E R I E S 4: Unseen Treasure Sa mansion ng mga Espanto naroon at nagdidilang hangin ang isang dalagita. Ang naturingang prinsesa ng mga Espanto sa harap ng midya ngunit halos hindi na makita sa loob ng mansion ng pamilya. Sa kabila...
