VII

26 3 0
                                    

“Saan ka galing?”

Napapitlag ako sa sumalubong na tanong sa akin mula kay Daddy. Agad akong nagtaka. “Po? I thought—”

“You thought what? It’s late, Araseli. And the fact that the one who bring you home is a guy.” Dad exclaimed.

Napayuko na lang ako. Akala ko ba ay ipinagpaalam niya ako? Anong ibig sabihin noon?  Nagsinungaling siya para sumama ako?

“What is the meaning of it? You already do dating? Without our consent, huh?” Mommy asked.

Agad akong umiling. “Mom—” I was ready to explain but they didn’t let me.

“Fix yourself. You’re a freakin’ girl, not just an ordinary one. We already talk about this, right? No boyfriend until you succeed.” Mahinahon ngunit may may halong galit na anito.

Nanikip ang dibdib ko. Ayaw na ayaw ko ang ganitong pakiramdam. Na para bang napakalaki ng kasalanan ko. Na pinagagalitan ako without knowing the truth, or even my side. Nakakainis.

“Now, go to your room. You are grounded.” May diing sambit ni Daddy.

Wala akong ibang nagawa kundi ang umakyat sa kwarto ko at magkulong. Tutal, grounded din naman na ako.

Pabagsak akong humiga sa kama. Isinubsob ko ang mukha sa unan. Hindi na akonnag-abala pang magpalit. I’m near to cry but I need to be tough like what Daddy taught to me.

I enjoyed this day with Kathan, pero hindi ko naman inakalang ganito pala ang kapalit. Grounded na naman ako sa kasalanan na puwede namang ayusin sa isang mahinahong usapan.

Kathan... did he lied to me? Pinagpaalam niya ba talaga ako? Sa parents ko ba o hindi? Hindi niya naman nilinaw. Hindi rin naman ako nagtanong. Ang tanga ko. I am still the one who should asked for my parents’ consent.

I arrived here at 8:20 PM, gabi na nga. Hindi ko naman inaasahang maaga silang makakauwi na kadalasan ay hating gabi na.

Ang bigat ng pakiramdam ko. Ayaw na ayaw kong nagkakamali, ayoko ng napagsasabihan dahil pakiramdam ko, I’m so useless. Pero heto’t nagkakaganito na naman ako sa isang kasalanan.

My phone vibrated but I didn’t bother to look at it. Si Vicen o Benj lang iyan, ayoko muna ng kausap. Masama ang loob ko at ayokong mapagbuntunan ko pa sila, baka hindi ko na naman ma-kontrol ang sarili ko.

Pumikit lang ako hanggang sa makatulog, pinilit ko ang isipang huwag magpasok ng kung ano-ano sa utak. Hindi ko gusto ang maraming isipin lalo na kung mga negatibo naman.

Pagmulat ng mga mata ko, liwanag na agad mula sa araw ang nasilayan ko. Someone opened the glass window beside my bed, ang sakit sa mata!

“Wake up, sleepy head. Tanghali na.” I frowned as I heard Kuya Alion’s voice. “Kuya?”

Natagpuan ko siyang nakaupo sa sofa. Pilit na nakangiti sa akin. “May kasalanan ako sa ‘yo,” anito.

Kumunot ang noo ko pero hindi ako sumagot at inintay lang siyang magsalita. Ano naman ang magiging kasalanan niya? We barely see each other, to be honest.

“Sa akin nagpaalam si Kathan kahapon tungkol sa lakad niyo. I forgot to tell Mom and Dad about it kasi busy din ako sa school. I actually arrived at home exactly 11:00 PM.”

My lips pursed. “I’m sorry, Sis. I heard napagalitan ka raw. Sorry.”

Ni hindi ko naisip na sa kaniya nagpaalam si Kathan. Hindi naman sila close, ni hindi nga yata magkakilala. Paanong sa kaniya magpapaalam ang lalaking ‘yon?

I sighed. “Okay lang, Kuya. Hindi kasi sinabi sa akin ni Kathan na sa ‘yo pala siya nagpaalam. Kung nasabi niya, nai-message ko sana sila Mommy pero hayaan mo na. Tapos na, e.” I smiled.

Ngumuso ito at naglakad palapit sa akin. Ipinalibot niya ang dalawang braso sa kanang braso ko. “Galit ka ba? Shopping tayo sa bukas, free ako.”

“Hindi pwede,” sabi ko. “Grounded ako.”

Halata namang nagulat siya sa ipinakitang reaksyon pero ngumiti na lang ako. “I’ll talk to Daddy later, I promise, babawiin nila ang parusang ‘yang sa ‘yo.” He hugged me after.

I didn’t expect that. Pero nangyari na. Kung bawiin ang parusa, then it would be better pero kung hindi, ayos lang.

Dahil Sabado, nasa bahay lang ulit ako maghapon. Bawal lumabas, e. Kuya Alion still have a class kaya naman kami lang ulit ni Axus ang narito. Ni hindi man lang ako sinulyapan ng mga magulang bago ito umalis.

Nang buksan ko ang phone ko, si Kuya Alion pala ang nag-message kagabi. Mayroon ding mula kila Vicen at Benj. Sa messenger naman, pangalan ni Kathan ang nangunguna.

Kasper Thanathos:
Hey, u okay?
I’m sorry.

Hindi ko na siya ni-reply-an. Wala naman siyang kasalanan. Ipinagpaalam niya ako, hindi nga lang sa parents ko kasi kahit ako na anak ay nahihirapang contact-in sila kapag oras ng trabaho, siya pa kaya.

Buong araw lang akong nakipagkulitan kay Axus. Tinabihan ko siyang matulog noong tanghali at meryenda lang ang ginawa pagkagising. We waited Kuya, Mom and Dad to go home bago kami kumain.

Good thing, maaga silang tatlo ngayon. Mom and Dad seems so quiet than the usual. I can really feel na may problema between them.

Tuwing nagsasagi ang tingin namin ni Kuya ay sabay din kaming nag-iiwas at kila Mommy naman susulyap. I know he knows. Kung seryoso man ito, huwag na sanang lumabas pa sa publiko.

Kung may problema silang dalawa, sana ay sa kanila na lang o sabihin din nila sa amin. Huwag na lang sa harap ng midya. Pag-uusapan na naman ang mga Espanto in a bad way at ayoko ng gano’n.

Wala namang issue ang pamilya namin pero ang iba, binibigyang malisya lahat ng nakikita. Muntik pang magkasira sila Mommy at Daddy noon dahil sa mga ma-issue na tao.

“Magkakaroon tayo ng live family interview tomorrow evening. Get ready, kids,” Daddy announced and leave the dining table.

I looked at Mommy and he gave us a small smile.  Tumayo na rin siya at sumunod kay Daddy sa taas. The interview is for what?

“I smell something fishy...” Axus whispered. He also know.

Unseen TreasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon