XV

15 0 1
                                    

I already survived four days, more to go. Hindi masyadong matunog ang balita pero nakaririnig pa rin ako ng ilan.

Daddy’s condition is getting more stable. The doctor said, he’s fighting. Lumalaban ang katawan nito, we just need to talk him day by day para palakasin ang loob niya. Baka bukas, makalawa, magising na siya.

I was all smile while painting someone who’s been with me through these past few dark days. This someone already occupied a big space in my heart even though we just recently met.

Ginagawa ko ito para ibigay sana sa kaniya bilang pasasalamat, pero siyempre ay mag-iiwan ako ng copy ko o gagawa na lang ng bago. A gift, I guess? Deserve niya naman ito sa kabila ng nangyari sa pamilya amin.

Kamatayan is calling...

I immediately picked up the phone and answer his call.

[“Hello,”] I heard his soft chuckles as he greeted me. Napangiti rin tuloy ako.

“Aren’t busy? It’s Thursday, your work day.” Sabi ko. [“Nakapuslit lang.”] Bumungisngis ulit siya.

Mahina akong natawa. “Kapag ikaw nahuli at ako ang nasisi, nako, hindi ko ibibigay sa ‘yo ang rega—” I stopped when I realize that I already mentioned my surprised.

[“Ang ano? Regalo? May regalo ka sa akin?”] Mahihimigan ang kagalakan sa boses nito. Na-excite siya sa nalaman? Ang cute.

“Oo. Surprise sana kaso nadulas,” I chuckled.

I continue doing the portrait, ini-loud speaker ko na lang at itinabi sa akin. Ini-highlight ko ang ibang parte para mas gumanda at lumitaw ang kulay at magkabuhay.

[“Magkikita ba tayo bukas? Maibibigay mo na?”] Agad niyang tanong. Mukhang excited talaga siyang makita ang regalo ko sa kaniya.

“May pasok pa ako at meeting hanggang five ng hapon, hindi ko alam.” Sagot ko.

[“Pagkalabas mo, puntahan ki—”] Naputol ang sasabihin niya nang may magsalita. [“Bilisan mo, tapos na raw break.”] I think, boses ni Pier?

[“Teka lang, Kuya Pier! Sandali na lang ‘to, libangin mo pa!”] Singhal niya sa kausap.

Nag-hello ulit siya at nag-sorry, pumuslit nga lang ang loko.

“Hindi na, magpahinga ka na lang. Sa Sunday tayo magkita.” Sambit ko. [“Gusto ko na makita ‘yong regalo...”] I bet, nakanguso siya ngayon.

“Huwag na makulit. I’m still doing it so ibaba ko na ‘to, tatapusin ko muna. Bye.” Paalam ko. [“Babye— hay, ito na nga, Kuys boss!”]  The call ended.

As I finished the art, I took a picture of it as a remembrance if ever hindi ako makagawa ng kapareho noon. It looks kinda different but still could recognize that it’s Kathan, still handsome.

Dahil pumapasok ako, dalaw lang at hindi pagbabantay sa ospital ang naiiambag ko. Ako na ang bahala kapag weekends para sila naman ang makapahinga. Excuse pa rin si Kuya sa klase niya pero balak na raw bumalik next week.

Exam na rin namin next Thursday and Friday kaya mag-uumpisa na rin akong mag-review. Mabilis naman akong makakabisa at may stock knowledge naman kahit paano kaya siguro ay hindi ako masyadong mahihirapan.

“Mommy, kamusta po si Daddy?” Salubong ko. Timayo ako sa hagdan at inalalayan siya paakyat.

“He’s good. May pasok ka pa bukas, bakit gising ka pa?” She asked. I looked at the wall clock, it’s quarter to 11 already. Hindi ko namalayan.

“Hinihintay po kita.” Mahinang sabi ko.

Hinihintay ko siya para makahingi ng update tungkol kay Dad, kahapon ng umaga pa kasi ako bumisita. Also I’m waiting for her to check her up, hindi na rin siya masyadong umuuwi kakabantay sa ospital.

“I remember that you’re also doing this before. Waiting us even though it’s already late. You’re still the same, Araseli, aren’t you.” She chuckled a bit.

We stopped walking when we reached the top of the stairs. I pressed my lips together and sighed. I forced a smile when I noticed that she keeps on looking at me like she’s waiting for my respond.

“Napagod na rin po siguro ako kahihintay noon kaya tumigil ako sa pag-upo sa hagdan at pag-ungkot hanggang sa umuwi kayo.” Mahinang sagot ko.

Yumuko ako. I heard her heavy sigh. Lumapit siya sa akin at inabot ang mga kamay ko. She hold it tight while looking at me with her worried and guilty eyes.

“Please, forgive your Mom, anak...” She whispered.

I gulped hard. Nagpakawala ulit ako ng buntong hininga bago bawiin ang mga kamay ko mula sa kaniya. “I’ll try. Goodnight, Mom.” Agad akong naglakad patungo sa kwarto.

I locked the door and lay down immediately to my bed. Humagip ako ng unan at itinakip iyon sa mukha ko. My tears started to flow onto my cheeks. Why did she bring up that topic? I know she knew what’s the reason why I stopped.

Nakatulog na ako sa kaiiyak, maliwanag na ng magmulat ang aking mga mata. Tumama ulit ang liwanag ng araw sa aking mukha nanag lingunin ang bintana ko sa gilid. Who the hell opened that again?

“Good morning, anak.”

I blink multiple times to make sure that she is really in my room early in the morning. I mean, this isn’t the usual!  “M-Mommy...”

“Bakit naka-lock ang pinto mo? Buti at may duplicate ako.” She showed me her tons of keys.  I am still shocked that’s why I didn’t talk.

She smiled and walk towards me. “Tara na, kain na tayo. Baka mahuli ka pa sa eskuwela.”

Dahan-dahan akong tumango at hindi na nakaimik pa. Nagpaalam siyang bababa na at sinabihan pa akong sumunod na lang at mag-ayos na ng sarili. What the?

Naka-ayos na ako nang bumaba ako para kumain. Halos sabay lang kami ni Axus na nakabalandra rin ang hindi makapaniwalang ekspresyon. Mukhang pati sa kaniya ay ginawa ni Mommy iyon.

We didn’t asked each other and just go to the dining area. Naroon at sumalubong sa amin ang nakangiting Ina na hinihintay kaming kumain. Ipinaglagay niya pa kami ng pagkain bago siya maupo.

Nagkakatinginan na lang kami ni Axus, nagtataka sa ikinikilos niya. We are both shocked. Si Yaya Kia ang madalas nag-aasikaso sa amin bago pumasok. Is this even real? I don’t actually remember when she last did this.

“Simula ngayon, tututukan ko na kayo at uunahing asikasuhin...”

Unseen TreasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon