XXI

13 1 1
                                    

“Saan ka galing, anak? Kanina pa kita hinihintay.” Salubong ni Mommy sa akin.

Nagmano ako at humalik sa kaniya. “Ah, may pinuntahan lang po.” Sagot ko.

“Location?” She asked. “Quezon po, sa bahay ng kaibigan ko.”

“I want to meet that friend who isn’t Vicen and Benj. Gusto ko, kilala ko ang mga nakakasama mo. For your safety na rin.” Aniya.

I bit my lower lip. “Baka po... mabigla kayo. O kaya ayawan niyo po siya bilang kaibigan ko.” Mahina kong sabi.

She frowned. “At bakit? Bad influence ba siya? Hindi mo ka-level? May masamang record or what?” Sunod-sunod na tanong pa nito.

I sighed. She still need to know, right?

“That friend of mine is Katarina Ocampo’s brother.” I honestly answered.

Her eyes widened. “Araseli?!”

“Mom, calm down. He is good. I will let you meet him, just let me tell him first. Mabait siya, he comforted me at nasa tabi ko siya simula nang magka-problema tayo.” Paliwanag ko.

Nakita kong kahit paano ay kumalma siya.  “Okay. Kailan siya free?” She asked. I smiled a little.

“Friday and Sunday only, he is an idol.” Sabi ko agad. She throw some good comments to Kathan for being an idol, gumaan ang pakiramdam ko kahit paano.

“Friday night, invite your suitor.”

My lips parted, I frowned. “He isn’t my su—”

“Yeah, yeah. Your ‘friend’.”

Maaga akong nakatulog. Medyo napagod siguro ang katawan ko sa maghapon kahit wala naman kaming masyadong ginawa ni Kathan. Alas siete pa lang ay pikit na ang mga mata ko.

Kathan is still running in my head. This day is so fun. Kahit sa mansyon lang nila kami namalagi, masasabi kong ang saya. He is sweet and soft, kinda clingy. Is it still normal? We are just... friends.

Monday morning, wala akong Vicen na nakita. Hanggang hapon. Medyo nag-aalala ako kaya tinanong ko na si Benj, may sakit daw pala si Vicen noong Saturday night pa. Wala man lang akong alam.

Hindi pa kami nakakapag-usap tungkol sa nangyari noong gabing ‘yon. Pero kahit gano’n, buo na ang desisyon ko. I won’t give him a chance, I won’t tolerate his feelings. Ayokong masaktan pa siya lalo.

Kahit alam niya ang magiging sagot ko, sumugal pa rin siya. Vicen is unbelievable.

“Hey, morning.” Sumabay naglakad sa akin ang lalaki. Tanging ngiti lamang ang naisagot ko rito. Nakararamdam ako ng ilang.

“Have you already made a decision?” He asked. I bit my lower lip and sighed. Saglit ko siyang sinulyapan.

“Can we talk about that after the exam, Vicen?” Sabi ko. Pilit siyang napangiti at dahan-dahang tumango. “Sure, Pres.” Mahina nitong sagot.

Mas mabuting hindi muna ngayon, exam na bukas. Baka ma-distract pa siya at bumagsak. Ako pa ang dahilan pagnagkataon. He’s smart, he should not fail just because of me.

Pagkauwi ko, nagbihis agad ako. Dadalaw muna ako saglit kay Dad. Baka siya pa ang maging lucky charm ko sa exam bukas. I miss him, hindi pa rin siya nagigising.

“Kuya,” I called him. Nakaupo siya sa tabi ni Dad at nagbabasa-basa. Nilingon niya ako at binati, lumipat siya sa sofa at ako naman ang naupo sa gilid ni Daddy para makausap siya.

“Hi, Dad. Kamusta ka? Pabuti na raw ng pabuti ang lagay mo. Very good... Kaya dapat, magising ka na po.” Pagkausap ko rito. I smiled and comb his hair using my fingers.

“Exam po namin bukas, guide me po, ah? Saka sa mga... desisyong gagawin ko sa buhay.” Pabulong kong sambit sa pahuling linya.

“Anong desisyon?” Singit ni Kuya, narinig pa pala niya. Umiling na lang ako kahit hindi sigurado kung nakita niya ba o hindi.

Nagtagal kami hanggang alas siete sa ospital. Sabay kaming umuwi ni Kuya, may pasok din kasi siya bukas, bumalik na rin siya sa pag-aaral. Pagkauwi ay magre-review pa ulit ako para sure.

Sabay-sabay kaming apat na kumain. Umalis din si Mommy papuntang ospital pagkatapos para magbantay kay Daddy. Kaming tatlo ulit na may mga pasok bukas ang naiwan sa bahay.

Binuksan ko ang maliit na ilaw sa study table ko at sinimulan nang magbasa. Bukas ang binta sa gilid ko kaya medyo tinatangay ng hangin ang buhok ko. Madilim na ang langit, puno ng mga bituin pa.

Nang mag-ring ang telepono, agad ko itong kinuha at sinagot. Hindi naman siguro ako maiistorbo ng tawag ni Kamatayan? Ngayon lang ulit kami nag-uusap sa call. Chat-chat lang lagi dahil busy.

[“Asei...”] Bungad niya.

May kung anong naramdaman ako sa tiyan ko. His voice’s tone is lower than the normal, medyo paos pa ang tunog. Wala sa sariling napangiti ako kahit kagat-kagat na ang labi para pigilin ito.

“Kamusta ka? You sounds so tired.” I asked.

[“Ito, masakit ang lalamunan. Ewan ko ba. Lead vocalist lang ako pero sa akin nila ibinigay ang high note ng kanta para sa comeback namin.”] Sagot niya.

“Hmm. Rest your voice pati ikaw. You can do it, Kathan.” Ngumiti ako na parang nakikita niya.

[“Aw, thank you...”] He let out soft chuckles. [“Ikaw, kamusta ka? Exam bukas, ‘di ba? Bakit gising ka pa?”]

Alas-otso pa lang naman. “Nagbabasa-basa ng kaunti, baka kapusin ang laman ng utak bukas, e.” Mahina akong tumawa.

[“I know you can do it, too. Don’t push yourself too much. Take a rest na, it’s late.”] He said.

“Magpahinga ka na rin.” Usal ko. [“Hanggang 10:00 PM pa ako rito, curfew.”]

Kumunot ang noo ko. “Paano bukas? Thursday, may trabaho ka. Paano ka magt-take ng exam?”

Ang hirap talaga maging idol. Ang hirap ng sitwasyon niya. I wonder how me manage his time plus how he survived at the previous years.

[“Sa Friday. Special. I can’t skip practices since malapit na ang comeback pero kailangan ko ring mag-take ng exam kaya sa off ako kukuha, Friday pa naman ang tapos ng exams.”] Sagot niya.

Mukha namang sanay na siya sa ganitong set-up. Kumbaga, he used to this already. Sa bagay, dalawang taon na rin siyang idol. Mag-a-apat na kung isasama ang trainee days niya.

About Friday thingy. “Nga pala, Kathan. Free ka ba sa Friday night? Mom wants to meet you. Pero kung hindi, ayos lang naman.” Paalam ko.

Natahimik siya saglit. [“Sure, babe. It’s my pleasure to meet one of the most successful actress in the Philippines, my girl’s Mom.”]

Unseen TreasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon