XXVIII

11 1 0
                                        

“Anak, ayos ka lang ba?” Mom asked. “Opo.” Sagot ko na lang.

Kararating ko lang sa ospital. Sinabi kong ako ang magbabantay kay Daddy ngayong gabi pero hindi nila alam na magkikita kami ni Kathan mamayang alas-dies.

“Huwag kang mahihiyang lumapit at magsabi sa akin. Mommy mo ako, you can lean to me anytime.”

Healing words... Mom and I is getting closer again. She’s really proving herself to us.

Nagpaalam na siya sa akin na uuwi na dahil baka walang kasama si Axus sa bahay, male-late raw ng uwi si Kuya.

“Daddy, gising ka na po... Gusto na rin po kitang maka-bonding.” Mahina kong sabi. “Miss na miss na po kita.” I whispered.

“Kahit normal na sa atin ang magkaabutan ilang beses sa isang linggo lang, sobrang nami-miss po kita. You used to smile at me kapag kumakaway ako sa inyo noon tuwing aalis na kayo.”

I remember those times. Syempre sa hagdan ulit. Kumakaway na lang ako sa kanila kapag naaabutang aalis na naman ang nga ito.

“Gusto ko na po ulit masilayan ang maganda niyong ngiti...”

When the clock drops at 9:55 PM, I prepared myself already. I asked our driver to bring me to the coffee shop where we are going to meet. Pinakiusapan ko na rin siyang bantayan si Dad saglit.

Walang katao-tao sa loob ng shop. Dalawa lang ang crew na nasa counter and they were smiling at me, they said, our secret is safe. Hope so.

I was biting my lip hard. Kinakabahan ako. Wala pa rin kasi siya kahit pasado alas dies na. Paano kung pumalpak si Ash? Please, Lord, give this one to me. I badly need this.

10:16 PM, bumukas ang pinto ng shop. I looked at the guy who entered. It’s him with his usual outfit when he’s going out. Pinakatitigan ko lang ito habang papalapit siya.

Napatayo ako nang huminto siya sa gilid ng kinauupuan ko. I gasped when he hugged he right after I stand up. Nalanghap ko agad ang kaniyang pabango na ang sarap sa pang-amoy.

“I missed you. I’m sorry. I love you...” Sunod-sunod na usal niya.

I closed my eyes and hugged him back. I missed this guy so much. It’s almost 2 weeks since we last met. Medyo nasanay pa naman ako na linggo-linggo kaming nagkikita.

“Kathan...” I bit my lower lip again. Isiniksik niya pa ang ulo sa leeg ko at hindi pa rin ako binibitawan.

My heart is beating so freakin’ fast. Alam kong ramdam niya kasi nakabibingi ang tunog nito para sa akin, ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Napalunok ako nang bumitaw siya at titigan ako sa mga mata.

“Are you mad at me? Please, don’t be. I’ll explain everything. Listen to me, Asei. Please?” Natatarantang aniya.

He looks so worried, tired and sorry. Umupo ulit ako. “Makikinig ako.” Sambit ko.

“Totoo ang sinabi kong biglaan lang ang nangyaring pagpunta ng grupo sa Cebu. Hinatak na lang kami ng Manager namin basta roon para sa isang may kalakihang gig na I thought bawal.” He started.

“Wala kaming kaalam-alam na magp-perform kami. We stayed there for 2 days. Pagdating namin dito sa Manila, saka lang namin nalamang may issue na pala na kumakalat.”

They went there last Sunday, umuwi sila ng Wednesday? Magkasama kaya sila ng babae na ‘yon nang mga nakaraang araw?

“Araseli, I didn’t do that! Promise, hindi ko ginawa ‘yon.” Mabilis na tanggi niya nang maningkit ang mga mata ko. He sighed, his reaction became soft.

“I hugged her, inaamin ko.” He confessed. I bit my lower lip as I gulped. Hindi ako nagsalita at hinintay ang sunod na sasabihin niya.

“She’s my friend. If she isn’t familiar to you, she’s an influencer. Unang beses naming nagkita, syempre natuwa ako kasi medyo matagal na rin kaming magkaibigan at nag-meet pa kami accidentally.”

Nakahinga ako ng malalim sa sinabi niya. Wala namang bahid ng kasinungalingan ang tono ng boses niya, that’s what I can feel, too. He's stating the fact.

“That night, after ng gig ‘yon. Around 1:00 PM na rin, pamangkin pala siya noong manager ng pinuntahan namin.” He squeezed my hand lightly.

“Nakita ko ‘yong picture. Sa angle lang naman mukhang nag-kiss at sinadya ‘yon pero hindi talaga. Magkaibigan lang kami. You want to meet her? Let's call her and she will tell you what happened.”

He was about to dialed her number when I stopped him. I shake my head. “Huwag na.” Tipid akong ngumiti. “Okay lang, Kathan... Okay na.” I nodded.

Tinitigan niya ako sa mga mata na parang binabasa ang iniisip ko. I tried not to show any reactions. “Galit ka,” aniya.

Umiling ako at humilig sa balikat niya. Ibinaba ko ang tingin sa magkasiklop naming kamay. I brushed his hand with mine.

“Hindi. Nag-aalala lang ako. Aaminin kong medyo masakit pero buti at hindi ako tuluyang naniwala sa sinasabi ng iba. Hindi ako galit, inaalala lang kita.” Mahina kong sagot.

Naramdaman ko ang paglapat ng labi niya sa tuktok ko. “Maglalabas na ng statement ang Blade Entertainment. Don’t worry, maaayos din ‘to.” Sabi pa niya.

I sighed and just nodded. Sana nga ay matapos na. Kathan wrapped his arms around my shoulders, he didn’t let my head to lift away to his chest. Sa halip, hinawakan pa niya ang ulo ko at marahang sinuklay ang buhok ko.

“I just want to assure you na ikaw lang...” He softly whispered.

I pressed my lips together, I can’t help it but to smile. Itinago ko ang mga ngiti sa pamamagitan ng pagyakap sa kaniya bigla. “I missed you.” Ramdam ko ang pagkurba ng kaniyang labi.

“Ganito, kapag lumuwag na sila sa akin, lalabas ulit tayo tuwing Friday at Sunday. O kahit anong oras at araw mo gusto, I’ll make way just for you.”

“Hindi na kailangan, kaya kong maghintay. Nahintay ko ang paliwanag mo bago ako magalit sa iyo, e.” I chuckled a bit.

“Asei,” he called. “Mahal kita...” Masuyong sambit niya.

Those words give my tummy a lot of butterflies and made my heart beats faster. Ilang beses na niyang sinabi sa akin iyon, palagi lang naman akong walang sagot. I think, it’s time to pay back.

“I love you, Kathan.”

Unseen TreasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon