“Daddy, I did it.” I whispered while staring at the sky.
Yeah, I did it. Nakalayo na ako mula sa mapanakit nilang mundo. Magsisimula ulit ako hanggang sa maghilom at mag-iwan ng simbolo ang mga sugat sa puso ko.
Lumabas ako at pinagmasdan ang tanawing mayroon ako ngayon sa Laguna. Hindi ko inakalang darating sa puntong kailangan kong umalis sa Manila at manirahan dito mag-isa.
Ilang araw pa lang mula ng maganap ang isa sa pinakamasakit na pangyayari sa buhay ko pero heto ako’t handa nang mag-umpisa ulit. Hindi makabubuti ang pagmumukmok lang.
Alam ng family and closest friends ko na umalis ako at ngayo’y narito. Siya lang ang hindi. Hindi ko alam kung alam na niya, sana rin ay hindi na lang niya malaman.
Si Mommy, we are still not okay. Pero humingi ako ng tawad sa kaniya sa lahat ng hindi magandang nagawa ko. Hindi siya umimik pero alam kong unti-unti ay magiging okay na rin kami.
Iyong gabing iyon ang huli naming pagkikita. When our hearts officially split up. Durog na durog ako noong gabing iyon. Ilang araw akong lugmok na lugmok at napabayaan na ang sarili.
Kathan is a big part of me already. Kaya mahirap para sa akin ang nangyari. I almost kill myself because of too much pain I’ve been feeling. Pero natauhan ako at inalala ang dahilan kung ipinagpapatuloy ko ang buhay ko.
Ang malayo sa mga taong nakasanayan ko ay tunay na mahirap. Pero kailangan at ginusto ko. Kaya kakayanin ko. Ang pag-uumpisang muli na lang ang nakikita kong paraan.
Nitong mga nakaraang buwan, sobrang sugat na ang natamo ng puso ko. Kailangan ko ng mahabang panahon para gumaling. Kailangan kong lumayo para maghilom lahat.
Hindi ko maitatanggi iniisip ko pa rin sila hanggang ngayon, syempre, mahalaga sila sa akin. Hindi ko sila makakayang kalimutan pero kahit sana sandali lang ay mawaglit sila sa aking isipan.
Masakit pa rin. Tuwing naaalala ko siya ay kumikirot ang puso ko. Who would’ve thought na sa ganoong paraan kami maghihiwalay? Kauumpisa pa lang, buwag na kaagad.
Halos hindi na rin ako nagbubukas ng phone makaiwas lang sa kanila. Hangga’t maaari, ayoko na sana munang makarinig ng kahit anong balita mula sa mga ito.
Alam kong hindi solusyon ang pag-iwas, hindi pa lang ako handa sa ngayon. Nahihirapan pa ako.
“Hello! Transferee?” A girl in a pigtails asked. I nodded. He introduced herself and her name is Aicy, my talkative and energetic new classmate.
Unang araw ko sa bagong paaralan ko rito sa Laguna. Rito ko balak magtapos hanggang college. Bago sa akin lahat dito kaya hindi pa ako sanay.
Tinulungan niya akong kabisaduhin bawat sulok ng hindi kalakihang eskuwelahan. Alam kong kilala niya ako kahit hindi ko pa nababanggit ang pangalan ko. Imposibleng hindi niya nabalitaan.
My first day isn’t that good dahil kilala nga ako ng iba sa kanila. Nakaririnig ako ng bulong-bulungan sa tabi pero iniignora ko na lang. Mas mabuting manahimik.
Hindi ko alam kung kailan ulit magiging normal ang buhay ko. Iyong tahimik kagaya ng dati dahil sanay na sa akin ang mga nakakasalamuha kong estudyante kahit isa akong anak ng artista. Pagtitiyagaan ko na lang muna.
“Iyong may issue, oh,” bulong ng isa. Sinakto pa talaga sa pagdaan ko. “Haliparot kasi.” Sabi pa ng isa.
Tinakpan ni Aicy ang mga tainga ko habang naglalakad kami. I can feel that she's protecting me and nagpapasalamat ako roon. Siya lang ang nagtangkang kaibiganin ako.
Ilang araw na naging matunog ang pangalan ko sa school. Kesyo lumipat daw ako roon para tumakas sa kasalanan, na umalis daw ako sa Manila sa sobrang kahihiyan at iba pang kumento.
Hindi naman nila alam ang tunay na nangyari. Mga tao talaga, ang daming sabi sa buhay ng iba.
“Hi, Araseli,” nangunot ang noo ko nang harangin ako ng isang grupo ng mga kalalakihan. Mag-isa lang ako at dumidilim na. Kinabahan ako bigla. Ngisi pa lang nila ay alam nang may binabalak.
“Excus—” Nang tinangka kong dumaan, pinigilan nila ako at hinawakan sa braso. “Please, padaanin niyo na lang ako.”
“Balita namin, itinakwil ka na raw?” Sambit ng isa. Nagsitawanan ang mga ito. Mariin akong napakagat sa labi at pilit na kumakawala.
“Nagalaw ka na ba noong Kathan? Pwede na ba kaming sumunod?” Nahigit ko ang hininga nang gumapang ang kamay ng isa sa kaniya sa braso ko. Nanginig ang mga kamay ko sa kaba. Natatakot na ako.
“Sayang. Mukha ka pa namang disente pero gano’n ka palang klase ng babae? Kadiri naman pero pwede na.”
I gulped hard. Pulit nila akong hinihila papunta sa madilim na lugar pero nagmamatigas ako. “B-Bitawan niyo na ako,” pagmamakaawa ko.
“Isa lang naman.” Hirit nila at nagsitawanan pa ulit. “P-Please...” Tumulo ang luha ko. Natatakot ako at kinakabahan. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Natigilan ako nang may bigla na lang kumalabog sa likod. May humatak sa mga lalaking nakasunod sa akin at sa barkada nilang hawak ako. Binigyan sila nito ng tig-iisang suntok.
“Mga tarantado, magsibalik na kayo sa sinapupunan ng Nanay niyo!” Sigaw ng lalaki matapos magsitakbukan ng mga nangharas sa akin.
“Ayos ka lang ba?” The guy asked. My eyes widened. “V-Vicen!” I exclaimed and run towards him to give him a warm hug. Niyakap niya ako pabalik. Tuluyan na akong naiyak.
“Hindi ako mapakali kaya sinundan kita. Huwag kang mag-alala, makakasama mo na ulit ako sa araw-araw. Ipagtatanggol kita sa lahat.” Mahinang usal niya.
Mula noong araw na iyon ay hindi na ulit niya ako iniwan. Kasama ko pa rin si Aicy. Hindi nga lang siya masyadong gusto ni Vicen dahil maingay si Aicy pero hindi niya naman ito pinaaalis.
Sinulyapan ko ang ipinipinta. Mapait akong napangiti. I can still remember every detail of him. Paano ba ako makakausad nito? Ipinipinta ko na naman siya dahil nangungulila na naman ako.
It’s been 4 months since I leave Manila. Mga kapatid ko at si Benj lang naman ang nakakaalalang kamustahin ako. Si Mommy? Wala pa rin. Siya? Wala rin, ni hindi ko alam kung naaalala pa ba ako.
“Maghihintay ako... Hihintayin kita...”
![](https://img.wattpad.com/cover/298322436-288-k241488.jpg)
BINABASA MO ANG
Unseen Treasure
Novela JuvenilV A N Q U I S H S E R I E S 4: Unseen Treasure Sa mansion ng mga Espanto naroon at nagdidilang hangin ang isang dalagita. Ang naturingang prinsesa ng mga Espanto sa harap ng midya ngunit halos hindi na makita sa loob ng mansion ng pamilya. Sa kabila...