XXXXIV

29 1 0
                                    

Pagkatapos ng araw na iyon, mas lalong tumindi ang pag-iisip ko sa kaniya. Sa halip na kalimutan ay lalo pa niyang isinisiksik ang sarili sa isipan ko. Paano na ako nito?

He asked me if I want to go on a dinner with him as a thank you for what I did. Maliit na bagay lang naman ang ginawa ko pero sino ba ako para tumanggi? Isang Kathan na ang nag-alok.

Pagkatapos ng gabing iyon, hindi na ulit kami nagkita. Ang alam ko ay marami silang gigs kaya busy siya, miski sila Avril ay hindi nito napupuntahan sa ngayon.

As of now, I am busy with my art exhibit. Inuumpisahan na ito. Sa susunod na buwan, magiging busy na ako sa taping ng pagbibidahang serye, kailangan ko pa rin asikasuhin ito.

Kasama ko ngayon si Mommy, nasa mall kami at nagkakaroon ng girls bonding. Ngayon lang namin nagawa ito kaya naman sobrang natutuwa ako. She looks happy as well.

“Ma, try this.” I showed her the dress but she shake her head. “No, this one. Para matchy tayo!” Sabay kaming tumawa at sinubukan ang damit na itinuro niya.

Mabilis na lumipas ang mga araw. Ngayon ang unang araw ng taping namin. Inaamin kong kinakabahan ako dahil maliliit na role lang naman ang ginagaw ako noon tapos biglang ganito.

But I’m sure, Avril will guide me since big roles ang kadalasang nakukuha niya. Sikat at may potential naman kasi talaga ito. Mas pro pa siya kahit ilang taon na akong umaarte.

Well, hindi biro ang pag-arte. Marami akong natutunan habang nagw-workshop. Nagagamit ko iyon unti-unti. Namulat din ako sa katotohanang may namana naman pala ako sa mga magulang ko.

“Rolling in three, two, one. Action!”

“I did it... Nakaahon na ako mula sa matinding pagkakalugmok.”

That line really caught me. It was like the line was made for me. It made me realized things that I still didn’t. All my hardships are worth it. This is it, slowly getting paid off.

Nagpatuloy ang taping hanggang sa umere na ito sa telebisyon. Inabot ng ilang buwan din ang pagbuo sa art exhibit ko. Unti-unti ko nang nakikita ang tagumpay.

“Sa wakas, natapos ko rin...”

My first ever song is finally finished. Halos six years na nang umpisahan ko ito at ngayon, tapos na. Dahil nagkaroon ako ng maraming inspirasiyong pag-aalayan.

“Magpakain kayo kasi successful ang unang linggo ng palabas niyo.” Biro ni Kyieno agad namang tinupad ni Avril.

Kumpleto silang lima. Gusto ko sanang sumama kaso ay biglang nag-message si Vicen kaya hindi ako nakadalo. Si Kathan, nagkaroon ng biglaang gig kaya umalis din agad.

Habang nag-iintay driver, magkasama pa kaming nag-intay ni Kathan sa labas. Walang kibo, walang imikan. Are we still this awkward when we are alone together?

“Kayo ni Vicen?” He suddenly asked. I frowned. “Huh?” Gulat kong respond.

“Kayo na? Boyfriend mo na siya?” Parang wala lang na tanong niya.

Agad akong umiling na maintindihan. “H-Hindi, ah! Magkaibigan lang kami,” sagot ko.

“Good so I can still ask you to go out on a date.”

I blinked multiple times. My heart skipped a beat. Nabato ako sa kinatatayuan. What did he just say? He is asking me if I want a date with him? Is he even serious? What the hell, Kathan, why?!

“Silence means yes, Miss Espanto. See you next Friday.” Kaswal itong sumakay sa sasakyang pumarada na parang walang nangyari.

Nagkita kami ni Vicen at nag-usap. Kinuwento ko sa kaniya lahat.

“Vicen, anong gagawin ko?!” I exclaimed, natataranta. He chuckled. “Calm down, Miss Espanto.”

Napanguso ako at bumalik sa pagkakaupo. Nakinig ako sa lahat ng sinabi niya.

“Huwag mong ipahalatang kinakabahan at natataranta ka, okay? Just go... with the flow.”

Habang lumilipas ang mga araw, kinakabahan ako and when Friday came, nataranta ako nang mapagtantong hindi pa rin ako prepared. Saka bakit na ako nagkakaganito?

It’s a date. A friendly date, I guess? Yeah, right.

Nang matapos akong mag-ayos, nagpahatid na ako sa location na sinend niya. He can’t pick me up dahil manggagaling pa siya sa malayong lugar bago ako puntahan.

“Hi, good evening,” tanging ngiti na lang ang naisagot ko.

We ordered food silently. Parang takot kaming basagin ang katahimikan dahil walang kaingay-ingay. He rented a restaurat again, for our peace, of course.

It was like our old gold days. We went out every Friday and Sunday only because of his schedule. Hindi ko imakalang ganito kasayamg balikan.

“Tell me all that happened to you for the past five years.” He said out of the blue.

“I suffered a lot, tapos.” I replied immediately. “Detailed, please.” He command.

I sighed. Binitiwan ko ang kubyertos. “Bakit ba gusto mo pang ungkatin? Hindi maganda ang mga nangyari sa akin noon, Kathan.” Sabi ko na lang. Napayuko ako.

I bit my lower lip and bow down my head.

“Bagsak na bagsak ako nang iniwan mo ako, Kathan... Pero hindi ako nagpatalo sa sakit at hirap ng pinagdadaanan ko.” Kwento ko na lang bigla.

“Bumangon ako at nag-umpisa ulit. Mula sa baba hanggang sa marating ko ito.” I glance at him, he is just staring at me intently.

“Mommy is mad at me that time. Sinisisi niya ako sa nangyari kay Daddy. Nitong umuwi lang ako rito saka kami nagkaayos. At habang nasa Laguna ako, I fixed my life.”

“I’m a victim of bullying because of my state that time, ang dami kong inappropriate na naranasan sa school pero nagpatuloy ako.” I bit my lower lip  when I saw his mad eyes.

“Nag-aral ako ng mabuti. I went to a workshop nang walang nakakaalam. Ginusto ko para maging proud sila. Kaya kahit mahirap at maraming adjustments, kinaya ko for them.”

His reaction soften. Kathan reached for my hand in the table, ipinatong niya roon ang kaniya at marahang hinaplos iyon. Napatitig ako roon, after five years, huh. “Continue,”

“C-College isn’t easy. Ang hirap. Ang daming gastos and financially unstable ako that time, hindi ako humihingi ng pera sa pamilya ko. Kaya naman nag-try ako kahit maliit na role lang kahit baguhan pa.”

“Vicen helped me. Kasama ko siya mula noon hanggang ngayon.” I added. He looked away for a second.

Little did he know na siya pa rin hanggang ngayon?

Sa dinami-rami ng pinagdaanan ko, namin, hindi naman ako nawala talaga sa kaniya. Kahit nakalimutan na niya ako, nasa kaniya pa rin ang puso ko. I am still living in our past.

Kathan is indeed hard to unlove.

“But you know what? After all, it’s still you, Kamatayan...” I whispered and smile.

Marami akong dinanas sa buhay lalo na nitong mga nakaraang taon. At inaamin kong pinatatag ako ni Kathan. May parte sa akin na gusto nang sumuko, but he is always there to remind me why am I living.

He succeed and I want to as well. He did what he want, likewise me. He proved to all that we should not be defeated in any war, we need to stand up and fight again.

At nang lumaban ako, naipakita ko lahat ng itinatago kong kakayanan.

“Ngayong pwede na... pwede pa naman siguro, ‘di ba?”

Unseen TreasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon