Parang lantang gulay akong umupo sa gilid ng kama. Kauuwi lang namin. Pagod na pagod ang katawan ko. Puyat, wala pang kain, at labis na nasasaktan.
Lunes ngayon, may pasok pero wala akong balak na um-attend ni-isa sa mga klase ko. I can not. Paniguradong umabot na rin ang balita sa mga teachers ko, they would consider me as excuse naman siguro.
I sighed. Why us? Still us after all?
Nadako ang tingin ko sa phone ko. I bit my lower lip. Natatakot akong buksan iyon. Pero hindi naman pwedeng off na lang palagi. I grab and took a deep breathe before opening it.
Sunod-sunod na notifications ang natanggap ko, naiwan ko palang bukas ang data at wifi kaya online agad ako pagkabukas ko. There are a lot of messages and missed calls from others. Especially from Kathan and Vicen.
Kathan... galit ka kaya sa amin? Sa akin? I can’t accept someone’s hate for me. I am willing to say sorry for my Dad. For our sin.
Naputol ang pag-iisip ko nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko, hindi lang simpleng katok at alam ko kung sino ‘yon. “Araseli, open the fucking door!” Vicen shouted.
I lazily opened the door. Nagulat ako nang isang mahigpit na yakap ang sumalubong sa akin pagbukas ko ng pintuan. Hindi agad ako naka-recover sa gulat.
“How are you? Is Tito Vien fine? How about Tita Angelu? What happened? Is my baby okay?” Sunod-sunod na tanong niya.
Hindi ako nakasagot at tiningnan lang siya nang humiwalay ito sa yakap. He caressed my cheeks and hugged me again, tighter than he did earlier. He looks so worried about me.
“I’m... okay.” Halos hindi na narinig ang boses ko. sa sobrang hina, pati katawan ko ay naghihina na. Naninikip na naman ang dibdib ko, like I’m going to cry again. Nonstop.
“Araseli, you can’t fool me. I know it hurts, you can cry.” He said.
Sa mga salita niyang iyon, nag-uunahang bumagsak ang mga luha ko. I hugged him again. I badly need him this time, I need someone I can lean on. Someone like Vicen.
“A-Ang hirap, Vicen... Ang sakit-sakit...” I whispered in between my sobs. I was crying in his chest and there he is, comforting me.
“Dad is in comma.” I said.
His hugs tightend. Vicen is whispering something to make me feel at ease. I am so lucky to have this guy who’s been with me since we’re kids. Vicen knows me well, alam niyang mahina ako pagdating sa ganito.
Nanghina na ako sa kaiiyak. Inalalayan akong humiga ni Vicen sa kama ko, naupo siya sa gilid niti habang marahang pinapasadahan ng mga daliri niya ang buhok ko. He is smiling at me.
“Hindi kita iiwan...” Sambit nito. “Close your eyes, you need a rest. Hindi ako aalis, babantayan kita.”
Agad akong nakatulog nang maipikit ang mga mata. Ngunit paggising ko, umalis na siya. He leave me a note that Dean needs him and Benj since I, the SSG President, can not fulfill my duties as of now.
Walang gana akong bumaba para kumain. Kumakalam na ang sikmura ko, hindi pa nga pala ako kumakain. Bumalik daw si Kuya sa ospital kaya kami lang ni Axus ang nasa bahay at sabay na kumain.
The kid looks so sad, tired and frustrated, too. He’s too young to experience this. If I could only got from him the pain that he feels, I would do it right away. Axus is our sunshine, but it seems like he lose his light now.
Pagkatapos kumain, lumabas ako. I want some fresh air, buti at wala nang media sa paligid. Pina-ban na sila at hindi na makakapasok sa village namin.
Looks like the sky is sad, too. Kulimlim at handa nang bumuhos ang ulan. Tahimik ang paligid at tanging mga huni ng ibon lang ang maririnig. Kalma rin ang hanging ngayon.
Paglabas ko ng gate, bumuhos ang malakas na ulan. Hindi na ako nag-abala pang simulong dahil ito ang gusto ko. I badly want to cry again, at sa pamamagitan ng paliligo sa ulan, walang makapapansin.
The guards tried to stopped me pero sinabi kong hayaan muna nila ako. Isang kaawa-awang tingin pa ang ibinigay nila sa akin na hindi ko naman kailangan. All I need is ny Dad to heal, not their pathetic faces.
Muling bumagsak ang mga luha ko. Patuloy akong naglalakad sa gitna ng daan, nagpapakabasa sa ulan. Pakiramdam ko ay sasabog ako kapag hindi ko nailabas ito. Ang bigat-bigat sa dibdib.
I was watching myself to cry through my reflection to the water. Nakakaawa akong tingnan. Hindi naman kasi ako iyakin, I rarely cry at sa mga piling bagay at pangyayari lang.
Kailan kaya magigising si Daddy? Wala pa akong balita sa social media kaya hindi ko alam kung kinagagalitan o kinaaawaan ba siya sa online world ngayon. Hindi ko nakayang tingnan.
Nabalitang may ka-affair siya, for sure, isisingit at isisingit nila iyon. Ang mga tao sa paligid, paniguradong pinag-uusapan kami. Pati sa mga social media site, radio, TV, at iba pa. Alam kong kalat na kalat na.
Umupo ako sa gilid ng daan, tinakpan ko ng mga palad ang mukha ko at lalo pang lumakas ang iyak ko. Wala namang makakarinig sa akin, ayos lang ‘to. Ayos lang ‘yan, Araseli.
“Tahan na...” The rain suddenly stops pouring on me.
It’s raining hard but I can clearly hear his voice. Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang maramdaman kong tinabihan pa ako nito. Narito ba siya para kagalitan at sumbatan ako?
Hindi ako umimik o tumingin man lang sa kaniya. Hindi ko kaya.
“Galit ka ba sa ‘kin?” He asked.
I bit my lower lip hard to stop my sobs. “K-Kathan...” I called him. He didn’t answer so I took the opportunity to say my next word.
“Kathan, I’m sorry.” I hugged him, didn’t even bother if he gets wet, too. “Hey, hey,” gulat at natatawang aniya.
Humiwalay agad ako. Binitiwan niya ang payong at nagpakabasa na rin sa ulan, nabasa na rin naman siya dahil sa akin. He looked at me at smile like he realized something.
“Hindi ako galit.” Anito.
Nag-angat ako at nagtama ang tingin naming dalawa.
“Hindi ako galit sa pamilya mo... at lalong lalo na sa ‘yo.”

BINABASA MO ANG
Unseen Treasure
Teen FictionV A N Q U I S H S E R I E S 4: Unseen Treasure Sa mansion ng mga Espanto naroon at nagdidilang hangin ang isang dalagita. Ang naturingang prinsesa ng mga Espanto sa harap ng midya ngunit halos hindi na makita sa loob ng mansion ng pamilya. Sa kabila...