“Oh my god! I got the main role, I passed the audition!” I exclaimed.
Nakipagkita agad ako kay Direk Lea kagaya ng message niya sa akin. Sobrang natuwa si Mommy sa ibinalita ko, likewise my siblings.
Ang saya lang, dahil to be honest, this is the first time na nakakuha ako ng malaking role sa mga naging project ko. Bihira rin dahil masyadong busy ako sa college life ko.
Ngayong graduate na ako, matututukan ko na ang bagay na ito. I can feel that I improved. Siguro naman ay maganda ang kalalabasan ng seryeng pagbibidahan ko.
“Avril, this is Araseli Espanto. Araseli, this is Avril Richards. You guys are the main characters.” Direk Lea announced.
Wow, ilang linggo pa lang ang nakalilipas mula nang mabanggit nila Ash kung kailan kaya kami magsasama sa isang proyekto tapos ito, granted agad?
“We are friends.” Avril said casually.
“If that’s the case, it wouldn’t be that hard to build a chemistry between the two of you, right? That’s good, then.” Direk smiled.
Avril and I talked about things after that. We need this. Para hindi maging awkward ang kalabasan ng pag-arte. Kailangan ay kaswal lang, walang ilangan na parang walang kamera sa paligid.
Mag-uumpisa ang taping pagkatapos ng dalawang buwan. Wala pang ibinigay na script sa amin ang direktor, siguro ay dahil masyado pang maaga para magsaulo ng mga linya.
“Paano, hatid na kita?” Avril asked.
“Huh? Ah, hindi na. Nakakahiya, tawagan ko na lang driver ko.” Sagot ko. “I insist.” Wala rin akong nagaw akundi ang pumayag. Sino ba naman ako para tumanggi.
Nakamasid lang ako sa daan habang tutok siya sa pagmamaneho. Biglang nag-ring ang phone niya kaya sinagot niya ito at binagalan ang takbo.
“Hello? Kathan?” Napalingon ako nang marinig ang bungad niya sa tumawag. “Oh, bakit? Ngayon na?” Sagot nito sa lalaki.
Ngumiwi si Avril. “May kasama kasi ako, e. Kaya mag-intay ng isang oras pa?” Tanong niya. Napabuga siya ng hangin. “Sige, sige. Ito na.”
Ibinaba niya ang tawag at sinulyapan ako. Hinihintay ko lang na may sabihin siya kaya hindi na ako nagasalita.
“Araseli, is it okay if dumiretso muna tayo sa condo ni Kathan? Ihahatid kita, promise. Kisabay-sabay lang ang mokong ‘yon, urgent daw.” Anito.
Napa-oo na lang ako. Nakisabay lang din naman ako kaya wala akong karapatang humindi. Kathan kasi, ano ba namang nangyari at ngayon mo pa naisipang papuntahin diyan si Avril?
Tumigil ang sasakyan sa isang malaking building. May condo na pala siya. Kailan niya namang naisipang bumukod? Mama’s boy pa naman ang lalaking iyon. Buti at nakakatiis siya.
Bumaba ako ng kotse para samahan si Avril, mga ilang minuto rin daw siguro ang itatagal niya roon kaya pinasama na niya ako para hindi mainip. Para namang wala siyang alam, nakakainis.
16th floor. Sa pang-limang pinto kami tumigil bumukas agad iyon at bumungad sa amin ang topless pero balot ng kumot na si Kathan. Parehas kaming nagulat nang magkatinginan.
Magulo ang kulay berde nitong buhok, mapungay ang mga mata, namumula ang ilong at namumutla. He looks like he is sick. Kaya ba niya tinawagan si Avril?
“Gamot mo. Inumin mo na agad.” Inabot ni Avril ang isang supot na may lamang gamot dito at dire-diretsong pumasok sa loob ng unit nito.
Niluwagan niya ang bukas ng pinto. “Pasok ka,” anito at tipid na ngumiti. Tumango ako at nagpasalamat.
Ang condo unit ay niya ay normal lang. Walang masyadong gamit, malinis at maaliwalas. Minsan lang siguro siya tumigil dito. Sinundan ko sila sa maliit na kusina.
“Ano na naman bang ginawa mo at nagkasakit ka? Nasobrahan ka na naman sa alak, ano? Alam nang mahina, sige pa rin ng sige.” Sermon ni Avril sa kaniya.
Nag-iinom siya? Wow, ang dami ko na pala talagang na-missed. Sa bagay, hindi ko naman kailangang malaman, saka bakit niya ako ia-update tungkol doon?
“Huwag mo naman akong sermunan ngayon. Wala nga si Kuya Pier, ikaw naman ang pumalit.” Walang ganang sagot ni Kathan.
“Nahihiya ka ba kay Araseli? Aba, dapat lang! Hindi ka dapat nag-iinom.”
Nakasimangot na naglakad paalis si Kathan, nagtungo sa isang kwarto, padabog pa ang pagsasara ng pinto. Nag-ring ang phone nito at minadali ang pagsasalin ng tubig.
“Araseli, pakisundan nga ang lalaking ‘yon sa unang kwarto, makikibigay ng gamot sa kaniya. I need to take this call,” aniya at ibinigay ang tray sa akin.
Sinunod ko na lang ang sinabi niya. Nadatnab ko ang nakatalukbong ng kumot na lalaki. Ipinatong ko ang tray sa bedside table. “Hey, take this already.” Usal ko.
Mapatayo siya bigla ng marinig akong nagsalita, nagulat ko yata. My eyes widened when I saw him landing on me. “Shit.” He muttered when he fell, sa akin— literal.
Sa gulat nang ma-realize na parang magkayakap na rin kami ay hindi agad ako nakagalaw. Natauhan ako nang siya ang unang bumitaw, sa taranta ay tinulungan ko na siyang umayos ng tayo.
“I’m sorry. Nahihilo lang ako.” Anito. Tumango na lang ako kahit damang dama ko ang lakas ng kabog ng dibdib. Naramdaman din kaya niya?
I asked him kung kumain na siya. Kawawang bata, cup noddles lang ang laman ng tiyan dahil hindi na kinayang magluto. Pinainom ko siya ng gamot at tubig.
Nakatingin lang siya sa akin kaya nag-iwas ako. “Mahiga ka na. Gusto mo bang punasan kita para bumaba ang lagnat mo?”
Lalong tumiim ang titig niya. My lips parted when I realized what I’ve said. Nag-init ang pisngi ko at nataranta. What did I just said?! The hell, Araseli. I bit my lower lip when I saw his small smile.
“I-I mean—”
“Yes. Do it, please. Take care of me...”
I was too stunned to speak. Kusang sumunod ang katawan ko sa sinabi niya, umalis ako sa kwarto niya ng wala sa sarili. I closed my eyes, habol ang hininga. Ang tanga mo, Araseli, sobra.
He’s sick. Wala naman sigurong masama.
“Avril?” I called him. “Yes?”
I bit my lower lip. “Pwede ko bang punasan si Kathan? Para bumaba kahit paano ang lagnat niya sana.” Paalam ko.
Nag-init ang pisngi ko nang makita kung paano niya pigilan ang ngiti niya. Sa loob-loob siguro ng lalaki ay iba na ang iniisip niya, may malisiya na! Nakakainis naman.
“Sure. Saka siya dapat ang tinatanong mo, hindi ako.” He said and let out a playful grin.
Kumuha ako ng bimpo at plangganang may tubig bago bumalik sa kwarto niya. Mabigat na ang paghinga niya kaya alam kong tulog na ito. Nakampante ako kahit paano.
Makakapagpahinga na siya at hindi na ako masyadong matataranta.
I slowly lift his arms and gently wipe it with the wet towel. Naiilang ako pero wala naman akong choice since I volunteered to do this.
My eyes got stuck in his angelic and innocent face. I smiled when I saw my favorite part of his face, his sharp jawline and connected moles. My hand goes up to his hair, I can't help but to caressed at play with it. I missed this.
“Asei... i-ikaw pa rin... mahal, balikan mo na a-ako...” He mumbled, eyes is still close.
BINABASA MO ANG
Unseen Treasure
Roman pour AdolescentsV A N Q U I S H S E R I E S 4: Unseen Treasure Sa mansion ng mga Espanto naroon at nagdidilang hangin ang isang dalagita. Ang naturingang prinsesa ng mga Espanto sa harap ng midya ngunit halos hindi na makita sa loob ng mansion ng pamilya. Sa kabila...