“Asei... where did you get that?” I asked after the warm hug.
He brushed my cheeks again, like what he always love to do. “Araseli is too long for me, Asei for short.” He smiled.
I kinda felt happy despite of what I’m experiencing right now.
“Seventeen years of existence, but no one tried to create a nickname for me. They are all contented calling me Araseli.” I said.
“Well, it’s a secret nickname. I will call you Asei kapag tayo lang dalawa ang magkasama.” Dagdag niya pa na nagpakunot ng noo ko. “Bakit?” Nagtatakang tanong ko.
“Gusto ko, ako lang ang tatawag sa ‘yo noon.”
We stayed at his room for a while. He showed all the things inside here. He seems so happy and excited also. Kadalasan pa naman ay naka-seryoso ang mukha niya.
“Help me, isabit natin ‘to.” Aniya habang hawak-hawak ang painting na regalo ko sa kaniya.
Tinulungan ko siyang humanap ng spot pero sa huli, napili niyang isabit iyon sa tapat ng kama niya. “Para paggising ko, ikaw agad ang maiisip ko.”
I handed him the hammer to put the nail in the wall. “Bakit ako, e mukha mo iyan?”
He laughed. Sunod kong iniabot ang painting, maingat niya iyong isinabit at hinipan pa na parang may dumi kahit wala naman. Bumaba na siya sa upuang tinuntungan.
“Of course, you are the one who made it. My Asei paint it.” Sagot niya pa. Napailing na lang ako habang nangingiti.
Naupo ulit kami sa dulo ng kama niya at magkasamang pinagmasdan ang painting na ginawa ko.
His blue eyes really caught my attention, likewise his sharp jawline and connected moles in it. Well, ang attractive naman kasi talaga. Asul pa ang kulay ng buhok niya roon, iyon ang ikinulay ko because that really suits him.
“Why did you dye your hair again?” I asked out of the blue.
He pouted. Hinawakan niya ang ilang hibla ng buhok habang nakasimangot. “Hindi ba bagay?”
Tumawa ako at hinawakan din ang buhok niya. “Bagay naman. Ang bubbly mo tingnan lalo na kapag nakangiti ka.”
“Ayaw ko ng bubbly, gusto ko hot tingnan. Babaguhin ko na ba?” Sabi niya pa. Kumunot ang noo ko at sinuklay ang buhok niya gamit ang mga daliri ko.
“Huwag na, ang cute kaya.” I ruffled his hair and smiled.
Kung siya, hobby na na hawakan ang pisngi ko at masuyong hagpusin, siguro magiging hilig ko naman na laruin ang malambot at pink niyang buhok.
Mukhang nagulat siya sa ginawa ko but he didn’t complain and just enjoy it.
Ngumuso pa siya lalo. “Sabihin mo, gwapo ako para hindi ko i-dye ulit.”
Natatawang ikinunot ko ang noo. Para siyang apat na taong bata na nagmumukmok. I wonder if he’s always like this, if he’s doing this to anyone.
“Oo na, ang gwapo mo na sa kulay ng buhok mo na iyan.” Ngumiti ako. Naiba na ang kurba ng labi niya, ngiting-ngiti na ngayon ang kasama ko. Kaso nawala rin after a few seconds.
“Paano kapag dinye ko ulit, edi hindi na?” Tanong niya pa ulit. Napangiwi na lang ako sa kakulitan niya, para talagang bata.
Ang sabi ko kay Kuya, uuwi ako before lunch, quarter to twelve na pero narito pa rin ako kila Kathan. I should text him already.
To: Kuya A
Kuya, I am with Kathan, hindi ako makakauwi ng lunch.From: Kuya A
Sinasabi ko sa ‘yo, ha. Walang labis, walang kulang dapat uuwi. Huwag magpapagabi, lagot ka kay Mommy.I know what is ‘labis’ and ‘kulang’ he keeps on mentioning. Si Kuya talaga, para namang hindi ako kilala.
“Kain tayo, nagugutom na ako, siguradong ikaw din.”
Dinala niya ako sa dining area nila. Ano pa bang aasahan mo sa bahay ng isang idol? Syempre, maganda at malaki. Malinis at maaliwalas. Maraming gamit na mamahalin.
Ang napansin ko lang, this house looks so empty. I can’t feel the love. O baka OA lang ako kasi wala namang tao bukod sa aming dalawa at mga helpers nila? Siguro nga.
Their helpers served us tons of foods. Kami lang naman dalawa rito tapos ang dami pang pinahandang pagkain. Paano namin ito mauubos ngayon? Puno ang long table.
Ilang beses akong sumulyap sa kaniya at sa mga helpers na nasa gilid lang ng table. He looked at me and asked me why. “Pwede ba natin silang isabay?” I asked, referring to the helpers.
He didn’t look shocked at all. Maybe ginagawa niya rin ito pero hindi lang ngayon kasi narito ako.
Nakangiting inaya niya ang mga kasama namin na kumain. Nahihiya pa ang mga ito at tumanggi pero walang nagawa sa pamimilit ni Kathan. Sa kabilang dulo pa sila naupo at nahihiyang kumain kasabay namin.
I smiled while looking at them. Ganito rin kami ni Yaya Kia noon. Kaunti lang naman ang helpers namin kaya minsan ay ginagawa ko rin ito kapag wala sila Mommy at Daddy.
Ipinaglagay niya pa ako ng pagkain sa plato ko. Ako naman ang nahiya dahil pasulyap-sulyap sa amin ang mga kasabay, naiilang tuloy ako. Nakangiti lang si Kathan all the time at kinukwento ako.
“Bakit wala ‘yong mga paborito at hilig mo sa profile and facts ng member ng Acer?” I asked randomly because I saw adobo.
Paakyat na kami ng hagdan ngayon. Sabi niya, sa sariling practice room niya raw ako dadalhin.
“Hindi ko talaga pinalagay.” Sabi niya. “Bakit naman?”
He shrugged and smiled. “Wala lang. Gusto ko, bilang na tao lang ang nakakaalam. Mga taong special lang sa akin.”
I looked at him. Mukha siyang private na tao, to be honest. I can’t explain pero nakikita ko ang mga bagay na iyon sa kaniya. I find it cute, I don’t know why.
“Medyo private kasi akong tao, medyo lang naman. Isa ‘yon sa hindi ko ipinaglalandakan. Mapili rin ako sa makakasama at isinasama... You’re glad, I like you.”

BINABASA MO ANG
Unseen Treasure
Teen FictionV A N Q U I S H S E R I E S 4: Unseen Treasure Sa mansion ng mga Espanto naroon at nagdidilang hangin ang isang dalagita. Ang naturingang prinsesa ng mga Espanto sa harap ng midya ngunit halos hindi na makita sa loob ng mansion ng pamilya. Sa kabila...