XXVI

9 1 0
                                    

From: Kamatayan
Bebi, sorry po. Hindi tayo makakapag-meet ngayon. Something came up, Acer need to go to Cebu. Can not be reach ka kaya message na lang, call you later. Love you!

Napanguso ako sa nabasa. Sa ospital kasi ako natulog, low battery din kagabi at wala akong charger kaya ngayon lang ako naka-open. Ito pa ang bumungad.

Nang maka-reply sa kaniya, umupo ako sa gilid ng kama. Nilaro ko si Silver hanggang sa maubos na roon ang oras ko. Saka ko naalalang may tinatapos nga pala akong kanta. I’m trying to build one.

Doon ko na lang itinuon ang pansin. Sabi ni Kathan, kapag gumagawa raw ng kanta, kailangan ng inspirasyon o pinaghuhugutan. Siguro, wala o kulang pa ako noon, hindi ako makabuo.

Well, hindi naman talaga madali. Ang hirap humalungkat ng mga salita. Walang pumapasok sa isip ko. Sa ibang araw ko pa siguro matatapos ang nasimulan ko dahil wala talaga akong mapiga sa utak.

“Gala naman tayo! Hindi na tayo nakakapag-bonding tatlo.” Pagmamaktol ni Benj.

Tuesday ngayon. Nasa cafeteria kami at nagla-lunch. “Next weekend? Sa resort namin sa Palawan. Ano, g kayo?” Vicen suggested.

Walang alinlangang um-oo si Benj kahit hindi pa nakakapagpaalam sa parents niya. Napaisip naman ako. Weekend, so including Sunday? Sunday is Kathan’s off, hindi na naman kami magkikita?

“Ikaw, Araseli? Makakaalis ka ba? Dalawang araw lang naman.” Vicen asked. Napanguso ako at nag-isip pa. Kalaunan ay pumayag na rin. Baka pwede pa sa gabi.

Nagpaalam ako kay Mommy. At dahil sila Vicen at Benj ang kasama ay pumayag agad siya. Two days and one night lang din naman. Sasabihin ko na lang kay Kathan.

Masyado siyang busy kaya hindi kami makakapag-usap ng maayos at tuloy-tuloy. Malapit na kasi ang labas ng bagong music video nila.

Wednesday. I was wondering if I and Kathan can meet sa Friday. Kahit sandali lang sana. Pero kung hindi talaga pwede, sa Sunday. Whether dinner or just 1 hour time with him.

Nami-miss ko na siya. Ganito pala ang pakiramdam. I was thinking about him, twenty-four seven. Rent free sa isip at puso ko ang lalaking ‘yon.

Dahil wala akong magawa, I just stalked his accounts. Inuna ko ang Facebook niya, ang ‘official’ account. Ang ginagamit niya kasing pan-chat sa akin ay lumang account.

Iyon daw ang ginagamit niyang pang-chat sa akin para hindi matabunan ang messages ko. Wala na rin daw kasing masyadong nagm-message roon, inakala pa ng iba na poser account.

Kathan Ocampo

acerpilipinas@gmail.com

Instagram: kt.ocampo
Twitter: ktocampo

Followed by 978,256 people
Works at Blade Enterntainment

Nakatago o naka-only me lang ang friends niya, pati birthday. Hindi naman siya naglagay ng location. Walang following, liked pages and others. May music lang which is ‘yong kanta sa huli nilang comeback.

Wala naman akong nakita sa FB account niya. May post every other day bilang update sa mga fans and followers niya. May mga tagged photos mula sa Blade Ent, puro mukha niya lang naman at ng Acer members ang laman.

Sinunod ko ang Instagram niya. Since nakalagay sa bio niya ang username, madali kong nahanap iyon.

kt.ocampo
Kathan Ocampo
acerpilipinas@gmail.com
Alas // A

Napataas ang kilay ko sa ‘A’ na nakita. A stands for? Ah, ewan. Ang assumera ko na.

481   |   756k   |    4035
Posts | Followers | Following

Hindi ko namalayang ngumingiti na pala ako habang pinagmamasdan ang mga litrato niya roon. Nakuha ko pang mag-screenshot dahil hindi pwedeng i-save. Baliw na ako.

Kasi naman, kahit mga photo dump niya ay ipino-post. Mas guma-gwapo siya sa mga blurred na litrato roon at iba pa. Ang cute.

Binisita ko rin ang account ng Acer sa lahat ng social media sites. Sikat talaga sila. Sa Youtube, mayroon silang 5 million subscriber. Imagine kung gaano karami ang napapasaya nila.

Nagawa ko pang manood ng isa sa mga episode ng reality show nila na pinamagatang “Acer’s Spell”. Sa loob ng dalawang taon, mayroon na silang 30+ activities sa show na iyon.

They look so cute together. Para silang magkakapatid na nagbo-bonding. Lalo na roon sa pajama party episode. I wonder how close they are. Pero makikita na naman. Malapit talaga sila sa isa’t isa.

Until I reached his Twitter.

than @ktocampo
My kayamanan. . .

Nagulat na lang ako ng masagi ang tingin sa isang tweet kung saan ginamit ang hashtag na ‘ACERph’ na ginagamit ng grupo.

Bomb @scrtfiles • 12m
Sinetch itey, nag-Cebu lang, may ka-mwa-mwa na. Lol. #ACERph

Kumunot ang noo ko. I read some comments and retweets. Ang hula nila ay maalin kay Kyieno o Kathan. What the? Seriously? Wala naman silang patunay.

Naghalungkat pa ako roon. Unti-unting kumukunot ang noo ko sa mga nababasa. Halatang mga pekeng Alas ang umaatake sa grupo.

May fan ba na ganito? They are so judgemental.

Ginagawan lang nila ng issue ang grupo. Ano naman kung may kayakap ang isa sa kanila? Baka naman matagal na iyong kakilala. They are also humans, anong masama roon?

Marami ang nagsasabing si Kathan daw iyon. Mabilis na kumalat ang balita. Ilang oras pa lang mula nang may mag-post ng ganoon sa Twitter pero umabot na ito kung saan-saan kung pag-usapan.

Mga tao nga naman. Ang bilis basta tsismis. Kuda nang kuda, wala namang alam sa tunay na nangyayari. Ngayon ay lahat na ng miyembro ay pinaghihinalaan nila.

I messaged Kathan about it. I asked him if he’s okay. For sure ay maaapektuhan sila. May bago silang kanta tapos ito ang nangyayari ngayon. Sana lang ay hindi masira ang comeback nila dahil dito.

I opened my FB account again. Hindi ako mapakali dahil wala pa ring reply si Kathan, isang oras na ang nakalipas matapos kong mag-message sa kaniya. It’s almost 10:00 PM.

I gulped. Isang post ang nag-appear sa screen ng phone ko matapos kong magbukas ng account. Screenshot iyon ng isang post mula sa Twitter. Pinakatitigan ko itong mabuti.

I slowly shaking my head while reading the caption. Bumibilis ang kabog ng puso ko. I bit my lower lip so hard.

Sj Poblete
5m ago | 🌍

Confirmed! The maknae caught kissing a girl in Cebu! There’s rumor that they are dating. Omg. #ACERph

That leather jacket the guy’s wearing... that was so familiar. Kathan, is this really you?

Unseen TreasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon