II

47 4 0
                                        

I bit my lower lip.

Should I knock on their door para magpaalam na papasok na ako? Narito pa raw sila ayon kay Yaya Kia.

I sighed.

My brain won. Hindi ako kumatok dahil sa mga negatibong bagay na naglalaro sa isip ko. Umalis ako ng hindi nagpapaalam sa kanila, kay Yaya Kia na lang ako kumaway.

Pagdating ko, I immediately help the others na mag-ayos. Hindi pa kasi natapos kahapon dahil umulan at maaga silang nagsi-uwian pero matatapos naman na ngayon.

“Teka, ‘yong banner ng Acer, Pres, hindi pa nakakabit!” Hiyaw ni Vicen, buhat-buhat ang limang magkakapatong na upuan.

I frowned. “Anong gagawin ko?”

“Baka susunugin?” Aniya. “Siyempre ikakabit! Sa may gate, Pres!”

Ngumiwi ako at tumango.

Susunugin? Good idea. But no, naturingang Presidente ng SSG, sisirain ang banner ng guests? Ayoko pa rin namang matanggal sa pwesto. Ito na lang ang silbi ko sa school.

Pumunta ako sa room ng art club para kuhanin ang banner na gumulat sa akin kahapon. Ang haba pa ng nilakad ko para makarating sa gate para lang ikabit ang banner na ‘to.

Napangiwi ako nang buklatin ang hawak. Gwapo naman  sila kaso hindi ko type. Lalo na itong Kathan, he looks so masungit at snob sa personal.

Nagpatulong ako sa isang estudyante para maikabit ang banner. Napahinga na lang ako nang matapos. Nagpa-meyawang ako habang nakatitig doon.

Acer at Zion High.

Mas maraming mga estudyante ngayon kaysa noong nakaraang intramurals. Dahil nga siguro sa Acer na ito.

Gano'n ba sila ka-sikat kaya’t nagsipasukan ang mga estudyanteng ito na wala noong isang taon? Mayroon pang mga taga-ibang school.

“Pres, 7:49 na.” Bulong ni Vicen.

Iniintay namin ang Acer ngayon sa labas ng gate. May mga guards rin na nakaharang sa dadaanan ng grupo mamaya. I ask them to behave, nakakahiya naman din kasi.

“Baka hindi na darating.”

“Sino ang hindi darating, Miss?” A voice of a man interrupt us.

Nilingon namin ang mga nagsalita. Nagsitilian ang mga tao sa paligid, halos mabasag ang eardrums ko sa nakakarinding sigawan nila.

“Good morning, Acer. Welcome to Zion High.” I greeted them nicely.

“Thank you, Miss.” Their leader, Avril said.

“Hala, teka!” Kyieno’s eyes widened. “Ikaw ‘yong anak nila Angelu at Vien Espanto, ‘di ba?” He asked, gulat na gulat.

Nawala ang ngiti sa aking labi. Nag-iwas akong ng tingin. Hinigit ko ang shirt ni Vicen. Mukhang nakuha niya naman ang ibig kong sabihin kaya agad siyang rumespunde.

“Ah, tara na sa loob! Sa Dean's office muna tayo.” Singit ni Vicen.

Thanks to him. Naiwasan ko ang topic na pinakaayaw ko. Hindi ko gustong napag-uusapan ang pamilya ko. Hindi ko ipinagmamalaking anak ako ng sikat na artista, ayaw ko noon.

Nagkakagulo ang lahat habang dumadaan ang Acer sa hallway, buti at kinakaya ng guards na pigilan ang mga nagwawalang babae. Atat na atat na makalapit sa grupo.

“Sikat ka pala?” Tanong ng isa sa miyembro ng grupo. It’s Kathan Agustin.

“Hindi ako, parents ko.” Sagot ko, hindi na nag-abalang lingunin pa ang lalaking nasa likuran ko lang.

“Anak ka nila, for sure, marami ring nakakakilala sa ‘yo.”

I didn't bother to answer him. Ano naman sa kaniya?

Nang makarating kami sa office, tahimik silang umupo. Wala rito ang Dean dahil sa biglaang meeting, kaming mga SSG officers at professors na incharge lang ang mag-aasikaso sa event ngayon.

“So, how many songs will you guys perform for today's event?” I asked.

“Three songs.” Avril answered.

“The stage is ready. 10 minutes na lang, start na. Magre-rehearse pa ba kayo?” Tanong ko ulit.

Avril is ready to answer but there's Kathan, interrupting us again. “Ganito ka ba ka-bastos magtanong, Miss Espanto?”

I was shocked by his sudden question. I raised a brow. “What do you mean? Ganito ka rin ba ka-chismoso, Mr. Ocampo?”

Nakipaglaban ako ng tingin sa kaniya. Ano bang problema ng lalaking ito? I’m trying to be nice here. Well, I am really nice but there's something in him I can’t point out that I do not like.

Awkward na binasag ng tawa ni Vicen ang katahimikan. “Seryosong tao kasi ‘to, e, pagpasensyahan niyo na.” He even massage my shoulders para pakalmahin ako.

Tumaas ang isang kilay ni Kathan. “Bakit hindi niya kami seryosohin? Ang dali namang magtanong ng maayos.” Pairap na nag-iwas ito ng tingin.

Pilit na ngumiti si Pier sa amin, bahagyang yumuko, humihingi ng pasensya. “Kalmahan niyo.” Awat niya.

“Pagpasensyahan niyo na rin ang bunso namin. Mainitin talaga ang ulo nito, masyadong sensitive rin.” Sambit niya pa.

I sighed and turned my gaze down. “I’m sorry.” May kaunting diing ani ko.

Rinig ko ang bulungan ng lima, mahinang siniko ni Avril si Kathan. “What?” Pabulong na sigaw niya. Inginuso ako ni Kyieno, may talim na tiningnan ako ng lalaki. “Sorry.” His eyes soften a bit.

Bago pa magkainitan, tumayo na ako at sumilip sa labas gayon din sa oras. It’s time. I gestured to their leader na mag-uumpisa na. Agad naman silang sumunod sa amin palabas.

Wala na masyadong tao, paniguradong naroon na sila sa kung saan magp-perform ang grupo. Iilan na lang ang humahabol sa mga lalaki ngunit kinailangan pa ring guwardiyahan.

Nang makarating kami sa backstage, panandaliang ni-re-touch ang make-up nila. Sa daming assistants ay madali namang natapos ayusan ang lima. Naka-set-up na ang stage at sila na lang ang hinihintay.

I called the emcee and gave him the cue to start. Later on, nag-umpisa na rin. “Let’s give a round of applause to... Acer!”

“Hey,” Hindi ako lumingon ng marinig ang tawag ni Kathan. Paakyat na ang iba sa stage at naiwan siya. Sinenyasan ko siyang umakyat na pero umiling ito pa ito at sinabing sandali lang.

“I’m sorry. Please, accept my apology.” Masuyong sambit niya.

Unseen TreasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon