“Araseli, bring out your emotions. Ilabas mo lahat. Think of something could make you burst out your feeling...” The mentor said.
I took a deep breathe and look at one direction, thinking all the pain I’ve been experience. Lacking of attention, betrayal, lose someone and traumas.
A tear escaped in my eye. I can still clearly remember all of those pain. Sariwa pa rin sa akin kahit isang taon na ang lumipas. Masakit pa rin tuwing bumabalik sa akin lahat.
Ilang buwan na akong nagw-workshop. I already decided to continue my parents’ career. Dad want me to be an actress, too. Kaya tutuparin ko iyon alang-alang sa namayapang Ama.
Sa totoo lang, medyo nahihirapan ako. Since I am not used to do this things, may mga adjustments akong kailangang gawin. I’m struggling when it comes to expessing emotions.
Patuloy pa rin akong nag-aaral. Graduating na ako, collage na sa susunod na pasukan. Hindi na rin ako pinag-uusapan sa school, nasanay na silang pakalat-kalat ako roon.
Specially I am with Vicen and Aicy. May dalawang taga-pagtanggol ako kaya alam kong ligtas ako hangga’t kasama ko sila. Kaya ko rin naman ang sarili ko kahit ako lang.
“Pagod?” Vicen asked nang makapasok ako sa kotse. “Medyo lang,” sagot ko. Pinaandar na niya ang sasakyan at nagmaneho pauwi. Sa iisang bahay kami nakatira.
My relationship with him doesn’t change though. We are still friends. Hindi naman niya tinangkang manligaw ulit. Masaya kaming magkaibigan pa rin kami hanggang ngayon.
“Happy birthday to you,” my lips parted when I saw Vicen holding a cake while singing a birthday song. It’s my birthday? Oh, yeah. March 31 na nga pala. Hindi ko na naman naalala.
Last year, sila ni Aicy lang din ang nagpaalalang birthday ko na pala. Kuya and Axus greeted me late because of busy schedule same as Benj. Mom didn’t even bother.
I closed my eyes and make a wish, ‘sana kapag pwede na, pwede pa’. Kagaya ng hiling ko noong isang taon. I am still waiting for that time to come. Pero matatagalan pa siguro bago matupad.
“Thank you, Vicen. Nag-abala ka na naman.” Sambit ko. “Basta ikaw.” Natatawang aniya.
[“Happy birthday sa prinsesa namin!”] Masiglang bati ng dalawa kong kapatid. “Salamat, Kuya, Axus.” I smiled.
Napakagat ako sa labi habang nagpipigil ng hikbi. “M-Miss na miss ko na kayo.” My voice broke. [“Uwi ka na, Ate...”] Mahihimigan ang lungkot sa boses ng bunso.
“Uuwi rin si Ate, Axus. Pero hindi pa sa ngayon. May gusto pa akong patunayan.”
I worked hard just to know every details needed in acting. Pero hindi ko pa rin pinababayaan ang pag-aaral ko. Hindi pa rin ako nakakalimot mag-pinta at iba pa.
May mga oras na nagb-breakdown na lang ako bigla sa pagod. Pero masasabi ko naman sigurong worth it lahat ng ito kapag nakamit ko na ang inaasam.
“Espanto, Araseli Soley Reyes,”
Nagdiwang ang puso ko nang marinig ang pangalan. Sa wakas, graduate na ako ng Senior High. Nakaraos na ako ng halos dalawang taon dito. College na lang.
Ngiting tagumpay na tiningnan ko ang medalya at diplomang hawak. Walang mapagsidlan ang tuwa sa aking sistema. Hindi ko inakalang magagawa kong makapagtapos dito.
We had a little celebration. Kuya Alion, Axus and Benj came from Manila to celebrate with us. Hindi ko nga alam na pupuntahan nila kami sa Laguna. Isinikreto pa ni Vicen sa akin.
Inaasahan kong walang kahit anong manggagaling mula kay Mommy. Kahit simpleng bati. Pero masakit, e. Ang sakit-sakit dahil siya ang dahilan kung bakit ako nagpapatuloy.
Isang bati lang mula sa Ina ay kumpleto na pero wala, wala akong natanggap. I miss her so bad. Gusto ko na siyang mayakap, maka-kwentuhan at makasama. Pero hindi pa oras.
May 16. It’s his day. Gusto ko siyang batiin, kamustahin at kausapin pero pinipigilan ko ang sarili ko. Bawal magpadalos-dalos, Araseli.
“Hey, take a break.” Awat ni Vicen. Pagkauwi ay ginawa ko agad ang mga schoolworks ko, malapit na ang deadline at pakalahati pa lang ako. Nakaka-stress.
“May workshop ako bukas, baka hindi ako umabot.” Sagot ko. “Tutulungan kita, akin na iyong iba.” Anito at walang pasabinghinablot ang ginagawa ko.
Naging katulong ko si Vicen sa lahat. Sobrang nagpapasalamat ako sa kaniya dahil hindi niya ako iniwan. Sinamahan niya ako sa mga araw na lugmok na lugmok ako, pati masasaya.
“Pangit ba ako? Kapalit-palit ba ako?” I asked. “No.” He answered immediately. “Then why?!” I exclaimed.
“Cut!”
Nagsisimula na ako ngayon. Kahit extra lang muna. I am happy that most of them were saying that I improved a lot. Masaya ako dahil iyon ang gusto kong marinig.
Unti-unti ko nang minamahal ang ginagawa ko.
Balang araw, magbubunga lahat ng pagsisikap ko. At sa oras na iyon, siya na lang ang ip-pursue ko at kumpleto na. Gusto ko nang masayang buhay kasama siya. Sana, pwede pa.
“Vicen, hindi ka ba napapagod sa akin?” I asked out of the blue. I have a free time and I spent it with him.
He chuckled. “Bakit naman ako mapapagod? Gusto ko ang ginagawa ko, Araseli. Gusto kong tinutulungan ka.” Sagot niya agad.
“Wala naman siguro itong kapalit, right? Pagturing na kapatid lang ang maibibigay ko,” biro ko.
Parehas kaming natawa. “Syempre naman, wala. Choice kong manatili.”
Manatili... Sana hinayaan niya rin ako noon.
Napabuntong hininga ako. Nakaupo kami sa unahan ng kotse niya. Itinukod ko ang kamay pangsuporta at tumingala sa langit. “Nami-miss mo na siya ano?”
Sa langit ako nakatingin at si Daddy ang naroon pero alam kong ibang tao ang tinutukoy niya. I sighed and didn’t bother to answer his question. Alam kong alam niya ang sagot.
“Pagdating ng tamang panahon, magtatagpo ulit ang landas niyo... ng tamang tao at sa tamang panahon.”
BINABASA MO ANG
Unseen Treasure
Teen FictionV A N Q U I S H S E R I E S 4: Unseen Treasure Sa mansion ng mga Espanto naroon at nagdidilang hangin ang isang dalagita. Ang naturingang prinsesa ng mga Espanto sa harap ng midya ngunit halos hindi na makita sa loob ng mansion ng pamilya. Sa kabila...
