“Araseli,” Kathan called me. Kinalwit niya pa ako. “Hmm?”
Napakamot siya sa ulo. “Marunong ka bang... magluto? I don’t know how to,”
Mahina akong natawa. Sumama ang timpla niya nang makitang tumawa ako. Tumango na lang ako at sinamahan siya sa kusina.
Napaawang ang labi ko nang madatnang ang dumi ng kusina. Ito ba ang ginawa niya kanina kaya nawala siya at iniwanan ako sa may pool area? Ang kalat ng kitchen.
“Sana kanina mo pa ako tinawag nang magsimula ka,” sambit ko hababg pinupulpt ang nagkalat na tissue, cans, at iba pang kalat sa counter at sahig.
Tinulungan niya rin akong maglinis. “Gusto sana kitang ipagluto, bisita kita, e.” Natatawang aniya.
Nangingiting napailing na lang ako. He’s sweet, but clumsy. Nang matapos kaming maglinis, nag-umpisa na akong mag-ayos ng ingredients. Kumpleto naman ang kusina kaya madali kaming makakapagluto.
“May request ka bang pagkain? Baka alam kong lutuin,” sabi ko. Nakahalumbaba lang siya sa counter habang nakasunod sa akin ang mata.
“Adobong atay balunan, paborito ko.” Aniya. “Well, main ko ang adobo.” I shrugged and smiled at him.
Natuwa naman siya dahil sa studio raw, madalas pagkain daw sa fast food chain ang kinakain nila, bihira na raw silang makakain ng lutong bahay kapag araw ng trabaho.
“Day-off mo? Ang dami mo yatang libreng oras.” Tanong ko habang nagluluto. Wala naman siyang ginagawa kung hindi ang panoorin ang likod ko.
“Oo. Every Friday at Sunday ang off ko.” Sagot niya.
I laughed a bit. “Inipit pa ang Sabado, weekends ka na lang sana nag-off.” Opinyon ko. “I can’t skip our Friday exams,” sagot niya. Ah, kaya pala.
Nang matapos magluto. I checked the rice cooker kung luto na rin ba ang kanin, dahil in-in na rin naman, binunot ko na. Maghahain na sana ako sa malaking mesa pero he stopped me, sa terrace na lang daw.
Binitbit namin ang mga pagkain sa maliit at bilog na mesa sa terrace. Mas maaliwalas dito. Dalawa lang din naman kami kaya ayos na sa maliit na mesang ito kaysa roon sa malaki sa loob.
Nang matapos maghain ay nag-umpisa na rin kaming kumain. It’s already 1:00 PM kaya siguradong gutom na siya, ako rin naman.
“Nakakaya mong pagsabayin ang school at trabaho?” Panimula ko ng usapan.
He nodded. “Noong una, mahirap, hindi. Pero nang ma-balance ko na, kaya naman.” He answered.
Napatango-tango na lang ako at nagpatuloy na sa pagkain. “Eh, ikaw? Painter ka, ‘di ba?”
Kumunot ang noo ko at nag-angat ng tingin sa kaniya. “Paano mo naman nalaman?” Takang tanong ko. He smirked and ignored my question. Napakurap-kurap na lang ako.
“You play different instruments, too, right?” He added.
Pinaningkitan ko siya ng mga mata pero tinawanan niya lang ako. Wala naman akong maalalang sinabi ko iyon sa kaniya. Wala rin sa socmeds ko, kahit sila Mommy, wala masyadong alam.
“Kamatayan’s way, Araseli.” He said.
“Kamatayan?” I asked. Why ‘kamatayan’?
“My second name is Thanatos which means ‘death’.” Paliwanag niya.
Kasper Thanatos... Ah, I think I’ve saw it online. Na kamatayan nga ang ibig sabihin ng pangalang iyon.
“Your name is scary. Even your first name,” I commented. Noo niya naman ang kumunot ngayon. Palihim akong napangisi.
“It’s Kasper, tama? Naaalala ko iyong batang multo sa palabas na ganoon din ang pangalan kapag naririnig ko ang ‘Kasper’.” I explained.
Sumimangot siya. “C iyong kaniya, K naman ang sa akin.”
“Still the same.” I smirked. “Patay siya, buhay na buhay ako.” Hirit pa niya na hindi ko na pinansin.
Pagkatapos kumain, lumabas kaming dalawa. Komportable naman pala kasama si Kathan. I can say na mapagkakatiwalaan siya.
Kung titingnan, mukha siyang masungit. May anger issue pala siya. May ugali naman siguro lahat ng tao na hindi maganda, kahit ako ay mayroon. Ang hindi lang ayos ay ang pairalin ito.
“Hey,” he called me. “Can I ask you something... private?” Maingat na tanong niya.
I bit my lower lip and looked down. Mukha naman siyang mapagkakatiwalaan. Kung sekreto man ang sagot sa itatanong niya o bagay na hindi ko ipinaglalantaran, pwede ko naman sigurong sabihin?
I nodded. “Bakit hindi ka sumusunod sa yapak ng mga magulang mo?”
Natigilan ako.
That question. Ang tanong na palaging iniiwasan ko. Ang tanong na alam ko ang sagot pero hindi ko maisaboses dahil natatakot ako. I was afraid to hear what my parents thought when I refuse to be in showbiz.
“Pagpipinta ang gusto ko.” Simple at mahina kong sagot.
“You don’t want to be an actress?” He asked again. I shake my head as an answer. Nilingon ko ang asul na tubig at nalunod sa sariling iniisip.
“When you grow up, you will be a good actress.”
I remembered how many times they mentioned to me to be an actress as soon as possible. Para raw mas mahasa ako kapag maaga akong nagsimula. Para kapag lumaki ay isa na ako sa kanila, isang sikat at matagumpay na artista.
Kahit sa mga interviews nila noon na nasasali kaming magkakapatid ay palagi nilang sinasabi na they’re rooting for me. To their only daughter to be like them, to saw me acting like them.
I can not even watch the full interview video. Nap-pressure ako sa bagay na hindi ko gustong gawin. Bata pa lang ako, alam ko sa sarili ko na hindi pag-arte ang gusto ko paglaki.
Pero heto’t hanggang ngayon ay inuulukan pa rin nila akong mag-workshop to enhance my ‘skills’ in acting. Pero hindi ako umiimik, hindi ako kumikibo at hangga’t pwede, hindi ko inuungkat ang usaping ‘yon.
Kung hahayaan lang nila akong gawin ang tunay kong gusto at ipakita sa publiko ang talento ko, magiging masaya pa ako. Maaari ring maging proud pa sila sa akin.
Kaso hindi, they pushing me to something I do not want to do.
“It’s okay... sooner or later, they will realize that they don’t need to push you dahil ikaw mismo ang magpapatunay na may maibubuga ka sa sarili mong paraan.” Masuyong aniya, marahang hinahaplos ang pisngi ko.
BINABASA MO ANG
Unseen Treasure
Roman pour AdolescentsV A N Q U I S H S E R I E S 4: Unseen Treasure Sa mansion ng mga Espanto naroon at nagdidilang hangin ang isang dalagita. Ang naturingang prinsesa ng mga Espanto sa harap ng midya ngunit halos hindi na makita sa loob ng mansion ng pamilya. Sa kabila...
