XXIII

15 1 0
                                        

Natapos na naman ang exam ko ngayong araw na lumulutang ang isip.

I badly want to talk to Vicen. Hindi naman pwedeng ganito na lang kami. I can not afford this, na nilalayuan niya ako dahil lang doon. Alam kong naaapektuhan siya but is this right?

“Vicen,” nilingon niya ako nang mahagip ko ang palapulsuhan niya at mapigilan siya sa pag-alis. He looked at me with a blank expression.

“Saka na tayo mag-usap, may gagawin pa ako.” Malamig na aniya. I stopped him again. “Sandali lang ‘to, promise.” Pamimilit ko pa.

Hindi ko binitawan ang palapulsuhan niya para hindi niya ako iwanan. Mabagal kaming naglalakad-lakad, nakikiramdam pa sa isa’t isa.

I bit my lower lip. “Bakit mo ako iniwasan buong araw?” I asked. Mahihimigan ang lungkot sa tono ng boses ko. Ngayon lang ‘to nangyari. “Araseli.”

I pouted and looked at him na malayo ang tingin. He didn’t even bother to look at me kaya napabuntong hininga ako.

“Vicen naman. Ang babaw, e. Wala namang masama sa inamin ko, ‘di ba? Kaibigan nga lang,” sabi ko pa.

Nakakasama ng loob naman kasi. I didn’t do something wrong pero umaakto siya ng ganito.

“Lalaki ako. I know his moves. I’m a fan of Acer. Hindi naman palakaibigan talaga iyang si Kathan, mailap siya sa mga hindi kakilala so why do you think he’s doing this?”

I gulped. “Magkaibigan nga lang kami.” Pagpipilit ko pa.

“Have you seen his tweets? Alam kong ikaw ‘yon. Nagseselos ako.” Diretsong aniya.

I took a deep breathe. “I want to clear things between us already.” Panimula ko.

Hinarap ko siya. I reached for his hand and squeezed it lightly. Hindi pa siya makatingin sa akin.

“I am sorry. Hanggang kaibigan lang talaga.”

I heard his deep sighs. “Kahit... Kahit isang chance lang, please?” He finally looked at me.

“I’m not doing this to hurt you. Ginagawa ko ‘to para hindi na lumalim pa ang nararamdaman mo dahil alam kong wala akong maipapangako at maisusukli sa ‘yo, para hindi ka na masaktan ng sobra.”

Nag-iwas ulit siya ng tingin. Binasa nito ang labi at kinagat ang gilid ng ibabang parte nito. Buti at walang nang mga estudyante. Rito pa kami nagdrama.

“I can’t promise anything, I don’t want to hurt you, too...” I almost whispered.

Binawi niya ang kamay niya at umupo sa lapag sa bukas na pintong katabi. Sinundan ko lang siya ng tingin. Pain is visible in his eyes, God, I can’t take this.

“I thought ang tapang ko na... kasi nagawa kong umamin sa iyo sa kabila ng relasyon natin sa isa’t isa.” He said. “Akala ko lang pala. I am still... weak.”

Pumunta ako sa unahan niya at tumingkayad. I looked at him in the eyes and he do the same. I smiled and patted his head.

“You know what can make you brave? Accept rejections, Vicen.”

“Let’s continue being bestfriends forever, okay? If you want, let’s just forget about this or keep it as a memories.” I said.

Lumapit ako sa kaniya para bigyan siya ng mainit na yakap. “Araseli...” He said sorry multiple times until I stopped hin thru glaring because I already said it’s okay.

Hindi ko na nakita si Kathan kaninang uwian. Yes, he attended his class in person again. Well, siguro dahil sa kukuha siya ng especial exam ngayon?

Paos nga siya. He even chatted me kahit magkatabi lang kami. Sabi niya sa chat ay sinabihan daw siya ng manager na ipahinga ang boses dahil baka hindi ito umayos hanggang araw ng recording.

I suggested and helped him to search some effective medicine para mawala ang sakit ng lalamunan. Hindi siya masyadong nakaimik, inaalala niya pa ang dinner sa bahay mamaya. Paano niya raw makakausap si Mommy.

Umuwi pa siya sa kanila para magpalit at mag-ayos. Nakakahiya tuloy kay Kathan. Nagpapahinga dapat siya sa mga oras na ito pero maaabala pa namin. Partida, hindi pa okay ang lalamunan niya.

Tinulungan ko si Mommy na magluto at maghanda ng pagkain. Tahimik lang siya. Kinakabahan tuloy ako. She will like Kathan naman, right? I hope so, he is good.

When the doorbell rings, I immediately looked at the door. “Ako na po,” sambit ko at nagmamadaling lumabas.

Binuksan ko ang gate at halimuyak agad ng pabango ng lalaki ang sumalubong sa akin. As I glance at him, my lips parted. He has a different charisma for today.

He is wearing a maroon polo, bukas pa ang dalawang butones sa taas at naka-tuck-in ang isang side. Black pants, white shoes, shades and his waxed hair. Plus, the sweet smile in his face.

Cause of death, Kathan in this look. Kiddin’.

“Uh, pasok ka.” Nilakihan ko ang awang ng gate. Hindi ko namalayang binati niya pala ako pero hindi ako nakasagot, nginitian ko na lang siya.

Nang makapasok kami, Mom immediately turned her eyes to us. She didn’t smile. Sinuri niya ang lalaki sa pamamagitan ng tingin. I was biting lip sa kaba. Bakit ba ako kinakabahan?

“Good evening, Ma’am. Kathan Ocampo po.” He greeted, wala man lang bakas ng kaba.

Inilahad niya ang kamay sa ere. Kaharap na niya ngayon ang Mommy ko. He was smiling and my Mom is just eyeing Kathan. Akala ko ay iiwanan niya sa ere ang kamay ni Kathan pero inabot niya rin kalaunan.

Palihim akong napangiti. Napawi rin ng makita kong nakatingin si Kuya sa akin.

“So you are one of my daughter’s friend already. That fast?” Mom asked.

Nasa dining table na kami. Inaya agad siyang kumain ni Mommy para sa mesa na makapag-usap ng maayos at diretso.

“Yes po. We just met pero magaan na po ang loob namin sa isa’t isa though hindi maganda ang unang pagkikita.” Kathan answered.

Tahimik lang kaming kumakaing tatlo habang inuumpisahan nila Mommy at Kathan ang usapan.

“Pilian sa kaibigan ang anak ko. I assumed you are really a good guy because you passed.” Anito.

“I really am a good guy, Ma’am.” He proudly said.

I saw Mom smiled a little. “Call me Tita Angelu.”

Kathan smiled and nodded at her. He looked at me who’s just beside him. He smiled widely like he was so proud.

“Are you planning to court Araseli?”

Unseen TreasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon