Nanikip ang dibdib ko nang makumpirmang sa kaniya nga ang jacket na iyon. Na siya nga ang nahuling may kahalikan sa Cebu na miyembro ng grupong Acer.
I didn’t cry tho. But I admit na nasaktan ako. I’ll wait to hear his side. Baka may explanation. Kaibigan niya lang siguro? Like an old friend, childhood friend o kamag-anak. Yeah, siguro.
Alas dose na pero wala pa rin. I didn’t spam him with my messages. Hihintayin kong sumagot siya sa iilang mensahe ko lang. Ang kaso ay naghintay ako sa wala.
Hindi pa nga kami, may ganito na.
Nakatulog ako ng may sama ng loob. Puyat pero pumasok pa rin ako. Aminadong lutang akos buong araw. Hindi ako makapag-focus sa eskwela sa ganap at mga naririnig.
“Omg! Feeling ko ang ganda noong babae. Bagay sila!”
“True. Magagalit sana ako kaso ma-face, e. Ano laban kong mas maganda lang?”
“Kung may relasyon sila, ako ang magiging number one supporter slash shipper!”
I sighed and just turned my gaze down.
I am still waiting for his message. Kahit isang mensahe lang. Kahit wala pang paliwanag. Siguro kahit assurance? Kailangan ko kasi ‘yon. Nag-iisip ako, napa-praning sa mga nababasa.
I bit my lower lip as I looked outside. Nasa loob ako ng sasakyan at byahe pauwi. Nahagip ng mga mata ko ang isang malaking billboard ng Acer. Napaiwas ako ng tingin ng wala sa oras.
And yeah, hindi na ulit ako nagbukas ng phone mula kagabi. I’m distancing myself again to their comments that can affect me more. But I keep on checking my phone if there’s any message from him.
Humigpit ang hawak ko sa phone ko. ‘Kathan, where are you?’, my mind keep on asking.
An unknown number popped up in my screen. Someone messaged me.
From: 0967*******
You have nothing to worry. I love you.Malakas ang kutob kong si Kathan ito. Usually, kino-confiscate ng manager ang phone ng artist o talent nila once na may issue na kumalat na sila ang topic. He used someone’s phone, I guess?
I didn’t reply. Bahala na. Hindi ako galit, hindi ako magagalit kasi wala akong karapatan. Wala namang kami.
“Ayos ka lang?” Vicen sit beside me. I glanced at him. I just nodded.
Ilang araw nang walang mensahe mula sa kaniya. Nag-aalala ako. Dahil kalat pa rin ang litrato sa lahat ng social media sites. Kathan must be so frustrated.
I really hate how social media works. Ang daming mga taong mahilig mangialam sa buhay ng iba sa mga issue na lumalabas. They’re judging them without even knowing the truth behind.
Wala namang masamang magsabi ng opiniyon o komento pero kung wala rin namang mabuting maidudulot sa tao, why don’t they just keep it to themselves? Nakakasira sila ng hindi nila namamalayan.
“May paliwanag siya rito, hintayin mo lang...” Vicen whispered while caressing my hair.
Sunday ngayon. Wala akong pasok, off din niya. Kung hindi sana nangyari ito, siguro magkikita kami ngayon. Para malibang, lumabas na lang akong mag-isa.
Tahimik akong naglalakad-lakad sa gilid ng mall, kalalabas ko lang. Wala naman akong masyadong binili. Gusto ko lang talagang lumabas para mawaglit sa isip ko ang mga inisiip.
Kaso hindi naman umeepekto. Lalo lang lumalalim ang mga iniisip ko. Lalo lang nadadagdagan ang mga what if’s ko.
“Sorry po,” sambit ko at tinulungan ang lalaking nakabanggaan na pulutin ang nalaglag na pinamili niya.
“Araseli?” I frowned and looked at the guy I bumped in to. “Ash.” I said.
“Binabantayang mabuti ni Manager si Kathan. Hindi talaga siya makakapuslit. Kahit phone niya ay kinuha rito, sa amin na lang siya kinakamusta nila Tita.” He said.
Inalok ko siyang samahan ako sa pinakamalapit na coffee shop. Hindi naman siya tumanggi. Mukhang gusto niya rin akong makausap. Baka lang may alam siya.
“Ano ba kasing nangyari? Totoo ba ang nasa kumakalat na picture? Si Kathan ba talaga ‘yon?” Sunod-sunod kong tanong.
He sighed. “Wala ako sa posisyon para mag-explain but I know what exactly happened. Just wait for him.”
Mariin kong ipinikit ang mga mata. “I can’t wait anymore!” I exclaimed.
Napatigil siya. Pati ako ay nagulat sa biglaan kong pagsigaw. I gulped. Hindi ko lang napigilan, I badly need to hear his side as soon as possible.
“I-I mean... Ilang araw na. Nag-aalala ako. Gusto ko na siyang makausap. Gusto kong marinig ang paliwanag niya. Ash, sabihin mo na...” Pagmamakaawa ko pa.
Bumuntong hininga ulit ito, tipid siyang tumango. “Gagawan ko ng paraan para magkita kayo.” He tapped my shoulders at inalo pa ako.
Naiiyak na ako. Naiintindihan ko naman ang sitwasyon niya pero hindi ko pa rin maiwasan. I wasn’t his girlfriend yet I already experienced this.
Ang dami kong naiisip. Like, girlfriend niya ba talaga iyon? Anong nangyari nang gabing ‘yon sa Cebu? Paano lumabas ang mga litrato? Did they really kissed? Why did he do that?
Ang daming naglalarong tanong at mga kasagutan sa utak ko pero ni isa, wala akong kinilalang tunay na sagot. Kasi hinihintay ko siya. Gusto kong marinig muna ang mga sasabihin niya.
Parang lantang gulay na umuwi ako sa bahay. Wala akong nadatnang tao roon dahil nasa ospital si Mommy at nasa ospital naman sila Kuya Alion at Axus.
Umupo ako sa couch at isinandal ang ulo sa sandalan. I took a deep breathe. Medyo maga ang mga mata ko dahil umiyak ako kanina, sa harap pa talaga ng kaibigan ni Kathan.
I didn’t cry for the past few days matapos malaman ang kumakalat na issue. Napuno na siguro ako kaya kusa nang lumabas ang mga luha kong ilang araw kinimkim kanina.
Kathan... Hinihintay kita. Show up, please.
My phone vibrated, I immediately picked it up. Ash give his number to me just in case he succeed in his plan na pagkitain kaming dalawa.
From: Ash Dalisay
10:00 PM sharp. Sa may coffee shop na pinuntahan natin kanina. I rented it already so you guys are safe. Pag-usapan niyo ng maayos.
![](https://img.wattpad.com/cover/298322436-288-k241488.jpg)
BINABASA MO ANG
Unseen Treasure
JugendliteraturV A N Q U I S H S E R I E S 4: Unseen Treasure Sa mansion ng mga Espanto naroon at nagdidilang hangin ang isang dalagita. Ang naturingang prinsesa ng mga Espanto sa harap ng midya ngunit halos hindi na makita sa loob ng mansion ng pamilya. Sa kabila...