XXIX

15 1 2
                                    

“Ano bang nangyari sa ‘yo? Ilang araw kang walang paramdam.” Tanong ko habang pumu-pwesto para makahilig ulit ako sa balikat niya. This is kinda clingy.

Narito pa rin kasi sa coffee shop. It’s past eleven already. Kailangan ko nang bumalik sa ospital pero gusto ko pa siyang makasama. Kaunti na lang, I missed him so much.

“Ayon na nga, pinaghigpitan nila ako dahil sa issue. My manager confistcate all my gadgets. Nasa puder nila ako ng ilang araw para mabantayan.” Kwento niya.

“Ang daming reporters na naghahanap sa akin. Buti at hindi sila pinapapasok sa building ng condo ni Sir Harvey. Kahit mga members ko, hinahabol nila.” Dagdag niya pa.

Natahimik kami. “Ayos ka lang ba?” I asked.

He sighed, buntong hininga na maganda ang ibig sabihin. “Oo naman, nakapagpaliwanag na ako sa ‘yo, e.” He answered. Napangiti ako.

“Alam mo, halos hindi ako makatulog noong lumabas ang mga litrato sa social media. Iniisip kita. I badly want to explain my side to you kaso pinagbawalan ako.”

Kathan is a quiet type of a person. But he’s being a little talkative when he’s with me. I just noticed.

“Gusto kitang makita, kausapin at yakapin kaso hindi ko magawa.” I patted his hand wherein my shoulder right now to make him feel that it’s okay.

“I’m sorry if I put you in this kind of situation, ito kasi ang hindi maiiwasan sa mundong ginagalawan ko. Alam kong alam mo ang pakiramdam. It’s hard, right?”

I nodded. “Naiintindihan ko. Ako nga na hindi naman artista o idol, nalalagay sa mga ganiyang sitwasyon.” I let out a fake laugh.

He reached for my cheeks and make me faced him. I stared at his eyes. His lips curved in to a sweet smile when he notice that I stopped and stare at him.

“Be strong, okay? We can beat any problems when we’re together. We have each other at walang makapaghihiwalay sa atin.” He give me a peck on my forehead.

He stayed in that position for a minute before going back to our former places. Tahimik lang kami at ninanamnam ang bawat segundong kasama at kadikit ang isa’t isa.

“Mag-iingat ka,” paalala ko bago siya sumakay sa van. Mask, cap and jacket on para hindi makilala.

He nodded. “Hmm. Sorry, hindi na kita maihahatid, hinahanap na talaga ako.” He hugged me again. “I love you.”

I called our driver na sunduin na ulit ako. Nakarating naman ito agad. Napakunot pa ang noo ko dahil mas mabilis siyang nakarating kumpara sa oras ng biyahe namin kanina.

Bumaba ito at lumapit sa akin, hindi pa ako nakakahakbang nang makita ang natataranta niyang itsura. Bumakas ang naguguluhan at kinakakabahang itsura sa mukha ko.

“Si Sir Vien po, inatake.”

I gulped hard. Naestatwa pa ako sa kinatatayuan. Kung hindi pa ako inalalayan ng driver namin papasok sa kotse ay hindi pa ako matatauhan, hindi agad kami makakaalis.

Malakas ang kabog ng dibdib ko. Grabeng kaba ang dumadaloy sa sistema ko. Gusto kong maiyak dahil sa naiisip na kasalanan ko ang nangyari pero hindi ko magawa.

Natataranta ako. “Manong, pakibilisan pa po. Kailangan ako ni Daddy...” Mahinang sabi ko.

Halos magdugo na ang labi ko sa kakakagat habang tinatahak ko ang daan papunta sa kwarto niya. Nanginginig na ang mga kamay ko, nanlalamig ang kamay at namumuo ang pawis sa noo.

“D-Daddy...”

Nanlumo ako nang pagtapak ko sa harap ng kwarto niya ay saktong narinig at nakita ko mula sa siwang ng pinto ang sinabi at ginawa ng doktor. He looked at his wrist watch.

“Time of death, 11:59 PM.”

Parang nabingi ako sa narinig. Nanghina ang mga tuhod ko, nanikip ang dibdib ko, nag-uunahang bumagsak ang mga luha mula sa nga mata ko. No, hindi pwede.

He looked at my Mother who's with Kuya Alion. He bowed a little. “Sorry for your loss. My deepest condolences.”

Mabagal kong tinungo ang daan papunta sa kamang hinihigaan ng Ama. May sinabi ang doktor sa akin pero hindi ko na napagtuunan ng pansin.

“N-No... Daddy No!” I exclaimed when they covered him with white blanket.

I run towards him. It feels like I’m gonna explode as I saw his dead body. Sa panghihina ng mga tuhod, napaluhod ako sa gilid ng kama niya. Nanginginig ang mga kamay ko pero nagawa ko pa rin siyang hawakan.

“Wake up, please. D-Daddy, gumising ka na po.” I plea. I caressed his cold cheek.

Basang-basa na ako ng mga luha. I tightened my grip in the bedsheet. I gulped hard. Padabog kong binitawan iyon. “Hindi pwede! Hindi ka pwedeng m-mawala, Daddy...”

Mariin kong ipinikit ang mga mata matapos magmulat at masilaw sa ilaw na nasa kisame. I look around. Nasa isang kwarto ako kung saan puro puti ang makikita.

“Buti naman at gising ka na. May masakit ba sa iyo?” Kuya Alion asked. Nilingon ko siya. “You passed out earlier.” Dagdag niya pa, sinagot ang katanungan  sa isip ko.

Sinubukan kong bumangon. Nahilo ako at nahirapang magmulat ng mga mata dahil maga ito kaiiyak kanina. Pero pinilit kong tumayo. Gusto kong makita si Daddy.

“Kuya, si Daddy... Gusto kong pumunta sa kaniya...”

Sinamahan niya ako sa morgue kung saan naroon ang malamig na bangkay ni Daddy. Hindi ko alam kung paano ko nakayanang pumasok doon sa kabila ng lahat ng nangyayari.

Napako ang mga paa ko sa pinto nito habang tinatanaw si Mommy at Axus na walang tigil sa pag-iyak. Parang binibiyak ang puso ko sa nasasaksihan.

I couldn't imagine how hard this is for them. Axus will grow up without a father. Mom will just raised us by herself because her partner is already gone.

“D-Daddy... magp-play pa po tayo, right? Get up, w-wake up...”

“P-Pinapatawad na kita sa lahat ng mga kasalanan mo, Vien... B-Bumangon ka na riyan, miss na miss na kita, m-mahal ko...”

Habang naririnig ko ang mga sinasabi nila, lalong bumubuhos ang mga luha ko. Kahit nahihirapan, sinubukan kong lumapit. Nanginginig na naman ang mga kamay ko.

Lumapit ako kay Mommy para sana bigyan siya ng mainit na yakap ngunit nagulat ako nang bigla siyang lumayo.

Please, tell me. Hindi mangyayari ang iniisip ko. Ang kinakatakutan ko.

She coldly stare at me. “Kasalanan mo kung bakit nawala ang asawa ko.”

Unseen TreasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon