XXV

11 1 1
                                    

“Good morning, Silver,” siya agad ang nahagip ng mga mata ko pagmulat dahil nasa bed side table ko ang bowl niya.

Napangiti ako nang maalala ang nangyari kahapon. Sunday kaya inaya ulit akong lumabas ni Kathan. Sa resthouse lang naman ulit nila kami pumunta. We spent the whole day together.

Isang linggo na mula nang magpaalam siyang manliligaw sa akin at sa pamilya ko. Araw-araw niya akong mine-message, kapag nakakatakas siya, tumatawag naman ito.

Schedule ng recording nila para sa comeback song nila ngayon, paniguradong busy siya at hindi kami magkakausap. I hope his day goes well. Buti at nawala ang pagkapaos niya.

Since Friday at Sunday lang ang off ni Kathan at araw na pwede kaming magkita, pinapayagan na ako ni Mommy na lumabas kasama siya. Nagpaalam na rin ako kay Daddy kahit hindi naman siya makakasagot.

Alam kong naririnig niya ako kahit mahimbing ang kaniyang tulog, sana lang ay payag siya. I’m sure he will like Kathan even at first sight. Sana ay magising na siya, we miss him so much.

“Good morning!” Bati ko sa dalawa. “Oh, mukhang good mood ka, Pres, ah.” Puna ni Vicen.

Napakagat ako sa labi. Hindi pa nga pala nila alam. Paano ko ba sasabihin? Hindi naman siguro maaapektuhan si Vicen sa ibabalita ko, ‘di ba? Nakapag-move-on na naman siguro siya sa nangyari?

“May ibabalita ako,” sabi ko. Nilingon nila akong dalawa. “Huwag kayong nagagalit, ah?” Dagdag ko pa.

Nanlaki ang mga mata ni Benj. “May jowa ka na?!” Gulat na aniya. “Jowa agad?” Kunot noong tanong ko. Ang advance niya naman mag-isip

“Ah, manliligaw.” Biglang sabi ni Vicen. Sinulyapan ko siya, tipid na nakangiti sa akin kaya gano’n din ang isinukli ko. “Si Kathan ba?” Tanong niya pa.

I gulped and slowly nodded. I turned my gaze in to the ground, nahihiya. “Shuta ka, Pres! Ang haba ng hair!” Napadaing ako ng hampasin ni Benj ang braso, inalog-alog pa ako kaya napangiwi ako.

“Shh! Sekreto lang dapat. Alam niyo naman ang sitwasyon niya, right?” Suway ko pa sa katabi.

Vicen nodded. “Yeah. Kung gusto niyo ng privacy, mag-ingat kayo, huwag papahuli. Nasa inyo naman kung ire-reveal niyo.” Sabi niya pa.

Natuwa ako sa narinig mula kay Vicen. It seems like madali naman siyang nakakausad tungkol sa nangyari last-last week, well, sana nga. Sinusuportahan niya pa kami ni Kathan ngayon.

“Huwag muna nating pag-usapan ‘yan. Wala pa namang ire-reveal.”

Kinulit ako ni Benj na i-treat ko raw sila ng lunch, it was like ‘blow-out’ sa kinuwento ko. Saan ba ako nanalo? Well, makabibingwit lang naman ako ng isang sikat na idol.

Ang nangyari, kumain kami sa isang fastfood chain at libre ko. Minsan lang naman ito kaya pumayag na rin ako. Tuwang-tuwa si Benj habang pangiti-ngiti lang si Vicen.

Napaisip tuloy ako kung hindi ba niya nagustuhan ang ibinalita ko. Aren’t he’s happy for me? Hindi naman kailangan pero nakakalungkot lang na parang hindi niya pa rin tanggap.

“Ang tahimik mo. Okay naman tayo, ‘di ba?” Pagbasag ko sa katahimikan.

Kami na lang dalawa ang magkasama ngayong nasa shed at nag-iintay ng sundo dahil nauna nang sunduin si Benj. Hindi niya ako kinikibo at pinagmamasdan lang ang paligid.

“Oo naman.” Mahinang sambit niya. Hinapit niya ako palapit sa kaniya at inilagay ang kamay sa ulo ko, marahang hinaplos ang buhok ko.

“If ever you two end up together, I’ll be the first one who will support your relationship. Magiging masaya ako para sa inyo.” Aniya.

Napatitig lang ako sa kaniya habang siya ay nasa buhok kong sinusuklay ng nga daliri niya ang pansin. He’s hurt. His eyes won’t lie. But he still manage to smile at me.

Mabigat ang loob ko nang makauwi ako sa bahay. Pakiramdam ko, ako ang dahilan kaya nagkakaganoon si Vicen. Kung bakit siya nasasaktan at nalulungkot.

Sigurado akong makikita niya rin ang babaeng para sa kaniya sa tamang panahon. Alam kong hindi ako ‘yon kundi isang taong mas better sa akin na itinakda talaga para sa kaniya.

To: Kamatayan
How’s your day? Maayos ba ang result ng recording? Kumain ka na?

Ibinaba ko ang phone ko at ibinalik ang pansin sa pagpipinta. It’s already 6:55 PM. Wala pang message mula sa kaniya, masyado siguro silang busy sa ngayon.

Pagpatak ng alas siete, bumaba na ako para kumain dahil tinawag na ako ni Kuya. Hindi ko namalayang naiwan ko pala ang phone ko. Kaming tatlo lang ang narito ulit sa bahay, nasa ospital si Mommy.

Nang balikan ko ang phone ko sa dulong kwarto, nakita kong may missed calls si Kathan. Tinawagan ko rin naman agad siya nang makapunta ako sa kwarto ko.

[“Kamusta? Bakit hindi mo sinasagot kanina?”] Bungad nito, may bahid pa ng pag-aalala.

“Kalma. Nasa baba kasi ako, kumain lang. Ayos lang ako, ikaw ba?” Sagot ko agad.

Bumuntong hininga siya. [“Ito, pagod mula sa studio. Nasa dorm na kami, kararating-rating lang.”]

I frowned. “Oh, bakit hindi ka muna magpahinga? Kauuwi niyo lang pala. Kumain ka na ba?” Nakagat ko ang labi nang mapagtantong para kaming may relasyon kung mag-usap.

[“Alam mo namang boses mo ang nakakapasigla sa sistema ko, ‘di ba? Kaya nga tinawagan agad kita. Kumain na ako, nag-drive thru kami kanina.”] Malambing na aniya.

Hindi na ako nakasagot kakapigil sa ngiting gustong kumawala sa labi. “Maganda ba ang kinalabasan ng pagre-record niyo?” Pag-iiba ko ng usapan.

[“Hmm. Medyo nagkaproblema sa high notes pero naayos naman agad.”]

Days had passed. Sabado ngayon. Hindi kami nagkita ni Kathan kahapon dahil busy sila sa promotions ng comeback kahit off niya, naka-schedule na rin kasi kaya hindi siya nakapagpahinga.

Nasa ospital ako ngayon at binabantayan si Daddy. Kauuwi lang ni Kuya na rito nagpalipas ng gabi para makabawi naman si Mommy ng tulog. Siya kasi ang narito kapag gabi tuwing weekdays kasi may mga pasok kami.

Kinukwentuhan ko si Daddy. Samu’t saring pangyayari na sa buhay ko na hindi niya alam ang nai-kwento ko. I know he’s listening.

“Daddy, kapag po ba sinagot ko si Kathan nang hindi niyo pa nakikilala sa personal, ayos lang po ba sa inyo?”

“Kung hindi po, gumising ka na po agad at kilalanin siya. He’s nice, magugustuhan mo po ang lalaking gusto ko.”

Unseen TreasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon