XX

13 1 0
                                        

“Marunong kang mag-piano, ‘di ba? Pwede mo ba akong tugtugan?” He asked.

I let out a soft chuckles nang makitang nagpa-cute pa siya para pumayag ako. Umupo ako sa harap ng piano, tumabi siya sa akin at siya pa mismo ang nagtanggal ng taklob nito.

His practice room is big. May malaking space para sa pagsasayaw, may mga speaker din at mirror wall. Maganda ang lighting at may aircon.

Sa kabilang dako noon, may naharang na kurtinang itim. Sa likod nito, naroon ang mga instruments niya. Iba’t ibang klase ng gitara, drum, piano, violin, flute at iba pa.

May space rin dito kung saan makapagsusulat siya ng mga kanta. Aside from being an all rounder idol, he is also a song composer. Nakita ko ang mga gawa niya at lahat ito ay magaganda.

Sabi niya, hinihintay na lang niya na aprubahan ng manager niya ang mga kantang ginawa niya at ipinasa. Sooner or later, baka isa na sa b-side track ng album ng Acer ang ginawa niyang kanta.

Natapos ang pagtutog ko ng piano. It seems like he enjoyed it. Nakikiayon siya kanina sa tono na nililikha ko. He was smiling even I stopped playing piano already.

“Ang mga taong may maraming talento na kagaya mo, hindi dapat itinatago o ikinukulong. You deserve the spotlight, Asei. Your talents should not be obscure.”

Nasa terrace kami ngayon kung nasaan ang malaking aquarium na dalawa lang naman ang lamang isda.

“Say hi to Silver and Bronze, mga goldfish ko.”

Muntik na akong matawa sa pangalan. It’s goldfish but they named them like that. It’s cute though.

“Matagal na sila sa ‘yo?” I asked while palying with his fishes. Ayaw nilang umalis sa lugar kung nasaan ang kamay ko at nilalaro sila.

He nodded. “Hmm. Since mag-debut ako... Kasama ko sila mag-grow.” Sagot niya.

That was almost 2 years ago. Buti at naaalagaan niya ang mga goldfish niya despite of his busy schedules.

“Gusto mo, sa ‘yo na lang si Silver?” Aniya. Napalingon ako sa kaniya at hindi makapaniwalang tiningnan siya. “Silver, pinamimigay ka ng may-ari sa iyo, oh,”

He chuckled and point his index finger to Silver’s place. Natawa ako nang lumayo ito mula sa kamay ng amo. “Hindi. Mahal kita, Silver, pero I want Asei to take care of you. Is it okay?”

Kalaunan, bumalik din si Silver sa lugar kung nasaan ang daliri ni Kathan matapos itong suyuin.

“Magpaalam ka na kay Bronze, ililipat na kita sa bowl mamaya para kasama ka ni Asei pag-uwi.” Anito na parang naiintindihan talaga siya ng alaga.

It’s already 3:00 PM. Nasa kubo kami ngayon at nagmemeryenda. Talking about things we experienced, how harsh or good it is to us amd other stuffs.

“Where are your parents?” I asked. “Si Mama, kasama ni Ate sa isang shoot sa Bulacan. Si Daddy, ewan, wala naman akong alam sa kaniya. Hindi na kami gano’n kalapit sa isa’t isa.” Sagot niya agad.

I gulped. “You mentioned before that he isn’t your biological father, ‘yon ba ang rason kung bakit hindi ka malapit sa kaniya?” Tanong ko.

It’s kinda too personal but I want to know him more. Hindi ko naman siya pipilitin kung ayaw niya. Magko-complain siya kung hindi siya komportable.

“Asei,” he called. “May ik-kwento ako but promise me you won’t tell anyone about this.” Seryosong aniya.

I smiled at hold his hand. “Promise.”

“My step-father just forced me to be a trainee and debut as an idol.” Kathan started.

Napakurap-kurap ako. All we knew is he want this, he love where he is now.

“Sabi ko sa kaniya noon, banda ang gusto kong salihan o buuin, gusto kong tumugtog at hindi sumayaw at kumanta pero hindi niya ako pinakinggan.”

Is that why he has a lot of instrument in his practice room? Ang alam ko, hindi iyon ang kailangan o ginagamit niya as an idol.

“I actually experienced to be harassed by him when I didn’t agree on what he wants.”

My heart skipped a beat on what I discovered. I gulped hard and immediately squeeze his hand. “Kathan...” I whispered. He just gave me an assuring smile.

Nag-aalala ako. Paano kung ginagawa pa rin iyon ng step-Dad niya sa kaniya hanggang ngayon?

“Ilang linggo ko ring tiniis ang galit na ibinubunton niya sa akin sa hindi ko pagsunod. Si Mama, hindi niya alam. Wala siyang alam sa nangyayari. Tinakot ako ng tatay-tatayan ko, huwag daw akong magsusumbong.”

“Napapagalitan pa nga ko ni Mama kasi tuwing nakikita niyang may pasa ako, ang sinasabi ko ay nadawit ako sa gulo sa school kahit ang asawa niya ang may gawa noon.” Nagpakawala siya ng mahihina at pekeng tawa.

“Hanggang sa dumating ang araw na um-oo na lang ako sa gusto niya para matigil na ang lahat. Tinanggap naman agad ako ng Blade Ent dahil may potential daw ako kahit paano, kailangan lang ng improvement pa.”

“Isang taon at kalahati akong naging trainee. After that, sumali ako sa isang Survival Show pero na-eliminate rin.” He sighed, maybe he’s disappointed?

But the group where he belongs right now is permanent and much better!

“Paglabas ko, in-announce ng manager namin na may boy group na magde-debut noong taon na ‘yon and finally, they saw my potential. Kahit paano, natuwa ako.” A small smile curved in his lips.

“Hanggang sa unti-unti ko na lang minahal ang ginagawa ko ngayon.” Sunod-sunod siyang tumango, may ngiti sa labi habang nakamasid sa akin.

I never thought that he experienced that kind of situation before. Akala ko ay mas maayos ang buhay na tinatamasa niya pero nagkamali ako. Mas malala ang maranasan niya kaysa sa akin na hindi lang mabigyan ng atensiyon.

“Kathan,” I called him even though, magka-mata sa mata na kami.

Mahigpit ko siyang niyakap. I bit my lower lip and slowly tapped his back. “You did great, you survived. Proud na proud ako sa ‘yo...” My Kathan did it.

Halo-halo ang nararamdaman ko. I feel so sad for him, hindi niya deserve na maranasan iyon. Kathan is too pure. I felt happy and proud at the same time.

His hugs got tightened. “Alam mo, sa buong buhay ko, puro pressure ang ibinigay sa akin ng mga taong mahalaga sa buhay ko. I never experienced to hear those precious words to them.”

“Thank you, Asei...”

Unseen TreasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon