Siguro nga kasalanan ko ang nangyari sa Daddy ko.
Nagpadalos-dalos ako at umalis ng wala man lang paalam. Mas pinili ko pang kitain ang manliligaw ko kaysa bantayan ang nag-iisang tatay ko. Masama ba ako?
I’m asking myself why did I do that. I should just let Mom or Kuya to be his guard for that night kasi may lakad ako. O kaya’y sana kinansela ko na lang. Kaso mahalaga iyon sa akin, e.
I’m not saying that Dad isn’t important to me. Isa siya sa pinaka-importante. But I choose to meet my man for his most awaited explanation. Kasi kailangan ko ‘yon para makampante.
Sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari. Inaamin kong may kasalanan ako. Iniwan ko siya nang hindi man lang nagdadalawang-isip. Ang tanga-tanga ko. Walang kwentang anak.
“Stop blaming yourself.” Kuya said.
I let out a heavy sigh. As I closed my eyes, tears started to flow again. Hindi na naubos-ubos ang mga luha ko. Humikbi ako at pinigilan ito pero hindi ko kaya. Kuya just hugged me and said nothing.
I pressed my lips together. Hindi pa ako nakakasilip sa kabaong niya. Hindi ko pa kaya. Tahimik akong naupo sa pinakadulo. Marami na ring tao ang nakikiramay, kakilala o hindi ay pumupunta kahit sandali.
I just stared at void. I can’t think right. Naba-blangko ang utak ko. Sumasakit na kaiisip kaya mukhang lumipad ito kung saan. Masisiraan na yata ako.
Nang maramdaman ko ang presensya ni Mommy sa gilid ko, mabagal ko itong nilingon. Sa totoo lang ay natatakot ako. I want to comfort her, I want to be in her side but I can’t.
“Ang lakas ng loob mong magpunta pa rito,” Mom said. “Ikaw ang may kasalanan kung bakit nangyari ito!” She exclaimed.
I didn’t mind those eyes who’s staring at us. I hugged Mommy tight. Nagpupumiglas siya pero hindi ako nagpatalo. She’s mad. At gusto kong mawala ang galit na nararamdaman niya sa akin.
Nang matagumpay niya akong maitulak, napaupo ako sahig. Para akong kaaway niya kung magbato siya ng salita sa akin. Kaawa-awa ako sa sitwasyon ko ngayon pero wala akong pakialam.
Kuya immediately stopped her. “Kung hindi mo sana siya iniwan, sana naagapan!” Sigaw niya pa.
“Mom, stop it.” Awat ni Kuya. “Kung hindi mo sana inuna ang kalandian mo, buhay pa sana siya ngayon, Araseli!”
Walang humpay sa pagtulo ang mga luha ko. Naka-ungkot ako sa isang tabi sa labas. Yakap ang mga tuhod at nakasubsob sa magkasiklop na braso ang luhaang mukha.
Sobrang bigat ng loob ko sa mga paratang na natatanggap mula sa sarili kong ina. Hindi ako pumunta sa unang araw dahil doon, tapos hindi pa rin pala lumilipas. Ang sakit lang.
“Araseli...” Vicen embraced me when he arrived.
Umiyak ako ng umiyak sa balikat niya. Kahit gusto kong magsumbong kay Kathan, hindi ko magawa. He have his own problem to resolve right now, hindi ko siya maistorbo.
Hindi ko pa ulit binubuksan ang phone ko. Siguradong parang masisira na naman iyon sa sabog na notifications pagbukas. Ayoko lang. Hindi ko pa ulit kaya.
Sa sobrang pagod sa pag-iyak ay nakatulog na lang ako sa balikat ni Vicen. Hindi ko na rin namalayang iniuwi na muna pala niya ako gaya ng iniutos ni Kuya sa kaniya.
“You mumbled Tito Vien’s name earlier, napanaginipan mo ba siya?” Vicen asked. I just nodded, wasn’t able to talk. “Also Kathan’s.”
Napalingon ako sa kaniya. “Gusto ko siyang makita...” I whispered.
Hindi pa kami nag-uusap ulit matapos noong gabing iyon. Hindi ko alam kung may message ba siya kasi hindi nga ako nagbubukas. Sa kaniya ko gustong umiyak pero nagpapasalamat ako kay Vicen dahil narito siya.
Iniisip ko lang, iyong statement kaya na sinasabi niya ay nailabas na ng Blade Entertainment? Para sana magluwag na sila kay Kathan. Gusto kong siya ang kasama ko sa mga oras na ganito.
Inabot na naman ako ng gabi sa pag-iyak, pagsisisi at pag-iisip. Umalis na si Vicen dahil sinabi ko ring gusto ko munang mapag-isa. Hindi nawawala ang bigat sa loob ko.
Lumabas ako sa balkonahe. Huminga ako nang malalim at itininukod ang mga palad sa railings na nakaharang. I looked up at the sky. Tumama ang paningin ko sa pinakamakinang sa mga ito.
“Daddy, I’m sorry...” I whispered while staring at the brightest star.
“Please, forgive me. Hindi ko po ginusto ito.” I bit my lower lip to supress my sobs.
“Kung alam ko lang, hindi na sana kita iniwan noong gabing iyon. Sana, nasa tabi ka pa rin namin ngayon.” Nanghihina kong sabi.
Muling kumawala ang mga luhang pinipigilan ko. Hindi man lang maubos-ubos ang luha ko. Pagod na akong umiyak pero wala, e, mahina ako at ito ang nagpapagaan sa loob ko.
“I love Kathan but I will always choose you. Kasi ikaw ang dahilan kung bakit narito ako sa mundong ibabaw. Kayo ni Mommy...” Sambit ko habang pinupunasan ang mga luha gamit ang likod ng palad.
“Tapos ako ang magiging dahilan kung bakit mawawala ka sa amin. I am sorry.”
Past 12:00 AM na nang mapagpasiyahan kong pumasok. Hindi ko alam kung gaanot katagal akong tumitig sa langit at mga bituin doon.
I know Dad is watching me. He wouldn’t like this. Seeing me blaming myself for what happened. Seeing us crying because he is already gone. Seeing us suffering right now.
Kusang pumikit ang mga mata ko dala na rin ng kapaguran sa pag-iyak maghapon.
Napatakip ako sa mga mata nang masilaw sa ilaw na bigla na lamang lumitaw sa aking harapan. Kahit nasasaktan ang mga mata ay pinilit kong lumapit at aninawin iyon.
Nabawasan ang liwanag ngunit nanatili ito sa aking harapan. Nakarinig ako ng mga yabag dahilan para kumabog ang dibdib ko. “Anak...” Someone called me.
Dahan-dahan kong inalis ang tabing sa mga mata. Natigilan ako nang makita ang taong naglalakad palapit sa akin. “Daddy...” I whispered.
I run towards him and about to hug Daddy ngunit lumampas ako sa kinatatayuan niya. Roon lang bumalik sa akin ang mga nangyari. Wala na nga pala siya.
“Huwag mong sisihin ang sarili, walang may gusto nito. Gusto ko na ring mamahinga. Pakisabi sa Mommy mo, I am sorry... Mahal na mahal ko kayo...”
Hinihingal na iminulat ko ang mga mata diretso bangon. “D-Daddy...” It was just a dream.
![](https://img.wattpad.com/cover/298322436-288-k241488.jpg)
BINABASA MO ANG
Unseen Treasure
Ficção AdolescenteV A N Q U I S H S E R I E S 4: Unseen Treasure Sa mansion ng mga Espanto naroon at nagdidilang hangin ang isang dalagita. Ang naturingang prinsesa ng mga Espanto sa harap ng midya ngunit halos hindi na makita sa loob ng mansion ng pamilya. Sa kabila...