“I grew up without hanging with my Dad often. Lumaki ako sa puder niya na para rin namang hindi.” Panimula ko.
“But God knows how much I love my father. H-He knows how much I wanted to be with him all the time...”
“Gusto kong magsumbong sa kaniya tuwing may umaaway sa akin noon. Gusto kong i-kwento sa kaniya lahat ng nangyayari sa akin. Gusto kong ihatid niya rin ako sa school.”
I bit my lower lip to supress my sobs. Hindi ko alam kung paano ko pa nakayanang magsalita sa harap ng nakararami ngayon. Ang alam ko lang, ang sakit. Sobra.
“Pero alam kong bawal, hindi pwede, hindi kaya. Kagaya ng palagi nilang isinasagot. My parents used to that industry. Kaya ang naisip ko, I should fit. Kailangan ko ring masanay.” Dagdag ko pa.
“Where ever you are, Dad. I missed you, I love you so so much...”
I dressed up well, ngayon na ang araw ng libing ni Daddy. Kahit sobrang nasasaktan sa pagkawala, gusto kong pumunta. Ito na ang huling beses na masisilayan ko siya.
Lugmok na lugmok ako nitong mga nakaraang araw. Hindi ako kinakausap ni Mommy. Palaging masama ang tingin niya sa akin tuwing mahahagip ako ng paningin niya.
I can understand her tho. Pero ayoko nang sisihin ang sarili ko. Daddy says I should not blame myself for what happened to him in my dream. I want to follow his command.
Palaging nakabantay at naka-alalay si Vicen sa akin. Si Kathan? Ayon, wala man lang paramdam. Binuksan ko na ang phone ko pero hindi ako nagbukas kahit isa sa mga social media accounts ko.
Gusto kong magalit, magtampo at mainis pero kailangan ko ring intindihin ang sitwasyon niya. Dahil pinasok ko ito, kailangan kong panindigan. I love him kaya tinitiis ko.
I checked my phone again. I sighed when even one messaged from him, wala akong nataganggap.
To: Kamatayan
I badly need you. Where are you?
Did you fix the mess already? Puntahan mo naman ako kahit sandali, gusto kitang makita.
Ikaw dapat ang karamay ko pero wala ka sa tabi ko. Kailangan kita. Pero nasaan ka?
I’m still waiting, Kathan.
Pinunasan ko ang tumulong luha. Gusto kong malaman kung ano na ang nangyari sa kaniya kaya naman I logged in my twitter account to see what’s happening.
Bumungad agad sa akin ang maikling statement ng Blade Entertainment.
blade @bladeent • 2d
Good evening, Alas’. We are here to give our statement about the issues going around.
Acer’s KATHAN Ocampo is NOT in a relationship. The girl in the picture is his BESTFRIEND. He is just HUGGING the girl, it’s just the camera angle made them look like they are kissing. We will not incrimate that girl’s name or identity for her safety and privacy also. To be clear, KATHAN Ocampo DO NOT have a girlfriend.
That’s all, thank you.
— Blade Entertainment
Nakahinga ako ng maluwag matapos mabasa ang nakasaad sa post nila. Siguro naman ay natigil na ang mga bali-balitang may relasyon sila ng babae at naghalikan pa ang mga ito.
I’ve read some positive comments. Kung maayos na ulit ang reputasyon ni Kathan, nasaan na siya ngayon? Bakit wala man lang siyang paramdam? Mahigpit pa rin ba sila sa kaniya?
Nasagot ang mga katanungan ko matapos makita ang sumunod na tweet.
stell @stellanalegre • 2d
Kathan and I’s status is dating. I’m the girl he is kissing in Cebu.
Natigilan ako sa nabasa. She even inserted a picture of her wearing the girl in picture’s clothes in the place where it taken plus her and Kathan’s selfie in the bar at Cebu.
I gulped hard. This isn’t true. Kathan already told me what happened, who’s that girl and his thought, hindi dapat ako naniniwala sa ganito. Nagpaliwanag na siya at naniniwala ako sa kaniya.
Kay Kathan lang. Kaso... Kaso masakit, e. Lalo na nang mabasa ko ang komento ng mga tao. When this girl revealed herself, naging positibo ang mga sinasabi ng mga tao tungkol sa kanila.
What the hell is wrong with them?!
Kesyo, bagay daw naman pala sila, kinikilig daw sila, ang sweet, ang ganda at ang meaningful daw ng relasyon nilang dalawa. What the heck? Ano bang problema ng mga tao ngayon?
Nanikip ang dibdib ko sa mga nababasa. Inis na inihagis ko ang telepono ko sa kama.
“I hate this!” Pinagbubugbog ko ang mga unan sa galit habang patuloy na tumutulo ang mga luha.
“Pagod na pagod na ako! Bakit niyo ba ginaganito ang buhay ko?!”
I bit my lower lip and burst all my tears out. Sinabunutan ko ang sarili, I hit my chest so hard kasi sobrang sakit na. Bakit sabay-sabay lahat? Bakit ganito kasakit at kahirap?
The door opened. I heard a husty footsteps. “Araseli!” Vicen shouted. I didn’t stop.
Agad niya akong pinigilan sa pagwawala. Hinawakan niya ang palapulsuhan ko para pigilan ko sa ginagawang paghampas sa dibdib ko. Wala akong nagawa kung hindi ang iiyak na lang lahat.
“I-I freakin’ hate my life... P-Pagod na ako.” Nanghihina kong sabi.
I passed out, again. Nagising ako na marahang sinusuklay ni Vicen ang buhok ko. Kahit nanghihina ay sinabi ko kay Vicen na gusto ko pa ring pumunta sa libing kahit tapos na ang misa.
“Sigurado ka bang ayos ka na? Na ayos ka lang? Kaya mo?” Sunod-sunod na tanong niya pa. Tanging tango na lang ang naisagot ko.
Hindi niya ako pinigilan sa halip ay ihinatid pa. Masama ang timpla ng panahon, nakikisabay. Nang makarating kami, hindi ko na siya pinababa. Sabi ko ay ako na lang at umuwi na muna siya.
Mariin kong kinagat ang labi habang papalapit na ako ng papalapit sa kinaroroonan nito. Naninikip ang dibdib ko sa bawat segundong lumilipas. Wala na ba talaga?
Huminga ako ng malalim bago harapin ang puntod ng tatay ko. “Daddy...”
“Masaya ka na po ba riyan? Take care and guide us po, ah? Heal our wounding hearts, please.” Mahina kong sambit.
Agad kong pinunasan ang tumulong luha. Pagod na akong umiyak. Pagkatapos nito, haharapin ko ang lahat ng matapang na nakatayo sa sarili kong paa.
“Asei...”
BINABASA MO ANG
Unseen Treasure
Novela JuvenilV A N Q U I S H S E R I E S 4: Unseen Treasure Sa mansion ng mga Espanto naroon at nagdidilang hangin ang isang dalagita. Ang naturingang prinsesa ng mga Espanto sa harap ng midya ngunit halos hindi na makita sa loob ng mansion ng pamilya. Sa kabila...
