XVII

16 1 1
                                    

“Ano ‘yon, Vicen?” Tanong ko sa katabi.

“Teka, CR lang ako,” singit ni Benj.

He patted Vicen’s shoulder and give a thumbs up to him. Anong mayroon? Inintay ko lang na lingunin ulit ako ni Vicen, hindi siya makatingin ng diretso. Ano kayang nangyayari sa isang ‘to?

Inusod niya ang upuan niya palapit sa akin. Nangunot ang noo ko. Ang tagal naman, seryoso ba at hindi niya agad masabi? Nagre-review kaya kami.

“Direct to the point, Secretary Vicente.” I said.

Nasaksihan ko ang agresibong paggalaw ng adam’s apple niya. He’s kinda breathing heavily, he can’t even stand a second looking at my eyes. Vicen is getting weird.

“Direct to the point pero huwag ka magugulat, ah. Promise me, walang magbabago sa ating
dalawa.” Anito.

“I can’t understand you. Sabihin mo na pero wala akong maipapangako.” Sabi ko agad. Ang gulo niya.

“Araseli,” he called me. “I like you.” Vicen muttered.

I gulped hard as I heard what he said. Hindi ko inaasahan. Is he even serious? He likes? Since when? Like how? What the hell.

Hindi agad ako nakasagot at pinakatitigan lang siya sa mga kaniyang mata, sinisipat kung totoo nga ba ang sinabi niya.

“Vicen, please, don’t play around.” Sabi ko na lang. I’m shocked. I don’t know what to say.

Bahagyang kumunot ang noo niya. “I’m not playing around, Araseli. My feelings for you is indeed real.” Usal nito.

I stared at him. “You better rest. Baka kulang ka lang sa tulog.” Ani ko at isinara ang binabasang libro. I stand up and was about to walk away from him but he stopped me.

“Araseli, please,” he whispered. “Can you at least give me a chance? I’ll prove myself. I don’t know how but I will show my best until D-Day.”

This K-Poper guy is really...

I sighed and bit my lower lip. Should I? “Can you give me some time, too? Masyadong biglaan at nakakagulat, Vicen.”

Mabagal siyang tumango at unti-unting binitawan ang kamay ko. I smiled at him. Naglakad na ako palabas ng study room. I can’t believe what happened.

Hindi ako sumabay sa kanilang kumain dahil alam kong naroon pa si Vicen. Parang hindi ko pa siya kayang harapin sa ngayon. Nagulat ako, hindi ko inaasahan ang inamin niya.

I know Vicen wouldn’t sacrifice our friendship just to express his feelings for me if he wasn’t serious. He loves to joke around but not about things like this one.

Kilala ko siya at kilala niya rin ako, alam kong alam niya na wala akong oras para sa mga bagay na kagaya nito but yet he still confessed. What the hell is he thinking?

I was actually planning to reject him— in a good way, of course. But I don’t want to hurt my bestfriend. Alam kong dadamdamin niya ang magiging desisyon. Hindi ko naman gustong masira kami.

Bukod sa pamilya ko, I only have him and Benj. Wala akong ibang matatakbuhan at mahalaga sila sa akin. I don’t want to lose him. Hope it will still be the same after I rejected him.

“Pres, uwi na kami.” I opened the door when Benj knocked. Siya lang ang nakita ko, walang Vicen.

“Si Vicen, nasaan?” Tanong ko, lilinga-linga pa.

“Ah, nauna na sa kotse, ako na lang daw ang magpaalam sa ‘yo.” Aniya.

“Ano bang... nangyari? Ang tahimik niya kanina. Saka bakit hindi ka sumabay sa pagkain?” Sunod-sunod na tanong niya.

I just smiled at him. “Ingat kayo sa pag-uwi. Sa Lunes na lang ulit.” Paalam ko.

Mag-isa akong kumakain ngayong wala na sila. I was thinking deep. I should make a right decision. Imposibleng hindi siya masasaktan pero ito naman ang tama, ‘di ba?

I’m starting to doubt our friendship tuloy. Pero alam kong totoo naman lahat ng ipinakikita niya. Akala ko kaibigan lang.

“May problema ba, anak?” I looked up at the one who talked. It’s Mom.

Ibinalik ko ang pansin sa pagkain at hindi siya sinagot. Is it a problem? Umupo siya sa sa kaharap kong upuan at pinagmasdan ako. I couldn’t look up again.

“You can ask me some advices if you have a problem. Maybe I can help.” She said.

Tipid na ngiti na lang ang isinagot ko. I don’t want to open up to her this one. I can actually handle this. Hindi naman ito problema, right?

Umakyat na ako sa kwarto pagkakain at nagpatunaw lang bago natulog na rin. I was thinking about Kathan before I fell asleep, naalala kong magkikita nga pala kami bukas.

Sana ay magustuhan niya ang regalo ko.

“May pupuntahan lang ako, Kuya. Balik ako bago mag-lunch.” Paalam ko kay Kuya Alion na siyang kasama ko sa bahay.

Nasa ospital sila Mommy at Axus. “Saan?” He asked, tutok pa rin sa nilalarong video game.

“I will meet a friend, may ibibigay lang ako.” Sagot ko. “Lalaki o babae?” Walang lingon-lingon na tanong niya pa.

I frowned.“Kuya naman. Sige na, alis na po ako.”

“Umuwi ka ng walang labis at walang kulang, ha.”  Pahabol niya pa.

Nagpahatid ako sa school sa driver namin dahil doon daw kami magkikita. I don’t know if he have plans but I’m prepared now. If ever umalis man kami, handa na ako.

Bitbit ko ang painting na ginawa ko para kay Kathan, sana at magustuhan niya.

Exactly 9:00 AM nang makita ko ang pang-celebrity niyang sinasakyan. I immediately smiled when the door opens. Napalitan ng kunot sa noo ang itsura ko nang babae ang bumungad sa akin.

“Hello po, ako po si Nella. Personal assistant po ako ni Sir Kathan, pinasusundo ka niya po sa amin.” Magalang na ani ng babae na mukhang iilang taon ang tanda sa akin. She’s 23, I guess.

“Saan po tayo pupunta?” Tanong ko.

Kasalukuyan na kaming bumabyahe, hindi ko alam kung saan patungo ang daan na tinatahak namin pero may tiwala naman ako sa kanila, lalo na kay Kathan.

Miss Nella coughed. “Sa mansion po ng mga Ocampo.”

Unseen TreasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon