XXXVII

11 1 2
                                    

Napaatras ako nang pagbukas ko ng gate ay si Vicen ang sumalubong sa akin. Nagulat ako ng yakapin ako nito. Naalala kong ilang araw nga rin pala kaming hindi nagkita.

“Pinag-alala mo ako. Kamusta ka?” Usal niya. “Ayos lang ako,” binigyan ko siya ng tipid na ngiti.

“Vicen, pwede mo ba akong ihatid?” Pagbabakasakali ko. He frowned. “Pero gabi na, lalabas ka pa?”

I nodded. “Magkikita kami ni Kathan.” Sagot ko. “Delikado.” Babala nito pero hindi ako nakinig. Pumayag din siya at sinabi ko kung saang lugar para maihatid na niya ako, quarter to nine na.

“Thank you, Vicen. Owe you one.” Ani ko bago bumaba. “Mag-iingat ka. Huwag kayong papahuli, okay?” Paalala nito na tinanguan ko na lang.

Tumunog ang bell ng coffee shop nang makapasok ako. Lumingon ako sa paligid at doon ko siya nakita sa dulo. Mukhang malalim na naman ang iniisip nito.

Huminga akong malalim bago naglakas papunta sa kaniya. Gusto kong pasayahin siya ngayon, hangga’t maaari, hindi ako magbabanggit ng makakasira sa mood niya.

“Kathan,” I called. Nilingon ako nito. Sinalubong niya ako at binigyan ng isang mainit na yakap at halik sa pisngi. I smiled while tapping his back. Ang lungkot ng aura niya.

“Congratulations!” Bati ko, sinusubukang pasiglahin siya. Tipid ang ngiti nito ngunit makikita namang genuine iyon. Hinapit niya ulit ako palapit. “Thank you,” he whispered.

Umupo kami pagkatapos. Tahimik siya at hindi ako sanay. Kung hindi siya clingy at touchy, dinadaldal niya naman ako. Tapos ngayon, wala man lang ni-isang imik.

Siguro ay pagod lang siya. Kagagaling lang nila sa tambak na activities ngayon para mag-promote. Hindi ko pa napapanood ang bagong music video nila, sana ay maganda ang outcome.

“How are you, love? How’s Tita and your siblings?” Biglang tanong niya. Napaiwas ako ng tingin. Ayoko nang dumagdag sa isipin niya.

“We’re okay.” Sagot ko rin kalaunan. Ayoko nang banggitin sa kaniya ang nangyari between I and Mommy. Mag-aalala lang siya at ayoko noon lalo na sa sitwasyon niya ngayon.

“May nangyari ba, hmm?” He softly asked. Kathan lift up my chin dahilan para magtama ang tingin namin. His eyes won’t lie, pagod siya at nasasaktan. Ngumiti ako at umiling na lang.

“Nag-aalala ako sa iyo, anong nangyari kahapon?” Tanong ko naman. Umiling siya. “Huwag mo nang alalahanin, ayos lang ako.” Sagot pa nito.

“Sorry, ah. Sorry talaga.” Napabuntong hininga ako nang marinig na naman ang salitang iyon mula sa kaniya.

Hindi ko alam kung ilang beses ko pang sasabihin sa kaniya na wala siyang kasalanan pero ayos lang, hindi ako mapapagod. Iintindihin ko siya anumang mangyari.

Mahigpit kong hinawakan ang kaniyang kamay. Naiiyak ako. Bakit kasi kailangan pang ganito?

“Masaya ka bang nakilala mo ako?” He asked out of the blue. “Syempre naman. Sobra.”

“Mahal mo ba ako?” Seryosong tanong niya na mahina ko lang tinawanan. “Tinatanong pa ba ‘yan?” I replied.

“Matatanggap mo ba kung...” He stopped for a while making me think what is it.

“Tatanggapin ko kahit ano.” Pinal na sagot ko. Kahit ano basta ikaw ang nagsabi, nagdesisyon o mag-utos, basta mula sa iyo.

“Kung iiwan muna kita?”

Tila nabingi ako sa narinig. “Kathan...” I said out of shock. Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya. “Ano bang s-sinasabi mo?” I frowned.

I gulped. Hindi siya nagsalita at nanatiling nakatitig lang sa akin. Hindi mababahiran ng biro ang itsura nito. Bigla akong kinabahan. Please, tell me it’s not happening.

“Nasasaktan ako tuwing ikaw na lang palagi ang umiintindi. Nasasaktan kita. At ayokong nakikita kang malungkot at umiiyak nang dahil sa akin.” Aniya. Nahigit ko ang hininga.

“Kapag naiisip ko ‘yon, pakiramdam ko, hindi ako deserving para sa pagmamahal mo. Sobrang swerte ko sa iyo pero ayokong abusuhin.” Tipid siyang ngumiti.

He stand up and sighed. “Why? Kasi ako ang dahilan ng pagluha mo... ng mga hirap na nararasan mo.” Pagsagot niya sa sariling tanong.

“I want to say sorry kasi nalalagay ka sa sitwasyon na ganito. Hindi mo ito deserve, Araseli. You deserve more than better.” Tinangala ko siya kasabay ng pag-iling ko.

Please, Kathan. Huwag mo naman akong pakawalan ng ganito. “Huwag mong isiping sinusukuan kita...”

A tear escaped in my eye. My heart beats slowly but loud. Hindi nagugustuhan ng sistema ko ang nangyayari. Ni hindi ako makagalaw dahil hindi ko alam ang gagawin.

Muli siyang ngumiti. “Gusto ko lang na mapabuti ang Asei ko. Pasensiya na kung ang hina ko. Kung hindi man ngayon, siguro sa hinaharap... Pwede pa tayo?”

“K-Kathan naman.” My voice broke. Sunod-sunod nang pumatak ang mga luha ko. Napayuko ako agad nang makita ang paglambot ng ekspresyon nito.

“Hindi kita maipagtanggol kahit gustong-gusto ko. Pero babalik ako na kaya nang tumayo sa sarili kong mga paa. Na may lakas ng loob na.”

“Wait me until I grow, Asei. B-Babalikan kita kapag kaya na at pwede na...” Mahinang aniya. Mapahikbi ako sa narinig.

Tumayo ako at inabot ang dalawang niyang kamay. “Kathan, p-please... Don’t do this.” Nagmamakaawang bulong ko.

“M-Mananatili ako sa tabi mo hangga’t kaya ko, susuko kapag hindi na... Kathan, k-kaya ko pa, hayaan mo akong manatili.”

Nanikip pa lalo ang dibdib ko nang makitang pumatak na rin ang mga luha niya. Why do we need to end up like this?

“Huwag naman ganito, oh. H-Huwag mong putulin ang taling nagbubuklod sa atin sa ganitong paraan. M-Manatili kang nakakakapit, Kathan.” I plea.

“Mahal kita... P-Pero ngayon, ipauubaya na muna kita sa iba.”

Nadurog ang puso ko sa narinig. Nanghina ang mga tuhod ko at kusang bumigay. Napaupo ako sa pagkawala ng balanse. Hindi ko na napigilan ang sarili at ibinuhos na lahat ng luha.

When I heard his sobs, mas lalo akong naiiyak. Kasi alam kong nahihirapan din siya. That he’s only doing this for my own good. Dahil iniisip niyang naghihirap ako dahil sa kaniya.

I think I deserved the best. Pero hindi naman ganito iyon, ‘di ba?

Marahan siyang lumuhod sa harap ko. Hinawakan niyang muli ang dalawa kong kamay at pinatakan ng masuyong halik ang mga iyon. He looked at me with his puffy tired eyes.

“S-Sana kapag pwede na, p-pwede pa...”

I felt his hugs and kisses for the last time. I will pray for us to close our paths again in the future, my Kamatayan.

Unseen TreasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon