“Overnight tayo roon, ah.” Kathan said. “Gusto ko ‘yan.” I replied.
We are currently packing our things na gagamitin. Hindi naman sobrang mataas ang aakyatin namin, I guess? Siguro ay makakarating din kami roon bago humapon, alas-nuebe pa lang naman.
“Ready ka na?” He asked.
Nakangiting tumango ako habang nakatingin sa hindi kataasang bundok. Nae-excite na agad ako, tinitingnan ko pa lang ito. Siguradong mapapagod kami pero worth it sa dulo.
He reached for my hand and we walk together. Nang medyo matarik na ang inaakyat, nagpauna siya para alalayan ako pasulong. Hindi niya binibitawan ang kamay ko.
Ilang minuto na rin kaming naglalakad at mukhang medyo malayo pa kami sa tuktok. I asked if we could have some rest muna dahil hinihingal na kami pareho.
“Tired already?” I chuckled and nodded.
Naupo kami sa isang malaking bato na nakita. Kumuha ako ng bimpo sa bag na dala at pinaharap siya sa akin. Marahan kong pinunasan ang pawis niya sa mukha at leeg.
Pansin kong nagpipigil siya ng ngisi habang ginagawa ko iyon. Loko talaga. Kalaunan ay siya naman ang nagpunas ng sa akin, I pouted nang pati likod ko ay punasan niya, sinapulahan pa na parang bata.
“Bawal pawisan ang baby ko,” bulong niya pa. Kinurot ko ang tagiliran nito, tumawa lang naman siya.
Matapos ang ilang minutong pahinga, nagsimula na ulit kaming maglakad. Inabot pa kami ng tanghalian sa daan. Buti at may dala kaming lutong pagkain para sa tanghalian dahil aabutin talaga kami ng gutom.
Kumulimlim ang langit kaya hindi kami sa ilalim ng mainit na araw kumain, magsasabay sana ang init ng paligid ang init ng ulo ko. Ang kalokohan ba naman kasi ni Kathan, isang utensils ang dinala.
Share tuloy kami kasi wala akong choice. Nagpipigil pa siya ng ngisi habang nagso-sorry, alam naman naming dalawa na sinadya niya. Nakakainis.
“Malapit na tayo, kaunting push pa.” Inalalayan ako nito sa huling dadaanan bago makarating sa tuktok ng bundok.
“Sa wakas... Ang ganda...” Tanging nasabi ko na lang habang malawak na nakangiti.
Ipinikit ko ang mga mata at idinipa ang mga braso. Dinadama ang sariwa at masarap na hangin. Ang luntiang kapaligiran ay napaka-kalmado at payapa.
Minsan lang ako makagawa ng mga ganitong bagay. Hindi naman ako hinahayaan ng mga magulang kong lumabas mag-isa lalo na kung ganito ang pupuntahan.
Naisip ko tuloy bigla sila Mommy. Kamusta kaya sila? Paniguradong hinahanap na ako ni Kuya. Pero gusto ko munang makalayo sa mundong ginagalawan ko panandalian.
Naglalaro na naman sa isip ko ang mga tanong na, ‘Galit pa kaya si Mommy sa akin?’ ‘Kamusta na sila?’ ‘May naghahanap man lang ba sa nawawala nilang kapamilya?’.
I sighed and smiled. I should not think about that right now. Sumama ako kay Kathan para panandaliang makalimot. Gusto kong i-enjoy ang mga nalalabing oras bago ako bumalik sa aking mundo.
“Are you okay, love?” Kathan asked. Bumuntong hininga ulit ako at humarap sa kaniya. Lumapit ako rito at agad siyang niyakap. Isiniksik ko ang mukha sa kaniyang leeg.
Marahan nitong hinagpos ang likuran ko matapos akong gantihan ng yakap. “It’s okay, Asei... Iuuwi na kita bukas, let’s enjoy today muna, hmm?” Malambing na aniya.
I bit my lower lip and nodded. Pinunasan ko ang luhang kumawala at hinigpitan pa ang yakap sa kaniya. Nang kumalma ay nag-ayos na rin kami. We set-up the tent bago gumabi.
“Paano ba ‘to?” Tinulungan niya akong itali ang isa sa mga dulo ng tent. Buti at boy scout siya at marunong nito. Bakit kasi hindi ko inaral ang ganito? Wala tuloy akong alam.
Sabay kaming umupo sa kahoy na nakita nang matapos mag-ayos ng mga kailangan. Palubog na ang araw at napagpasiyahan naming panoorin ito habang nag-iihaw ng pagkain namin ngayong gabi.
“Are you happy?” I asked out of the blue. “I am. Despite of everything that happened.” Kathan replied immediately.
I sighed. “Swerte pa rin naman siguro ako, ‘di ba?” Tanong ko ulit. Nanatili ang atensiyon ko sa palubog na araw.
“Yes, love. You are lucky, one of the luckiest.” He kissed the back of my palm.
“Kathan, kasi...” I bit my lower lip. I’m starting again.
“Maganda nga ang katayuan ko sa buhay. Hindi kami naghihirap, nakakakain ng tatlong beses o higit pa sa isang araw, nabibili ang gusto kahit hindi kailangan, sagana sa halos lahat,” I stopped.
“Kaso iyong pagmamahal at aruga na hinahanap-hanap ng lahat, wala ako. At napagtanto kong hindi ako magiging masaya kung wala ang mga bagay na ‘yon.” I looked away.
“Sometimes, I actually think na kung hindi kaya ganito kataas ang antas namin sa buhay, mararanasan ko kaya ito? Like, hindi kami expose sa media o sa kahit saan, may payapang buhay.” Pagsasa-boses ko ng nasa isipan.
He reached for my head and let it lean at his shoulder. “Everything happens for a reason.” He gently whispered.
“Kung gano’n, anong rason? Bakit ganito ang buhay ko?” Kusang lumabas sa bibig ko ang mga tanong na iyon. “Hush, wait until everything got fixed.” Alo niya pa.
I’m not doubting His plans, the things He can do and everything but I can’t help to ask those things sometimes. Kasi ang sakit na. Kasi nakakapagod na.
Matapos ang personal na usapan, kumain na kami ng hapunan. Kasalukuyang nagpapa-apoy si Kathan ngayon habang inaayos ko naman ang loob ng tent.
Uuwi na rin kami bukas, babalik na kami sa Manila kasi kailangan na. Nakakalungkot man ay babalik na naman sa dati ang buhay ko. Siguro ay mas malala pa sa nakaraan ang dadatnan ko.
“Kathan, dala mo ba ang phone ko? Pwede mahiram kahit saglit?” Sabi ko. “S-Sige.” Nag-aalangan pa nitong sagot. Weird.
Iniabot sa akin ni Kathan ang phone ko. “I’ll wait you inside,” aniya. Tumango ako. Naglaka dsiya pabalik sa tent habang ginawa ko naman ang pakay.
I dialed Kuya Alion’s number. “Hel—”
[“What the hell, Araseli? Where the heck are you?”] He exclaimed. Binasa ko ang labi. “Kuya, calm down.”
[“How can I calm down? Nawawala ka! Nasaan ka na ba?!”] Pasigaw na tanong niya ulit.
I sighed while biting my lower lip. “Kasama ko si Kathan.” Pag-amin ko. [“Tarantado, nagawa kang itakas?”] Hirit pa nito.
“Kusa akong sumama,” sabi ko pa. [“At bakit?”]
“Kasi gusto kong sumaya... Kahit panandalian lang...”

BINABASA MO ANG
Unseen Treasure
Ficção AdolescenteV A N Q U I S H S E R I E S 4: Unseen Treasure Sa mansion ng mga Espanto naroon at nagdidilang hangin ang isang dalagita. Ang naturingang prinsesa ng mga Espanto sa harap ng midya ngunit halos hindi na makita sa loob ng mansion ng pamilya. Sa kabila...