Wakas

46 4 1
                                        

"Papa, ice cream tayo!"

A five year-old me giggled when he nodded. But my heart broke into pieces so sudden after he died in front of me. Tatawid lang naman kami. Tatawid lang pero bakit kailangan pa siyang bawian ng buhay? Bakit ngayon? Bakit sa harapan ko pa? Bakit?

So many thoughts were running through my mind that time. Sa murang edad ay naranasan ko ang sakit na hindi ko inaakalang dadanasin ko ng ganoong kaaga. I even develop a trauma, ilang linggo akong unstable. Mentally and emotionally dahil sa nangyari.

"P-Papa, balik ka na... Miss na kita..." I sobbed while looking at the sky. I know he is watching us and I am happy for that. Pero bakit ganitong kaaga? Nakakalungkot ang biglaan niyang pagkawala.

My heart ache when Mama introduced a new guy after two years. She said they will getting married as soon as possible. The man is nice. But he can't replace my father. My father is different and one of a kind.

Napatanong na lang ako sa sarili kung bakit ang sakit. Kung bakit ko nararanasan iyon sa murang edad. I was sobbing hard while punching my chest who's aching right now because of the sudden news.

"I am not saying that he will replace your dad because no one will, no one can. He will just take the responsibilities your Daddy left, for the better. Ayokong lumaki kang walang ama." Mommy said. "Tito Ricardo is nice so be nice to him, too, okay? He's going to be your father soon."

And that soon finally happened. I don't know if I should be happy or what. I just can't still accept the fact na may magt-takeover na ng posisyon ni Papa sa buhay ko. Masakit, syempre. But this is Mama wants.

At nangako ako sa sariling hindi ko pababayaan si Mama ngayong wala na si Papa. Pananatilihin ko siyang masaya at mukhang ito na 'yon. She look so happy when she is with that Ricardo guy. So I let her be with him.

Sa unang taon ng kanilang pagsasama, pakiramdam ko ay na-itsapwera ako sa buhay nila. May paborito na ngayon, at 'yon ay si Ate Trina. Noon naman, pantay ang atensyon at pagmamahal nila sa amin ni Ate nila Papa at Mama.

Pero hindi na nga pala kami kagaya ng dati. Iba na dahil may iba na sila.

Lumaki akong hindi nabibigyan ng sapat na atensyon. Pinagt-tiyagaan ako ni Tito Ricardo kung minsan pero ako na rin ang kusang lumalayo. Malapit naman kami sa isa't isa- kapag nasa paligid si Mama.

I know she want to see our father and son relationship or bonding so I give it to her. Ayaw kong magpaka-plastic pero ginusto ko para kay Mama. Wala namang isinusumbong si Tito na mailap pa rin ako sa kaniya dahil hindi ako kinakausap ni Mama tungkol doon.

Kapag malungkot ako, pumupunta ako sa practice room ni Papa. Nasa isang banda kasi siya noong kabataan niya. Maganda ang buhay niya kaya nagawa niya rin kaming bigyan ng magandang buhay ngayon.

Maraming instrumento siyang iniwan doon pero drums ang pinagtuunan ko ng pansin. Hindi ko alam kung kailan pero nag-aral akong tugtugin ang mga iniwan niya. Hindi ko naman alam na mamahalin ko rin pala ito.

Ang iniwan ni Papa na ito ay ipagpapatuloy ko sa hinaharap.

"Gusto mo bang sumikat at maging isang idol?" Tito Ricardo asked me. I shake my head. "May kakilala akong pwedeng mag-train sa 'yo, nag-uumpisa pa lang sila pero highly recommended." Dagdag niya pa.

Hindi ko ito pinansin. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit patuloy niya akong kinulit patungkol doon. Ayaw ko. Hindi ko gustong maging idol. Gusto ay banda, makabuo ng sarili kong banda at musika.

Napangiwi ako nang dampian ko ng bulak ang gilid ng labi ko na nagpapasa na ngayon. Why did he hurt me? That hard kaya kailangan pang magpasa? I know, ang sagutin siya ay mali but it's his fault! Kinukulit niya pa rin ako tungkol doon kahit sinabi kong ayoko.

Unseen TreasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon