“Kathan, delikado! Alam niyo na ba?”
Nangunot ang noo ko sa salubong ni Pier. Nang makarating kami sa resthouse, silang apat agad ang sumalubong sa amin. Hindi man lang sila nagsabi na pupunta sila rito.
“Anong delikado? Anong alam?” Singit ko.
“Mauna ka na sa loob, mag-uusap lang kami.” Kathan command.
Kahit naguguluhan ay sumunod ako sa sinabi nito. Naiwan sila nila Pier at Ash sa labas para mag-usap, sinamahan ako noong dalawa sa loob at tinulungang magbitbit ng gamit.
“Ano bang mayroon?” Tanong ko pagkaupo sa sofa. Nagkatinginan silang dalawa. Lalo lang kumunot ang noo ko.
“Hindi ka pa rin nag-o-open ng phone, ano?” Kyieno asked. “I did, last night pero tinawagan ko lang si Kuya sandali.” Sagot ko na naguguluhan pa rin.
“Kyieno, pahamak,” Avril whispered, frustrated. Umawang ang labi ko at agad na hinalungkat ang phone ko sa gamit. “Araseli, huwag na.” Pigil ni Avril.
Hindi ako nakinig. Nang mahanap ko ang phone ko, binuksan ko agad ito. Nanlaki ang mga mata ko nang biglang hablutin ni Avril iyon kaya agad kong binawi. Umiling ito sa akin, ganoon din si Kyieno.
“Avril, please. Hindi pwedeng wala akong alam lalo na kung tungkol kay Kathan.” Tanging nasabi ko na lang.
Lumayo ako ng kaunti sa kanila. Huminga ako ng malalim, kung ano mang maaari kong makita, sana hindi gaano masakit. Binasa ko ang labi at tuluyan nang in-open ang mga social media account ko.
Pinoy Pop Files
Acer member, Kathan Ocampo caught in 4k, hugging Mrs. and Mr. Vien Espanto’s daughter in the cementery. Bali-balita pang magkasama itong umalis doon at ngayon ay nawawala.
Pinoy Pop Files
A video of this 17 year-old artist from Blade Entertainment had leaked! Ang tunay na ugali ng P-Pop idol, nabunyag na.
Pinoy Pop Files
Kathan Ocampo, itanan ‘daw’ si Araseli Soley Espanto?!
“Trending ngayon si Kathan dahil sa dami ng kumakalat na issue niya.” Sambit ni Kyieno. Napatakip ako sa bibig sa mga nababasa
Almost all of the comments were negative. Babaero, plastic, manggagamit, attention seeker, masamang tao... Paano nila nasisikmurang magbato ng mga ganitong klaseng salita sa inosenteng tao?
A video suddenly popped up when I refreshed the app. It’s Kathan... scolding someone.
“Tangina, paano kakalat kung hindi mo ipinost? Gago, sinisira mo ako, e. Sinisira mo ako sa kanila, sa kaniya. Ano bang gusto mong mangyari? Ha?”
Marahas akong napalunok. Ang lalaking nasa video ay halos hindi ko na makilala sa galit na namumutawi rito. He’s scolding a girl that I guess the same person in his girlfriend rumors.
Kathan couldn’t do this. Ibang iba ang pagkakakilala ko sa kaniya. Kaysa sa nasa video na halos maglabas na siya ng apoy sa sobrang galit. Hindi... Hindi ako naniniwalang magagawa niya ito.
“Katha—” Nagulat ako nang salubungin ako nito ng yakap. I’m worried. “I’m sorry.” He whispered.
I bit my lower lip and hugged him tight. “Sorry, please, forgive me... I-I can’t lose you...” Parang may kung anong tumusok sa dibdib ko marinig ang karagkag ng boses niya.
“Hush, it’s... It’s okay. H-Hindi ako mawawala sa ‘yo...” Alo ko rito.
“H-Hindi ko sinasadyang mailagay ka sa ganitong posisyon ulit. Patawarin mo ako. Ang tanga-tanga ko.” Napapitlag ako nang maramdamang nababasa na ang leeg ko kung saan siya nakasubsob. He is crying.
“Kathan, listen,” pinaharap ko siya sa akin. I caressed his cheeks and wipe his tears. “Maayos din ito, okay? Matatapos din,” I tried to smile but I failed when he cried again. Those tears were broking me.
Walang imikang bumyahe kaming anim. Nagpahatid lang pala sila rito at hindi iyon alam ng manager nila. Paniguradong sermon ang aabutin ng mga ito pagbalik.
Nasa likuran kami ng van ni Kathan. Magkasiklop ang kamay at nakaunan sa isa’t isa. I promised that I won’t leave him, I will stay no matter what happened. He needs me, I need him, too.
“Bukas na ilalabas ang bagong music video niyo,” panimula ko. Nakamasid lang ako sa mga kamay namin. Malayo ang tingin ng katabi ko, malalim ang iniisip.
“What if we failed because of me? Because of my freakin’ issues.” Wala sa sariling aniya. I gulped.
“No. Mags-success ang comeback niyo, don’t think like that.” Agap ko agad. “I hope so,” tanging nasabi nito.
Hindi na ako nagsalita sa buong byahe, nagbubulungan ang apat sa una pero hindi naman namin pinakikialaman. Malalim na ang nasisid ng isapan ni Kathan panigurado dahil kanina pa ito tahimik.
“Una na ako. Ingat ka, I love you.” Pinatakan ko ng halik ang pisngi niya bago lumarga pababa ng van. Napatigil ako nang maabot nito ang palapulsuhan ko pagkababa.
Agad ako nitong niyakap. “Thank you, Asei,” Bulong nito. “Sorry and I love you, sobra...” Malambing na dagdag pa niya. Kahit paano ay napangiti ako.
“Ingat ka, ah. Update mo ako. Salamat sa pa-bakasyon. Mahal kita.” He gave me a peck on my lips na ikinagulat ko pati na rin ng mga kaibigan niya.
Pumasok na ulit siya sa loob, kumaway sa akin ang mga kasama niya kaya kumaway din ako. They are punching their fist in the air and cheering me plus saying that we can survive in this. I smiled.
Bumuntong hininga ako bago pumasok sa bahay. Alam ko kung anong bubungad sa akin. Ang tanghalian ko ngayon ay sermon at galit nila.
“Araseli!”
Inihahanda ko na ang sarili mula sa sermon ni Kuya Alion pero nagulat ako nang isang mahigpit na yakap ang sumalubong sa akin. “What the hell, nag-alala ako.” Anas nito.
“Si Mommy?” Tanong ko. He sighed. “Nasa sementeryo, halos hindi na umuuwi.” Sagot nito.
Napaisip ako. Alam kaya niya na hindi ako umuwi ng ilang araw kung naroon lang siya sa sementeryo? Baka nga hindi na niya ako naaalala. Napaiking na lang ako, ayokong umiyak ngayon.
Hindi ako nito pinagalitan. Ang sinabi lang niya ay magpahinga ako dahil kailangan ko iyon matapos ang lahat ng nangyari. Sinubukan kong matulog pero hindi ko magawa.
Nag-aalala ako. Kay Mommy, kay Kathan, pati na rin sa sarili ko. Bakit ba nangyayari ito? Kailan ba matatapos ang mga nakakasawang problema ko sa buhay? Pagod na pagod na ako.
Napabuntong hininga ako habang nakatitig sa ceiling. Matatapos ito kapag tinapos ko na ang buhay ko, tama? Kung gano’n, bakit hindi?
BINABASA MO ANG
Unseen Treasure
ספרות נוערV A N Q U I S H S E R I E S 4: Unseen Treasure Sa mansion ng mga Espanto naroon at nagdidilang hangin ang isang dalagita. Ang naturingang prinsesa ng mga Espanto sa harap ng midya ngunit halos hindi na makita sa loob ng mansion ng pamilya. Sa kabila...
