XXXII

16 1 1
                                    

“Anong ginagawa mo rito?” Walang emosyon kong tanong.

“Hey...” He mumbled.

Napalunok ako. Ramdam ko ang panghihina ng mga tuhod ko sa isang simpleng salita niya. His voice is really something. Ang laki ng epekto sa akin palagi.

Sa isang iglap ay namalayan ko na lang na nasa loob na akong ng bisig niya. Ang yakap niyang madalang kong madama dahil sa sitwasyon namin. Sobrang nakakapangulila.

He kissed my forehead. “I’m sorry... kung wala ako sa tabi mo habang kumakaharap na naman ng panibagong pagsubok.” Mahinang aniya.

“I tried. But someone ruined my plans.” Napakagat ako sa labi nang maramdamang kumuyom ang kamao niya.

Ilang segundong katahimikan at muli itong lumambot. Pinaulanan niya ng halik ang tuktok ko habang mahigpit pa rin na nakayakap.

“Please, forgive me. Isa na lang, kapag nangyari ulit ito na sana naman huwag na, I will accept any decision na gagawin mo.”

Humiwalay ako sa yakap at hindi makapaniwalang tiningnan siya. “Kathan.” I called him.

“Kamusta ka? Ayos ka lang ba?” Pag-iiba ko sa usapan.

I reached for his cheeks and caressed it lightly. Nanubig ang mga mata ko habang nakatitig sa kaniya.

He looks so tired. Naisip ko tuloy kung sino ang naroon sa tabi niya noong mga panahon na kailangan din niya ng kanlungan? I wanted to be there pero nangangailangan din ako.

I bit the inside of my cheeks. “G-Gusto kong magtampo... Kasi hindi mo man lang ako magawang puntahan sa mga oras na kailangan na kailangan kita pero... P-Pero naiintindihan ko.”

Humikbi ako. Isang mahigpit na yakap ulit ang sumalubong sa akin. “I’m sorry, babe. Sorry...”

“Mahal kita...” I whispered. It took a few seconds before he answered. “Shit. Mas mahal kita.”

Kahit gaano karami, kasakit o kalala ng sakit at problemang dinadala ni Kathan sa akin. Handa akong suungin, makasama ko lang siya. Manatili lang siya sa tabi ko. Kahit mahirap at masakit na.

“Daddy, si Kathan, oh...” Tipid akong ngumiti.

Sa loob-loob ko ay nakakalungkot din. They never meet each other in a formal way. Hindi man lang nakapag-usap o kwentuhan.

“Hindi mo man lang siya nakilala. But I know na alam mong mabuting tao siya.” Dagdag ko pa.

“Tito,” he called. Nilingon ko siya. Inabot niya ang kamay ko at mahigpit na hinawakan iyon gamit ang dalawang kamay niya. I never regret loving this guy.

“Pasensiya na po kung itinatago ko sa lahat ang anak niyo. Gusto ko lang po siyang ingatan mula sa mapanakit kong mundo. Kaya hindi ko po masabing hindi ko siya sasaktan,” he stopped and look at me.

“Kasi halos simula pa lang, umiyak na siya ng dahil sa akin. And I am sorry for that, Sir.” Aniya. Sumandal ako sa balikat niya para pagaanin ang loob nito. I squeezed his hand softly.

“Pero ipinapangako kong pong po-protektahan ko siya ano man ang mangyari.”

Naningkit ang mga mata ko sa biglaang pagliwanag ng langit. Kanina lang ay kulimlum at halos paulan na pero biglang sumilip ang araw dahilan para lumiwanag ng sobra ang langit.

Kathan chuckled. “Sign po ba ito? Ibinibigay mo na po ang blessings mo sa akin?”

Nakarinig kami ng mga huni ng ibon, sunod-sunod at malakas. Nagtama ang tingin namin at sabay na napangiti.

“Huwag po kayong mag-alala. Ligtas po si Araseli sa mga kamay ko.”

Hindi ko na binanggit ang mga nakita ko sa social media kanina noong magbukas ako. May tiwala ako sa kaniya, at naniniwala akong totoo ang mga sinabi niya sa akin tungkol sa nangyari sa Cebu.

Pagkatapos namin sa sementeryo, isinama niya ako papunta sa sasakyan niya. Kumunot ang noo ko nang makitang wala siyang kasamang driver, PA, o bodyguards. Hinayaan na ba siya ng Manager niya?

Sumama ako sa kaniya ng walang alinlangan. Hindi kami nagkita ng ilang linggo. Ilang araw ang nasayang na dapat ay magkasama sana kami kaso ay naganap ang issue niya.

Napangiti ako nang makitang daan papunta sa resthouse nila ang tinatahak namin. Nakatulog na ako ng hindi ko namamalayan, dala na rin ng pagod at puyat sa ilang araw na pagkalugmok.

Ipinikit ko ang mga mata at dinama ang malamig na simoy ng hangin. Naestatwa ako nang may biglang yumakap sa akin mula sa loob.

“Let’s spend the rest of the week together. I missed you so much.” He whispered.

Magkasiklop ang mga kamay na pumasok kami sa loob. Nananatili itong malinis at maaliwalas tingnan.

We cooked our dinner together and infairness, may alam na siya sa pagluluto. Adobong atay balunan ang niluto namin, ang paborito niya. Ilang linggo rin daw niyang hindi natikman iyon.

“Wala ka bang gustong itanong sa akin? I’ll be honest in any question.” He asked.

Napaangat sa kaniya ang tingin ko. I bit my lower lip and slowly nodded. May idea siya na nabasa o nakita ko na ang kumakalat na balita ngayon.

“It’s okay, Kathan. I don’t mind what other people say. Sa iyo lang ako maniniwala.” Sambit ko.

Inabot niya ang kamay ko na nakapatong sa lamesa at hinawakan iyon. “So, what did I do in my past life to have you right now?” Malawak siyang ngumiti.

I chuckled. “I don’t know. Tinatanong ko rin iyan kung minsan.”

Unti-unting humina ang tawa ko nang pakatitigan niya ako. Seryoso ngunit puno ng pagmamahal.

“Thank you...” He mouthed. “Hmm?”

“Sa palaging pag-intindi sa akin, sa sitwasyon ko. Kahit alam kong nahihirapan ka.” He pressed his lips together.

Ipinaibabaw ko ang kamay ko sa kaniya at marahang hinaplos iyon. “Wala ‘yon. That what’s partners usually do, right?” I smiled.

Ngumisi siya. “Partners...”

Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin. “Ayaw mo?” Pinilit kong maging normal ang tunog ng boses ko. Kinabahan ako bigla.

Nanlaki ang mga mata niya at natigilan. I bit my lower lip and turned my gaze down. Ramdam ko ang bilis ng puso ko, nag-iinit ang pisngi ko. Nakakakaba.

“Hoy, t-teka lang. Anong ibig mong sabihin?” Gulat na tanong niya.

Tamang panahon na naman siguro ito, hindi ba? Kathan need someone. And I want to  be that someone na magiging kanlungan niya sa lahat ng oras. Kathan is so pure and precious.

“I am ready to be your partner already, Kathan.”

Unseen TreasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon