XXIV

9 1 0
                                    

He let out a fake cough. “I will took this opportunity, Tita.” He said. Nangunot ang noo ko. Anong sinasabi niya?

“Pormal po akong nagpapaalam sa inyo, Tita Angelu, Kuya Alion and Axus,” panimula niya.

Bumilis ang tibok ng puso ko. May ideya na nabubuo sa utak ko na ayokong pairalin dahil baka mali naman ang iniisip ko. Ngunit napantig ang mga tainga ko sa sunod na narinig.

“Kung papayag po ang anak niyo, gusto ko po siyang ligawan. At hinihingi ko po ang permiso niyo.”

Ilang segundo pa bago mag-sink sa buong pagkatao ko ang sinabi niya. My eyes widened slowly. “Kathan?!” Hindi makapaniwalang singhal ko rito nang matauhan.

Mom, Kuya and Axus looked at each other bago ipukol ang mga mata sa akin na para bang may ginawa akong mali. Miski ako ay nagulat. Wala akong kinalaman dito!

Mom looked at Kathan. “Tell more about yourself. Gusto muna kitang makilala bago pahintulutan.”

Napaawang ang labi ko sa sinabi ni Mommy. Pahintulutan? May balak siyang pumayag?!

Kathan smiled and nodded. “Consistent honor student po ako despite of my busy schedules. I didn’t drop to school because I also want to graduate.”

“I started training when I was 12 and debuted at the age of 15 in my current group, Acer. I can dance, sing and rap, marunong din po akong tumugtog ng iba’t ibang klase ng instrumento.”

Tutok na tutok sila sa lalaki, binibigyang pansin nila ang bawat sinasabi nito. Para bang kinikilatis.

“Mabait po ako, minsan nga lang po ay wala akong kontrol sa sarili kapag galit but I’m trying to fix it already. Masungit po ako kung minsan pero sobrang dalang at iniiwasan ko na rin po.” Dagdag pa niya.

“Mahilig po ako sa isda— bilang alaga, I do not eat fish po. Hindi po ako pihikan sa pagkain basta huwag gulay na berde at isda o sa kahit saan, as long as hindi ako mapapahamak o walang hindi mabuting maidudulot.”

I watched their reaction habang busy sila sa pagtutuon ng pansin kay Kathan. Mukha silang naaaliw sa sinasabi nito. I looked at Kathan at nakita ko kung gaano ka-komportable siyang magkwento.

“Lastly, I can promise that I can protect your daughter to my spotlight. Alam ko po na hindi niya gusto ang nasa harap ng maraming camera o kung anong tungkol sa showbiz.” He said, he glance at me.

“Huwag po kayong mag-alala. I already confirmed my feelings to myself multiple times and I can really say that I’m in love with Araseli. If you allow me, I will be an ideal guy for her.” He smiled widely.

My lips parted. “Family background?” Mom asked. Napalingon ako sa kaniya bago ibalik ang tingin kay Kathan.

“Kung hindi ka komportable, ayos lang.” Mahinang sambit ko. I smiled a little at him, he just nodded.

“Patay na po ang tunay na Tatay ko, ang kinakasama ko pong Ama ngayon ay step father ko lang. Kapatid po ako ni Katarina Ocampo, model po siya rito sa Pinas. Ang Mama ko naman po, house wife.”

A minute of silence. Nanlamig ang kamay ko, kinabahan ako sa magiging resulta. Kathan reached for my hand na nasa ilalim ng table. He squeezed and caressed it gently.

“You have my blessing, Kathan.”

Napakurap-kurap ako sa narinig. Did she really... give her blessing to him that fast?

“Maraming salamat po. Sagot na lang ni Araseli ang hihintayin ko.” Nakangiti niya akong nilingon.

Nag-iwas ako ng tingin at ipinagpatuloy ang pagkain. Hindi ko pa alam ang sagot. Natapos ang pagkain namin na silang dalawa lang ni Mommy ang nag-uusap. I was thinking deep.

Kathan and I... ano ba kami? Are we really friends? O niloloko lang naman ang isa’t isa at pinalalabas na kaibigan lang talaga. My God, my head is aching.

I didn’t give Vicen a chance. What about Kathan? Magiging unfair ba ako kung papayag akong magpaligaw kay Kathan? I mean, I didn’t allow Vicen to court me tapos papayagan ko ang isa.

I knew there is something when I am with Kathan. An odd feelings is dominating my system everytime. I can say that I am happy with him.

“Asei...” Nilingon ko ang tumawag. I was sitting in the edge of the stairs, waiting for them to finished talking. Finally.

“May ipapakita ako sa ‘yo,” sabi ko. I don’t know pero bigla na lang pumasok sa isip ko ang isang kwarto na puno ng mga hilig ko. I want to show it to him.

Iginaya ko siya papunta sa pinakadulong kwarto. I opened the door and proudly showed to him what’s inside. Siya ang unang pinapasok ko rito, komportable ako sa kaniya kaya ko nagawa ito.

Pinagmasdan ko ang reaksyon niya. Nababakas ang gulat sa nakita. He looks so amazed after eyeing the whole place. He looked at me with his pretty blue eyes.

“You paint all of this?” He asked. I slowly nodded. Nakangiti siya at nakamasid sa akin like he was so proud. “Ang galing mo... I expected that you are a great painter but this is in another level.”

I smiled and thanked him. Siya lang ang pakiramdam kong nakaka-appreciate sa akin at sa mga ginagawa ko ng ganito. I really love to hear compliments from him, it’s so pure.

“Kathan,” I called. “Paano ka ba magmahal?” I asked out of the blue.

Napalingon siya sa akin at ilang segundong napatitig. Hindi niya siguro alam ang isasagot. Bakit ko ba kasi itinanong iyon?

“Sa totoo lang, hindi ko alam. Hindi pa naman ako nagmamahal in a romantic way.” Aniya. Hindi ako nagsalita at inintay ang sunod niyang sasabihin.

“Siguro, I’ll give her the assurance she wants, the love she deserve and the attention she’s longing for...” He said, smiling.

Napakurap-kurap ako. “K-Kanino mo... unang gustong subukan?” I gulped at my own question.

He let out soft chuckles. “Kanino pa ba? Syempre, sa Asei ko.”

Nag-iwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko ay matutunaw ako sa mga titig niya.

“K-Kung gano’n... I’m giving you a chance. Court me, Kathan.”

Unseen TreasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon