“Ang bilis ng panahon, Araseli,” Vicen muttered. “Congratulations to the both of us...” Agad niya akong niyakap.
Five years. Five straight years in Laguna and now, I am finally going home.
I am not yet successful in terms of acting, sa katunayan ay bumubuo pa rin ako ng pangalan sa industriya hanggang ngayon. Ganito pala kahirap, ilang taon na pero halos extra pa din ako.
Ngayong nakapagtapos na ako ng pag-aaral, babalik na ako sa Manila. Balak kong magtayo ng isang art exhibit doon. Ipagpapatuloy ko pa rin ang pag-arte na natutunan ko nang mahalin.
Huminga ako nang malalim at muling sinulyapan ang bahay na tinirhan ko sa loob ng limang taon. Marami-rami rin ang memories dito. Saksi ang bahay na ito sa halos lahat ng hirap ko.
Napangiti ako nang makita ang bahay namin. Ngayon na lang ulit ako makakatapak doon matapos ang ilang taon. Kinakabahan ako sa reaksiyon ni Mommy, sa totoo lang.
Mahigpit na hinawakan ni Vicen ang kamay ko at bahagya pa itong pinisil-pisil. Alam kong ramdam niya rin ang lamig ng kamay ko. Nakakakaba pero ang saya sa pakiramdam.
I took a deep breathe before I entered at the open door. Nang ilibot ko ang paningin sa loob ng bahay, parang bumalik sa akin lahat. Napangiti ako sa ngayon.
Ang kaibahan lang, hindi masakit ngayon. Nakakatuwang balikan dahil marami akong natutunan. Nagsilbing inspirasyon ang mga iyon para patuloy akong lumaban.
“Araseli,” nabitawan ko ang gamit na dala nang marinig ang boses niya. Ngayon lang ulit. Sobrang... sobrang na-miss ko siya. “Mommy.”
Tumakbo ako palapit sa kaniya para salubungin siya ng isang mahigpit at mainit na yakap, hindi alintana ang hindi namin pagkakaintindihang dalawa. Sa wakas.
“I missed you so much, Ma.” I whispered, naluluha na. Para akong sasabog. Halo-halo ang nararamdaman ko. Guilt, pangungulila, lungkot at saya.
“A-Anak ko...” Tuluyan nang kumawala ang mga luha ko. When I heard that word, I know we are finally both healed.
Nang maramdaman ko ang mahigpit niyang yakap, nag-init ang puso ko. Sobrang nangulila ako sa kaniya dahil pinili kong mabuhay mag-isa. Ngayon, magkasama na ulit kami.
“Anak, s-sorry... Patawarin mo si Mommy...” Aniya. “M-Ma, hindi ako galit sa ‘yo. Naiintindihan kita.” Sagot ko agad.
She looked at me. “Hindi, Araseli, e. Mali ako. Mali akong sinisi kita. Mali akong hindi kita nabigyan ng sapat ng oras. Mali akong hindi ako naging mabuti sa inyong tatlo...”
“Mommy, no. You did great. You are the best.” I genuinely said.
“Humihingi ako ng tawad sa lahat ng kasalanan ko sa ‘yo, sa lahat ng pagkukulang. Sana ay bigyan mo pa ako ng pangalawang pagkakataon, anak.” Lumuluhang sambit niya.
I nodded multiple times and hugged her again. “Of course, Ma. Of course.”
“I love you, anak ko...” I cry hard again. “Mahal na mahal kita, Mommy...” I replied wholeheartedly.
Gumaan ang pakiramdam ko sa nangyari. Maayos na kami at sobrang masaya ako dahil doon. We’ve talk a lot of things. When she said that she is so proud of me, my heart melts.
Ikinuwento ko sa kaniya lahat ng pinagdaanan ko habang malayo ako sa kanila. Actually, hindi niya alam na nag-workshop ako ng ilang buwan. Walang nakakaalam kung hindi kami lang tatlo.
Nasabi ko rin sa kaniya ang balak kong pagtatayo ng art exhibit dito sa Manila. She imemdiately agreed and volunteered to help me. She looks so happy hearing my achievements.
“I just want to greet you a happy birthday, congratulations, merry christmas, happy new year, happy graduation and all the celebrations I missed that happened to you.”
She hold my hands tightly. “Sorry kung wala ako.” ang mga ngiti niya ay nagpapahiwatig ng kalungkutan at pagsisisi. I gave her an assuring smile. It’s okay, Mommy.
Inihatid niya ako sa kwarto ko para makapagpahinga. Naupo ako sa gilid ng kama. Nang ilibot ko ang paningin, nakita kong walang nagbago. Kagaya pa rin ng kwarto ko kung paano ko ito iniwan noon.
Naisipan kong magtungo sa isa dulong kwarto ng pasilyo. I missed being there. Also the first person I bring there. I opened the door and I automatically smiled.
Siguro ay wala ring nagtangkang maglinis nito dahil hindi ko sila pinapapasok dito? Hindi naman masyadong maalikabok dahil may taklob na tela, halata lang na hindi na nagagamit.
Marahan kong pinaraanan ng aking mga daliri ang bawat gamit na madadaanan ko. Hindi na ako masyadong tumutugtog sa Laguna, na-miss ko ang piano ko rito.
Nang makita ang mesa kung saan ako nagsusulat ng kanta, agad siyang pumasok sa isip ko.
Acer became more successful. But they didn’t renew their contract and chosen to disband after a seven-year contract as a group with Blade Entertainment.
Si Pier ay soloist na. Si Kyieno, choreographer na. Si Avril, isa nang artista. Si Ash, nangibang-bansa na pagka-graduate. Si Kathan, his dream finally come true, miyembro na siya ng isang banda.
Ilang buwan pa lang ang nakalilipas matapos ang disbandment nila pero nakapagsimula na ulit sila ng magkakahiwalay. Sigurado akong magiging mas successful pa sila in the future.
Masaya ako para sa kanila, lalong lalo na sa kaniya. Bata pa lang ay iyon na ang gusto niya. I am so proud that he finally achieved his dream. Alam kong masaya siya ngayon.
Tuwing nakaririnig o nakapanonood ako ng balita na tungkol sa kaniya. Hindi maiwasang magwala at mag-init ng puso ko. Natutuwa ako dahil ipinagpapatuloy niya ang bagay na gusto.
Hindi ko maikakailang may nararamdaman pa rin ako para sa kaniya matapos ang lahat. Kathan is really hard to unlove. Pero ayos na ako kahit sulyap mula sa malayo lang.
Mahal ko pa rin siya. At kung sakaling magtagpo ulit ang landas naming dalawa, hindi ako magdadalawang isip na iparamdam sa kaniya iyon kapag pwede pa.
Kung hindi na, susuportahan ko pa rin siya. That’s how much I love him. Mananatili ako kahit na nasa malayo lang. Mananatili siya sa puso at isipan ko.
He still own a big part of me, my heart. And I will never give it to anyone until I already found a reason to let go.

BINABASA MO ANG
Unseen Treasure
Teen FictionV A N Q U I S H S E R I E S 4: Unseen Treasure Sa mansion ng mga Espanto naroon at nagdidilang hangin ang isang dalagita. Ang naturingang prinsesa ng mga Espanto sa harap ng midya ngunit halos hindi na makita sa loob ng mansion ng pamilya. Sa kabila...