XXII

15 1 1
                                        

Napakagat ako sa pang-ibabang labi habang tinititigan ang test paper ko. Na-blangko ako bigla. Hindi namantotally na nawala ang lahat ng laman ng utak ko. Natira talaga si Kathan.

I don’t know why I’m thinking him right now in the middle of our exam. Some inappropriate stuffs about him is just popping in my head out of the blue.

“Kathan, stop running in my head already, babagsak ako nito...” Bulong ko, wala pa rin sa sarili.

“Last 5 minutes.” Our professor said.

Nagmamadaling sinagutan ko ang 40 items na blangko pa hanggang ngayon. Binasa ko ng mabilis at sinagutan ko ng mabilis. Tama naman siguro kasi pamilyar ang mga tanong sa akin kahit paano.

Ako ang kahuli-hulihang nagpasa. Pinagtitinginan pa ako ng iba dahil kadalasan, nauuna ako o kaya’y mas maagang natatapos ng ilang minuto bago ang naka-set na time. Nakakahiya.

Nakahinga ako ng malalim ng tumunog ang bell, hudyat na lunch na.

Hindi ko alam kung makakapasa pa ako. Puro si Kathan ang tumatakbo sa isip ko habang nagsasagot kanina. I don’t know but why did I started thinking about us having a relationship.

As in, boyfriend-girlfriend thingy. He will just gonna meet my Mom! Wala namang ibang mangyayari dapat. Ang OA ko. Hindi ko naman siya manliligaw. Nakakainis.

“Pres, kamusta? Parang wala ka sa sarili, ah.” Benj asked. Binasa ko ang labi. “May iniisip lang.” Tanging naisagot ko.

Should I tell them something about Kathan and I? I mean, we’re getting close, we are already friends, we seen each other weekly. Should I? They are my bestfriends.

“Remember Kathan Ocampo?” Bigla kong sabi. Vicen frowned. “Yeah?”

“Magkaibigan na kami.” Balita ko sa kanila. Nabakas ang gulat sa kanilang mga mukha.

“Weh? Baka naman nagf-fantasize ka lang, Pres? Idol ‘yon, Alas ka, ano?” Benj said.

Kinunutan ko siya ng noo. Hindi ba kapani-paniwala? “Oo nga. Medyo madalas kaming magkita.” Dagdag ko pa.

Vicen’s eyes turned sharper. Sa iba iyon nabaling pero nagsalita siya at ako ang kinakausap. “Nililigawan ka?” May diing tanong niya.

“Hindi, ah.” Sagot ko agad. “Hindi pa kamo.” Mapang-asar na bulong ni Benj, matawa-tawa pa.

Mas nag-iwas pa ng tingin si Vicen. I saw how his adam’s apple moved agressively, how his jaw tightened. Is he mad?

“Napaamo mo ang leon. Idol na kita, Pres!” Hirit pa ni Benj, siniko pa ang tagiliran ko.

“Leon? Kathan is nice naman, nothing to worry.” I shrugged.

“Lion kasi ang representative emoticon ni Kathan kasi similar sa leon ang personality niya.” Paliwanag nito.

“Mukhang mas kilala mo naman na siya ngayon kaysa noong una na nagtahulan pa kayo.”

Natapos ang buong araw na stress ako. Hindi ako kinibo ni Vicen kanina matapos kong magkwento ng tungkol sa amin ni Kathan.

Ramdam kong hindi niya iyon nagustuhan but I still continued kahit na alam kong maaapektuhan siya dahil umamin siya sa akin ng nararamdaman niya. Ang insensitive ko. Pero wala namang namamagitan sa amin ni Kathan.

Dumiretso ako sa ospital. Hanggang gabi ulit akong nagbantay habang nagbabasa-basa para sa exam pa ulit bukas. My brain need some rest after working for today.

I kissed Daddy’s forehead before leaving the hospital. Sabay kaming umuwi ni Kuya dahil mag-isa sa Axus sa bahay, kararating lang din kasi ni Mommy sa ospital.

“How’s your relationship with him?” Kuya Alion asked. I frowned. Mukhang nakuha niya naman na hindi ko siya na-gets kaya he spoked up again.

“Kathan. Your relationship with him.”

My lips parted. What relationship he is pointing? “We are friends. Getting closer to each other.” I answered honestly.

“Baka sa sobrang close, makita ko na lang kayong magkayakap, ah. Bata ka pa, huwag munang gano’n.” Ani pa nito.

Napalunok ako ng maalala na nagkayakap na kami. Hindi lang isang beses. Plus iyong mga gestures pa na ginagawa ng mga— uh, nevermind. Friensly touch lang naman iyon, right? May gano’n ba?

“When I turned 18, papayagan mo na ba akong tumanggap ng manliligaw?” Nagulat siya. Miski ako ay nanlaki ang mga mata sa biglang lumabas sa bibig na mga salita.

“There is no wrong on accepting suitors. Basta bawal pang sumagot ng matamis na oo. Observe if they deserve it first.”

Nang makarating kami sa bahay, nakatulog agad ako. Nagpahinga kaagad ang utak ko na walang ibang lamankung hindi ang lalaking iyon.

Pagmulat ng mga mata, siya agad ang pumasok sa isip ko. It’s Friday. Mom invited him to join us to our dinner later. Bakit ako kinakabahan? Mame-meet lang naman siya ni Mommy as one of my friend.

Nag-ayos agad ako. Kumain ako ng almusal kasama si Axus, maagang umalis si Kuya Alion dahil maaga raw ang klase niya ngayon.

“May bisita tayo mamayang gabi. Behave, ah.” Pagpapaalam ko kay Axus. “Sino po, Ate?” Kunot noong tanong niya.

I smiled. “Si Kuya Kathan mo.” Ngumiti siya at napapalakpak, mukhang natutuwa na makikita niya ulit si Kathan mamaya.

Pagpasok, si Benj agad ang sumalubong sa akin sa gate pa lang. Nagtaka ako nang hindi niya kasama si Vicen. Masama kaya talaga ang loob ng isang ‘yon sa nasabi ko kahapon?

Hindi na lang ako nagtanong at sumabay na sa kaniya papasok. Umaga pa lang ay lumilipad na agad ang isip ko, kay Vicen naman. Ano ba kasing problema niya?

Nang makita ko siyang nakaupo sa hagdan na madadanan namin, tinitigan ko ito kahit hindi siya nakatingin. Nang lumingon siya at magsagi ang mga mata namin, ngumiti ako pero nanatiling blangko ang ekspresyon niya.

Nagkatinginan kami ni Benj, tipid niya akong binigyan ng maliit na ngiti at tango.

I was about to walk towards Vicen nang may biglang humawak sa braso ko. Nagulat ako at agad itong nilingon. When I saw the guy wearing mask and cap, I knew it was him.

Pansin kong ngumiti siya dahil nanliit ang mga mata nito na siya lang nasisilayan ko. Hindi ako nakangiti pabalik agad. I looked at Vicen’s location and I didn’t find him there anymore.

Napalunok ako. Nagpaalam si Benj na susundan ang kaibigan, hindi na ako nakasagot.

I am sorry, Vicen.

Unseen TreasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon