I auditioned for a role, the main character.
Sa ilang taong pag-arte, hindi na rin ako masyadong kinakabahan. Kahit paano, nasanay na ako sa harap ng camera. I rarely made mistakes pero hindi ko rin masabing maganda.
Habang inaantay ang resulta, napagdesisyunan naming magbakasyon muna. We’re going to Batangas. Doon kami nakahanap ng resort na bilang lang ang mga taong nagpupunta.
“Ate, where’s my phone? You borrowed it earlier, what apps did you open?” Pinaningkitan ako ng mga mata ni Axus. I chuckled and messed his hair up.
Binata na ang kapatid ko. Hindi ko siya nasubaybayang lumaki at mas mag-matured ng ilang taon pero natutuwa akong hindi pa rin siya nagbabago. Mas gumwapo pa lalo at halos mas matangkad na sa akin.
Habang nasa byahe, nagk-kwentuhan kaming apat. Hindi nauubos ang kwento ni Mommy at Kuya. Si Axus ay mas naging tahimik, palaging nakasalpak sa tainga ang headphones.
“Ate, do you know this girl? She sent a friend request to me.” Tiningnan ko ang ipinakita ni Axus. “Ah, that’s your Kuya Avril’s sister. Same age lang kayo, bagay pa.”
Sinamaan niya ako ng tingin sa huli kong sinabi, natawa ako ganoon din sila Mommy. Mas naging sensitive ang bunso, mas naging mapang-asar naman ang mga nakatatandang kapatid.
Nang makarating sa resort, tulong-tulong naming binitbit ang mga gamit. Tatlong araw lang naman kami rito pero ang dala ni Kuya na gamit ay halos pang-isang linggo na.
Napangiti ako nang makita ang paligid, ang ganda. Sa Laguna, bihira akong magpahinga o magbakasyon, hindi rin naman kami nagda-dagat nila Vicen doon.
“Kuya,” tawag ko rito habang naglalakad kami. Lumingon siya sa akin at nagtaas ng kilay. “May girlfriend ka na raw?”
His eyes widened. “Huh? Wala, ah! Sinong nagsabi? Babatukan ko.” Tanggi agad nito. “Si Mommy,” bulong kong sagot.
“Joke lang pala.” Bawi niya. Natawa ako. “Ano nga?” Pangungulit ko pa. Lumapit siya at bumulong. “Hindi pa siya ready, saka ko na ipakikilala.”
I giggled. “Congrats!” Sa wakas, Kuya Alion is already 24 at ngayon lang siya nagka-girlfriend. He never tried to have one kaya naman mga babae na ang nanliligaw sa kaniya pero wala pa rin.
Pagkapasok sa kani-kaniyang kwarto, nagpahinga muna kami dahil medyo napagod sa byahe. Tig-iisa kami ng kwarto, gusto rin daw magsolo ni Axus at ayaw na maki-share kay Mommy.
Nag-aya si Mommy na maglakad-lakad daw kaming dalawa sa labas, agad ko namang sinang-ayunan. Binabaybay namin ngayon ang gilid ng dagat.
Nakaangkla ang kamay ko sa braso niya at bahagyang nakahilig ang ulo sa balikat nito.
Mommy stopped working after what happened five years ago. Mas natutukan niya sila Kuya at Axus, ako lang ang hindi pero no big deal. Ako naman ang may gusto ng ginawa ko.
Pareho naming dinadama ang payapa at magandang tanawin habang naglalakad. This is the first time we did this, I guess? Siguro noong baby ako, pero ito ang una na natatandaan ko.
“How are you, anak?” Mommy asked. “I am absolutely fine, Ma.” I replied.
“Masaya ka ba sa... ginagawa mong pag-arte?” Maingat niyang tanong. Bahagya akong natawa at umayos ng tayo. I sighed.
“Noong una, inaamin ko pong hindi gaano. Kasi alam ko sa sarili kong ginagawa ko iyon para sa inyo, para matuwa kayo. Pero noong nagtagal, masasabi kong natutuwa ako at sinubukan ko.”
She looked at me with her proud eyes. “Mahal ko na rin ang mahal niyong pag-arte sa harap ng kamera.” Sambit ko.
Masuyo itong ngumiti at hinagpos ang buhok ko. “Masaya ako para sa iyo...” She said, proud. We both looked at the sky.
“At sigurado akong masaya rin ang Daddy mo para sa unica hija niya.”
I bit my lower lip and look at the sun, mabagal na bumababa at nawawala. Napabuntong hininga ako at umupo sa buhanginan, ibinaluktot ko ang mga binti at doon umungkot. Mag-isa ako ngayon dito.
Maayos na ang buhay ko. I’m working, graduated na, may masayang pamilya at saganang pamumuhay. Pero sa tingin ko, hindi ako makukumpleto kung wala siya. Kung wala ang kabiyak ng puso ko.
Palaging sumasagi ang isip ko ang imahe niya. Wearing his favorite leather jacket and holding a drumstick. A big smile was plastered in his face.
How I wish I am beside him while he is slowly achieving his dreams. How I wish I could support him with my words and action. How I wish I could tell him how proud I am.
But I am no one but his ex. Isa sa masakit niyang nakaraan. But he will always be my greatest memories. Always.
“You’re back...”
Napantig ang mga tainga ko sa narinig. My heart skipped a beat. I can’t even move. Hindi ako pwedeng magkamali. Hindi ko narinig ang boses niya sa personal ng ilang taon, pero...
“K-Kathan...” Nanubig ang mga mata ko nang mag-angat ako ng tingin sa lalaki na nasa gilid ko. Natigilan ako nang magtama ang tingin naming dalawa.
“Our paths crossed again, Araseli.” He smiled a little.
I gulped. Hindi ko na napigilan ang sarili. I stand up and immidiately give him a warm and tight hug. My tears rolled down to my cheeks. Yakap na pang-limang taon.
Hindi ko nadama ang mahigpit nitong yakap bilang tugon. Tanging tipid na yakap lang sa baywang at halik sa tuktok ko ang ibinigay niya pero wala akong karapatang magreklamo.
Napabitaw ako sa yakap nang matauhan. Oo nga pala. Wala na kami, hindi na kami. Hindi na pwedeng ganito. “I-I’m... I’m sorry, nabigla lang ako.”
He chuckled and messed my hair up. “Mukha nga,” nag-iwas ako ng tingin sa hiyang naramdaman. I shouldn’t act like that. Limang taon na kaming tapos. “Ayos lang ‘yon, huwag kang mailang.” Anito.
I sighed and sit in the sand again, gano’n din siya. Nanghina ako bigla. Pinanusan ko ang mga luha at muling tumingin sa araw. I wasn’t able to talk, tinubuan ako ng hiya bigla.
“Kamusta ka?” I asked, basag sa katahimikan.
“Hindi ka pa rin nagbabago. Hindi ka pumapalya sa pangangamusta sa akin tuwing nagkikita tayo.” Nakangiting aniya habang nakamasid sa dagat sa harap.
“There is no reason for me to change, Kathan.” I replied.
“Kahit nasaktan kita?”
![](https://img.wattpad.com/cover/298322436-288-k241488.jpg)
BINABASA MO ANG
Unseen Treasure
Fiksi RemajaV A N Q U I S H S E R I E S 4: Unseen Treasure Sa mansion ng mga Espanto naroon at nagdidilang hangin ang isang dalagita. Ang naturingang prinsesa ng mga Espanto sa harap ng midya ngunit halos hindi na makita sa loob ng mansion ng pamilya. Sa kabila...