“Saan ka galing? Naglakwatsya ka, ano? Kawawala-wala lang ng Tatay mo, ganiyan na agad ang asal mo. Umayos ka.”
Nanikip ang dibdib ko sa narinig mula kay Mommy. Gabi na nang umuwi siya. It’s almost twelve, inintay ko talaga siya. Habang nakaupo sa hagdan.
Halata namang mainit ang ulo niya, lalo na sa akin. Ako pa rin ba ang sinisisi niya sa pagkawala ni Daddy? May kasalanan ako pero kailangan bang sa akin lahat isisi? Hindi ba pwedeng oras na talaga nito?
Ayoko rin naman siyang mawala. Who would like that? Ang gusto ko ay atensyon nila at hindi iyon
Pero anong magagawa ko? Nangyari na. Hindi ko na maibabalik at maayos pa.“Umalis ako,” pag-amin ko. “Kasi nasasaktan ako sa mga nangyayari.” Nag-iwas ako ng tingin.
I pressed my lips together. “Nahihirapan din ako, Mommy. When will you stop blaming me? Can’t you just accept the fact that he’s go—”
Nabingi ako sa lakas ng tunog ng ng kaniyang palad na marahas na dumampi sa pisngi ko. Nahigit ko ang hininga at mariing tumitig sa sahig. Pinigilan ko ang mga luhang gustong kumawala hangga’t kaya.
“How dare you for saying and talking to me like that, Araseli. Hindi kita pinalaking ganiyan.” Matigas na aniya.
“Kasi hindi naman talaga ikaw ang nagpalaki sa akin.” Marahas akong lumunok. I know this is wrong. But I can’t help but burst out. Punong puno na ako.
“Habang lumalaki ako, nasasanay ako na wala kayo sa tabi ko. Habang lumalaki ako, pilit kong iniintindi ang sitwasyon natin... Kaso masakit. Nakakasama ng loob.”
“Pamilya tayo, e... Pero bakit parang mag-isa lang ako? Bakit mag-isa kong hinaharap lahat ng problema ko?” My voice broke while saying those words.
Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko. Parang bnibika ang puso ko sa sakit. Ang bigat-bigat na ng loob ko sa lahat ng mga nangyari. Do I even deserve this? Damn, I’m tired.
“Araseli...” She called. Nang makitang natigalan siya, sinamantala ko na ang pagkakataon, tumakbo ako paakyat sa kwarto. “Araseli, come back here!”
Maga ang mga mata ko nang magising. Mataas na ang araw nang magmulat ako ng mga mata. Hindi ko alam kung gaano katagal pa akong humilata bago naisipang bumangon na. Naalala ko agad siya.
To: Kamatayan
Goodluck sa inyo, Kathan. Sending hugs, love you!I felt so down, sad and frustrated. Matapos kong maalala ang nangyari kagabi, mariin na lang akong napapikit. Mali. Hindi ko dapat ginagawa iyon. Dapat ay iniintindi ko siya.
I should say sorry so I did. “Mommy,” I knocked thrice on her room’s door. Nang walang sumagot ay tuluyan na akong pumasok.
And there I saw her lying on her bed, peacefully sleeping. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. Umupo ako sa gilid ng kama at pinagmasdan ito. She looks so tired. I bit my lower lip.
Inalis ko ang mga buhok na nakaharang sa maganda niyang mukha. “I’m sorry, Ma.” I whispered. “Sa susunod, mas iintindihin na kita kaysa sa nararamdaman ko.”
I saw her hands moved kaya maingat akong tumayo at naglakad na palabas. Kung narinig niya man, sana mapatawad niya ako.
Pagbalik ko sa kwarto, binuksan ko ang phone ko kahit nag-aalangan. Nangunguna-nguna aa notifications ang mainit-init pang interview clip ni Kathan. Nagdadalawang isip pa akong panoorin.
Huminga ako ng malalim. “I want this thing to be clear,” Kathan started.
“Hindi ko po sanasadya ang nangyari sa kumakalat na video ko at ng isang babae. Inaamin ko pong hindi maganda ang ginawa ko at hindi valid ang anumang rasong ilalabas ko, that’s why I am here to clean the mess.”
“People, I am really sorry for what I did. As a public figure and a person, I should not do that, I know. I am asking for forgiveness to my friend in the video. Acting like that is like being a bad person, too. I am sorry.”
“Sa isa pang issue na kumakalat,” napakagat ako sa labi. Kinabahan ako bigla. Alam ko na ang posibleng maging tugon niya rito.
“Hindi ko po itinanan si Araseli Espanto. Iniuwi ko siya sa bahay nila noon at hindi siya nawawala. We are... friends. That’s it.”
Sumikdo ang puso ko sa narinig.
Friends... Alam ko namang hindi niya ako kayang ilabas sa publiko. Lalo na’t hindi sila pwedeng nadawit sa kahit anong dating issues gaya ng usapan sa pagitan ng Acer at Blade Entertainment.
Ayos lang. Pero medyo masakit. Kahit alam ko nang ganito ang kahahantungan ng lahat. As long as hindi kami pumapalya sa isa’t isa. Hindi ako magrereklamo sa kaniya.
Showbiz Ph
Nag-aalab na litrato na kaugnay ng nag-aalab na issue ngayon. Kathan Ocampo kissed Araseli Espanto in front of their mansion!Ella Reyes
Sinasabi ko na nga ba, e!Jun Cruz
Tado, lakas ng apog.Mia Mae
Hindi sila bagay.What the hell. Hindi na natapos-tapos. And really? In their comeback day? Nakakapuno na.
From: Kamatayan
I’m sorry, love.Pumatak ang mga luha ko. Naninikip ang dibdib ko, ang bigat-bigat. Gusto kong magwala. I bit my lip so hard to stop myself pero gusto kong ilabas na lahat.
“Ah!” Marahas kong hinablot ang cover ng kama. Ipinagbabato ko lahat ng nahigip ko. I screamed until my lungs give out. “Pagod na ako!” Ibinato ko ang vase na hawak.
“M-May kasunod pa ba? Ibigay mo na hangga’t naiinda ko pa...” Nanghihina kong ani.
Napatulala ako sa kawalan matapos ang pagwawala. Hindi ko alam kung bakit nangyayari ito. Ano bang kasalanan ang nagawa ko noon? Gaano katindi at kailangan kong danasin ito ngayon?
Gusto ko lang naman ng simple. Bakit ganito kagulo? Sasaya pa ba ako? Magiging payapa pa ba ang buhay ko? Kasi kung oo, kailan pa? Bakit ang tagal. I’m tired. Gusto ko nang sumuko.
From: Kamatayan
Let’s meet later. Before nine. I’ll send you the loc.
BINABASA MO ANG
Unseen Treasure
Teen FictionV A N Q U I S H S E R I E S 4: Unseen Treasure Sa mansion ng mga Espanto naroon at nagdidilang hangin ang isang dalagita. Ang naturingang prinsesa ng mga Espanto sa harap ng midya ngunit halos hindi na makita sa loob ng mansion ng pamilya. Sa kabila...