XVI

16 1 1
                                    

“Pres, sama ka sa amin mag-review sa Sunday?” Alok ni Benj.

“May lakad ako, e,” sagot ko, hindi alintana ang sinabi. Natauhan lang ako ng tanungin na nila kung saan. “Huh? Saan?”

Wala na sana akong balak sabihin sa kanila na magkikita kami ni Kathan, nadulas lang naman ulit ako. Nakakainis.

“Sa... sa ospital! Magbabantay kay Daddy.” Sabi ko. Hindi naman siguro ‘to palusot dahil gagawin ko naman talaga, ‘di ba?

“Edi roon na lang tayo, hindi naman siguro nakakaabala ang pagbabasa roon?” Tanong ni Vicen.

I bit my lower lip, thinking. “What if bukas na lang? Sa bahay namin, mga hapon. Ano, g?” Tumango naman ang dalawa.

Nauna silang umuwi dahil may ipinasa pa ako sa Dean’s office. Paglabas ko ng gate, nangunot ang noo ko nang matanaw ang puting kotse namin na si Mommy lang ang gumagamit. Is she here?

Nagmamadali akong lumapit doon at hindi nga ako nagkamali, she is the one who’s driving the car. She immediately smile at me when she see me peeking at the mirror.

“Sakay na,” she said.

Naguguluhang sumakay na lang ako sa kotse, mukhang siya ang sundo ko ngayon. Wala man lang pasabi, nagulat ako. Tahimik ako sa byahe, tanging tango at iling lang ang isinasagot ko sa mga tanong niya.

Naguguluhan ako. Why is she doing this? Bumabawi ba siya? Tinototoo niya ba ang sinabi niya kaninang umaga? Kasi kung oo, hindi ko alam ang mararamdaman ko. Halo-halo ang nasa loob ko.

Wala namang bawiang mangyayari if she keep an eye on us even though she’s working. Pero hindi niya nagawa dahil mas tinutukan niya ang trabaho. At ngayon, kinakailangan niya pang gawin ito.

I know, nobody’s perfect but can she at least try to be a good and responsible mother to us? Inumpisahan na niya ngayon. Sana naman ay tapusin niya at makaya niya hanggang sa maibigay ko ang gusto niya.

May acceptance is forgiveness isn’t that easy to get. She hurt me. Lumaki akong ganito dahil sa kaniya, sa kanila. Kulang sa pagmamahal, sa alaga, sa gabay, kulang sa lahat-lahat. But I know, I’m a good person.

“Ate, kain na po. Kuya Alion is here, Mom is goin’ to hospital again.” Axus said. Tumango na lang ako, lumabas na ulit siya at maya-maya nama’y sumunod na rin sa baba.

Pagdating ko sa dining area, Mom is already bidding her goodbyes. Bukas na ang uwi niya dahil siya ang magbabantay ngayon. Halata naman sa itsura ni Kuya na naguguluhan din siya.

“Kumain kayo ng mabuti, ako ang nagluto niyan. Aalis na ako, hinihintay na ako ng Daddy niyo.” Aniya at naglakad na palayo matapos akong dampian ng halik sa pisngi.

“She’s weird, aren’t she?” Kuya whispered. Axus and I both nodded. We asked Dad’s condition to him, mabuti naman na raw. We are all waiting for him to waken already.

Pagkatapos kumain, kami na ang nagligpit. Maaga akong nagpahinga dahil ako naman ang magbabantay bukas. The good news is hindi na masyadong matunog ang balita tungkol sa pamilya namin.

Nakalalabas na ako ng wala masyadong naririnig na kung ano-anong hindi magandang salita. Sana ay magtuloy-tuloy nang lumubog ang issue. Kaso ay pagnagising si Dad, paniguradong pagpu-piyestahan na naman ito para sa paliwanag.

Dad is indeed a good man, why did he need to experinced this? Yes, he didn’t fulfill his duties as our father right but we all know how good he is. He doesn’t deserve this.

Pagkagising ko, naghanda na agad ako. Kumain lang ako sandali bago nagpaalam sa dalawa na aalis na ako. Nagpahatid ako sa ospital at agad na tinungo ang kwarto ni Daddy. Limang araw akong hindi nakapagbantay.

“Mommy,” I patted her shoulder a bit. Nagising naman agad siya. “Nariyan ka na pala.” She said when she see me, ngumiti pa ito.

Tumayo na siya at inayos ang sarili. “Kumain ka ba bago umalis? I’ll bring you food later.” Aniya. Tumango na lang ako. Nagpaalam na siya kay Daddy at sa akin bago umalis pauwi.

“Hi, Dad. Still sleeping? Hindi ka po ba nangangalay? Iniintay ka po namin...” Pagka-usap ko sa kaniya. The doctor said, talking to him like he’s awake is good.

I was just watching him all the time. Sometimes, kinukwentuhan ko siya ng mga bagay na hindi niya alam tungkol sa akin, mga nangyayari sa araw ko, at tungkol sa iilang mga kaibigan ko.

Sana kapag nagising siya, he will take time to be with us. Tutal hindi pa rin siya puwedeng magtrabaho agad. Sana ay mabigyan niya kami ng oras katulad ng ginagawa ngayon ni Mommy.

I waited ‘til 5:00 PM. Dinalhan ako ni Mommy ng tanghalian, magkasabay pa kaming kumain. Ipinaalam ko na magre-review kami nila Vicen sa bahay kaya medyo maaga akong uuwi, papalitan daw ako ni Kuya ng maaga.

Mag-a-alas sinco nang dumating ang driver kasama si Kuya. “Review lang, ha,” he whispered. “Kuya.” I glared at him. Mukha ba kaming may gagawing masama?

Pagkauwi ko, naroon na sa sala ang dalawa, kausap si Mommy at nakikipagkulitan kay Axus. Vicen and Benj is my closest friends, kaya naman close rin sila sa pamilya ko which is great.

“Hi, kanina pa kayo?” I asked. “Kararating lang din, Pres.” Sagot ni Vicen.

Inaya ko na sila sa study room para makapag-umpisa na kami. Sabi ni Mommy ay dito na raw sila maghapunan, siguro ay 2 hours lang din kaming magre-review dahil pagabi na.

Humila sila ng upuan at inilabas ang kaniya-kaniyang libro. May dala pa silang loptop. Nagku-kwentuhan kami habang nagbabasa. Buti at kahit paano’y hindi naman nagkaka-distract-an.

Maya-maya ay lumapit si Benj sa akin at bumulong na parang hindi naman talaga bulong dahil alam kong rinig din ni Vicen iyon na katabi ko lang.

“Pres, alam mo, may aaminin si Sec sa ‘yo.” Anito.

“Ay, tarantado,” Vicen muttered a curse.

Unseen TreasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon