XII

15 2 0
                                    

“Kanina, nagpa-interview si Ate Trina para magsalita tungkol sa kumakalat na balita na may affair sila ng Daddy mo.” Kwento niya.

“She admit that they have a talk but it is about Ate Trina and her desire to enter in showbiz, too. She’s asking a little help on your Dad because of his successful career.”

“Since isa ang Daddy mo sa special guest ng sinalihan ni Ate na contest, sa kaniya na rin siya lumapit ng mga oras na ‘yon at hindi na lumayo pa, kalapit na niya, e.”

Daddy already said it. Na kaya sila nag-usap ni Katarina ay dahil sa business o trabaho. Sabi ko na at hindi talaga siya nagsisinungaling. Malaki ang tiwala ko kay Dad, gayon din kay Mommy.

He reached for my cheeks and brushed it lightly. “So, stop crying. Wala kang kasalanan, okay? Walang may kasalanan.” He said softly.

But I couldn’t stop easily. Still, nabulabog sila dahil sa issue. Kathan is an idol, baka maapektuhan pa siya pagnagkataon.

“Hindi ako galit... nag-alala pa nga ako sa ‘yo nang mabasa ko ang balita tungkol sa Dad mo. How are you?” Masuyong tanong nito.

I looked at him with my puffy eyes. Umiling ako. “I-I don’t know...”

He sighed and smiled a little, niyakap niya ako ng mahigpit. “Hush. Kamatayan is always here for you...”

Magkayap lang kaming dalawa hanggang sa gumaan ang pakiramdam ko kahit paano. His hugs and his words comforted me.

“T-Thank you, Kathan.” I whispered after I recovered.

The rain stops pouring. Madilim pa rin ang paligid at may hanggang bukong-bukong na tubig sa daan. Basang-basa pa rin kami at nakaupo sa gilid na daanan.

“Feelin’ better?” He asked. I nodded. “A bit,”

Agad siyang ngumiti at pinasadahan ng masuyong hagpos ang pisngi ko. “Iuuwi na kita. Basa ka, baka magkasakit ka pa. Sir Vien will get mad.” He said.

Pagkauwi sa bahay, agad akong dinaluhan ng mga kasambahay at inabutan ng tuwalya, inabutan din nila si Kathan. Naroon sa sala si Axus, hinihintay pala ako at kanina pa hinahanap.

“Axus, this is Kuya Kathan. Kathan, my younger brother, Axus.” Tiningnan lang ni Axus ang kamay ni Kathan sa ere na gustong makipag-high five pero kalaunan ay tinugunan niya rin.

“Yaya Kia, ipaggawa niyo po kami ng hot chocolate.” Sambit ko.

Umakyat naman ako sa taas para magtungo sa kwarto ni Kuya Alion. Ihihiram ko muna sa kaniya ng damit si Kathan. Hindi ko kayang pauwiin siya ng basa ang suot, baka siya pa ang magkasakit.

Kasalanan ko rin naman kung bakit siya nabasa.

Nang makapagpalit ako, bumaba na rin ako para ibigay kay Kathan ang damit. Natuwa ako nang makitang nakikipaglaro siya kay Axus sa terrace. Mukhang nakuha na agad niya ang loob ng kapatid ko.

“Magpalit ka muna, baka ikaw pa ang magkasakit. Doon ang banyo,” ani ko. Nakangiti niyang tinanggap ang damit at naglakad pa patungong palikuran para nagbihis.

“Ate, kailan tayo babalik kay Daddy?” Axus asked. Napabuntong hininga naman ako. “Kapag may time na, Axus. You should go to school pa.” Sagot ko.

Simimangot ito at binitiwan ang laruang kotse na hawak. “Pero gusto ko po siyang bantayan...”

Lumapit ako sa kaniya at hinagpos ang malambot nitong buhok. “Kapag may oras, tayo ang magbabantay kay Daddy, okay?” Nang ngitian ko siya ay ngumiti na rin ito at muling naglaro.

I’m worried about my brother. Baka maapektuhan ang pang-araw-araw niyang gawain dahil sa mga nangyayari sa amin ngayon gaya ng nangyari noon sa akin matapos magka-issue ang parents namin.

We had our dinner with Kathan. Hindi pa umuuwi sila Mommy at Kuya. Balak ko sanang pumunta sa ospital mamaya kapag nakauwi na sila Kuya para ako naman ang humalili magbantay.

Nagpaaalam na si Kathan na aalis na dahil tumakas lang siya sa practice ngayon para puntahan ako. I really appreciate his effort on comforting me. Thanks to him.

Binuksan ko ulit ang phone ko. Pagkabukas na pagkabukas ko ng facebook account ay balita tungkol sa pamilya agad namin ang sumalubong.

Showbiz PH
Mr. Vien Esoanto, kasalukuyang nasa ospital at commatose matapos mahulog sa hagdan. Hinihinala pang nag-aaway ang mag-asawa tungkol sa balitang may ugnayan ang lalaki sa isang sikat na modelo rito sa Pinas bago nangyari ang insidente.

Carla Cruz
Marami sigurong babae si Sir Vien. Sa bagay, sino ba namang hindi magkakagusto sa late 50 na may asim pa.

Rhea Bell
Ang dami nang babaeng na-link sa Vien Espanto na ‘yan. Babaero kamo talaga. Dsurb.

Jim Angeles
Vien is a good actor and a decent man. The problem us just the people surrounds him, so toxic and judgemental. Do y’all know what really happened? Wait for his side.

I opened my messenger nang hindi ko na masikmura ang mga hate and negative comments ng mga tao tungkol kay Daddy. My Dad isn’t the man they thinking, he is kind and doesn’t deserve this.

Benj Zambrano:
Hoy, ayos ka lang?
Gsgo, nag-aalala ako, reply ka na.
Susugurin kita, pinapakaba mo ako.
Araseli, be brave. Matatapos din lahat nang ito. I love you.

Vicen Crim Vicente:
I love you, bebi. Pakatatag ka, andito lang ako.

Kasper Thanathos Agustin:
Hey, kamusta ka? Kayo?
I already know about what happened to your family.
Ate Trina is getting ready for an interview, she’ll fix this. Don’t worry.
Pupuntahan kita kapag nakahanap ako ng tiyempo.
Nag-aalala ako, sana maayos ka ngayon.

I took a deep breathe.

There are a lot of people in my message request asking about what really happened. Pero wala naman akong balak sumagot o maglabas ng kahit anong information sa social media tungkol sa totoong nangyari.

Pinanood ko ang interview clip ni Katarina Ocampo.

Katarina: Sir Vien and I didn’t related to each other. Nagkita lang kami sa isang event at nilapitan ko siya to ask some question kasi nagbabalak akong maging isang artista. I’m asking for some tips. Madilim ang location kaya akala siguro ng iba ay may masama kaming ginagawa but no, wala po. We’re just talking about work.

Katarina: To Sir Vien Espanto, magpagaling po kayo. Sana po ay makita niyo akong gamitin ang mga itinuro mo.

Unseen TreasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon