V

34 2 0
                                    

“Oh, akala ko hindi ka na papasok?” Salubong ni Vicen nang makita ako palapit sa kanila sa inuupuang bleachers.

“Ano, kasi...” Napakamot ako sa ilong. Wala naman masamang sabihin ang ipinunta ko rito, ‘di ba?

“Kanino ‘yan, Pres?” Usisa niya pa.

I was about to answer when Benj say what I’m thinking. “Teka, kay Kathan Ocampo ‘yan, ah?”

Tumango ako. Kumunot ang noo nilang dalawa, kailangan ko pa yatang mag-explain. “Oo. Naiwan niya noong isang araw tapos sa akin pinasuyo, kukuhanin niya raw ngayon.”

Ang nagtatakang hitsura ni Benj ay naging mapang-asar, ngumisi siya at sumipol-sipol pa. “Para-paraan,” pagkanta niya.

“Sus, gusto ka lang kamong makita.” Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pag-irap ni Vicen. Hindi ko na lang pinansin at inintay ang hinihintay.

Kasper Thanatos:
Omw. See you.

Magsisimula na ang laro nila maya-maya lang. Sabi rin ni Vicen na intayin ko na raw silang matapos sa laro at ililibre nila ako ng lunch. Hindi na rin ako uuwi kasi maglilinis pa sa hapon.

Nagpaalam ako sa dalawa na lalabas muna ako para tingnam kung naroon na si Kathan. Para hindi na rin siya pumasok sa loob ng school, baka pagkaguluhan pa siya ng wala sa oras.

Palinga-linga ako sa paligid hanggang sa may itim na van ang huminto sa harap ko. Bumukas iyon at bumungad sa akin ang naka-itim na hoodie, black pants, black cap, white shoes at mask na si Kathan.

“Good morning, Pres,” he greeted. I smiled a bit and greet him, too.

Inilahad ko sa kaniya ang itim na leather jacket na hawak. He pulled down his mask and smiled at me. Inabot niya ang jacket pero hindi ko inaasahang kasama ang kamay ko sa aabutin niya.

“Teka—” Huli na. Sumarado ang van nang kasama niya ako sa loob. Gulat at naguguluhan ko siyang tiningnan. Binawi ko ang kamay ko sa nakangising lalaking kasama ko. Ano bang trip niya?

“I’ll treat you, pa-thank you for keeping my jacket.” Aniya. Sinagot agad ang tanong sa utak ko na hindi pa naisasaboses ng bibig ko.

I shake my head. “Hindi na kaila—” He put his index finger in the middle of my lips to stop me from talking.

“You don’t know how this jacket means to me... Importante ‘to... K-Kay Papa ito.” Mahinang sambit nito.

Bahagya akong nabigla. May bahid ng lungkot na ang histura niya. Ang jacket ba na iyon ay alaala ng Papa niya? I heard, his father is gone.

Matamis siyang ngumiti pagkatapos. “At dahil inalagaan at itinabi mo, nagkautang ako sa ‘yo. Babayaran ko lang.”

Napatango na lang ako at hindi na umimik pa. I looked at my watch, It's already 9:30 AM, paniguradong start na ng laro nila Vicen. Hindi na ako makakapanood, inaya pa naman nila ako.

I typed a message to Vicen about what happened earlier. Sinabi kong susubukan kong makabalik bago ang lunch. Mamaya niya pa iyon mababasa, aabot naman siguro ako.

Tahimik kami buong byahe. Hindi ko nga alam kung saan niya ako dadalhin. Hindi ko rin naman matanong. Mukha naman siyang mabuting tao, hindi naman niya siguro ako ipapahamak.

Nanlaki ang mga mata ko nang pagdilat ng mga mata ko ay boundery na ng Batangas ang sumalubong sa akin. Where the hell are we? Ang layo na nito sa Manila!

“Malapit na tayo,” he whispered. “Saan ba tayo pupunta? Bakit ang layo na natin? Okay na ako sa kape!” I exclaimed.

“Chill. Hindi kasi ako pwede sa ma-tao, kasi alam mo na... Kaya dadalhin kita sa rest house namin dito sa Batangas.”

“Kathan!” Akala ko ba ay ililibre niya lang ako. Ano namang gagawin namin sa rest house nila? Oh my God, hindi naman siguro kami magtatagal, ‘di ba? Hindi ako umaalis ng walang paalam!

He grinned. “Pinagpaalam kita.”

Namilog ang mga mata ko. Pinagpaalam niya ako kila Mommy at Daddy?! “What the he—” Tinakpan niya ang bibig ko gamit ang malambot niyang kamay. Nagpumiglas pa ako pero hindi siya nagpatinag.

“You shouldn't say that word. Bad Araseli Soley.” Bulong pa niya.

Kumunot ang noo ko at padabog na inalis ang kamay niya sa bibig ko. Nakakainis. Nakaka-wala sa mood. Bakit kasi kailangan pa akong dalhin sa Batangas? Hindi na naman niya ako kailangang bayaran!

Ilang minuto pa at huminto ang van na sinasakyan namin. Ngayon ko lang napansin ang harang ng driver’s seat at nitong upuan sa likod. Hindi naman siguro nakita ni manong na driver na ginano’n ko ang idol na ‘to, ‘di ba?

He opened the door, hinintay niya pa akong makababa at siya na rin ang nagsara. Inilibot ko ang mga mata sa paligid. Nasa rest house na nga nila kami, he wasn't joking!

“Bakit mo ba kasi ako dinala rito?” I asked, again and again.

“You looked stress. You need some fresh air and relaxing environment so here you go. Just enjoy, Araseli.”

I sighed. “How can I freakin’ enjoy this?” I exclaimed.

“Don’t worry, prepared ako.” Aniya atay kinuha sa likod ng van. May dala siyang shopping bags pagbalik.

Naglalakad kami ngayon papunta sa mga kwartong pwedeng tuluyan. I helped him with the shopping bags without saying anything. Naiinis ako na hindi.

“Emotionally and mentally tired, right?” He asked. I looked at him and our eyes met, he smiled. I decided not to answer his question, hindi na rin naman siya nangulit.

“Here’s your key.” He handed me the key. Magkatabi lang naman ang kwarto namin.

“Magtatagal ba tayo rito?” I asked calmly. Siguro nga, kailangan ko ito. Ie-enjoy ko na lang kagaya ng sinabi niya, kagagawan niya naman ito.

“Iuuwi rin kita bago dumilim.” Sambit nito. Tumango ako. Bahagya pa akong nagulat nang hawakan niya ang pisngi ko at marahan itong hinimas, binawi niya rin naman agad.

Pagpasok ko sa kwarto, I locked the door and opened my phone.

Vicen:
Tarantado. Kinidnap ka, Pres?!

Unseen TreasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon