Nagiging daily routine ko na yata ang pagsusulat dito sa journal. Ewan ko, ginaganahan na talaga akong magsulat. At tsaka everyday, may mga bagay na nangyayari sa buhay ko na ayaw kong kalimutan at gusto kong mabalik-balikan.
Sabay ulit kaming nag-lunch ni Melanie kanina-Mel na pala. May mga kabarkada siyang babae simula first year at second year pa na nagtataka kung bakit saakin na siya sumama ngayon. Sabi naman ni Mel, okay lang daw 'yun. Matagal naman na raw niya kasing gustong humiwalay sa kanila.
Isa pa, hindi raw kasi ako katulad ng iba. Hindi ako plastik, hindi ako nagpapanggap at hindi ako trying-hard. Siya lahat may sabi 'nun ah! Para saakin, ganun din siya.
Kahit na madalas-palagi pala-na hindi ako umiimik sa mga pinagsasabi niya, okay lang sa kanya. Pero minsan kapag ako naman ang may gustong sabihin sa kanya tulad ng 'Pwede ba, tumahimik ka na?', kahit hindi ko sabihin ay alam na niya agad. Kaso mga 15 seconds lang siyang tatahimik at magsasalita na naman. Ang kulit!
But to be honest, nawala na talaga 'yung pagka-irita ko sa kanya. Nag-eenjoy na ako sa company niya. Minsan nag-eenjoy na rin talaga akong makinig sa mga kwento niya. Ganito pala 'yung feeling na magkaroon ng kaibigan. Masaya.