Lumipas din ang election week. As usual, 'yung buong partly list nina Amanda ang nanalo.
Anyway, back to normal na ulit pero dahan-dahan na rin kaming kinukundisyon ng mga teachers namin sa nalalapit namang First Quarterly Exams. Ayon sa school calendar, sa August 6-7 na iyon. At dahil mga graduating students na kami, hindi pwede ang papetik-petiks na lang.
Habang pinapasulat kami ng mahabang notes kanina, bigla namang nawalan ng tinta ang ballpen ko. Kakasulat ko ito sa journal na ito. Medyo nagpanic na nga ako dahil wala pa naman akong dalang extra pen.
Habang iwinawasiwas, hinihipan at dinadasalan ko na 'yung buset kong ballpen, napansin ako ng kaklase kong lalaki na nakaupo sa bandang likuran ko. Kinalabit niya ako at parang natatawa pa sa pinaggagawa ko. Pero kahit ganun, kusa niyang ipinahiram sa akin ang extra pen niya kahit hindi ko naman sinabi.
Sa katunayan, itong G-Tec niya ang gamit ko hanggang ngayon. Ang ganda pala nitong ipansulat. My journal likes it!