Hanggang ngayon, hindi pa rin kami nag-iimikan ni Deane. Nasa iisang grupo nga lang kami pero para kaming estranghero sa isa't isa. Nararamdaman ko ang tensyon. Sadyang iniiwasan niya ako at hindi talaga kinakausap. Syempre ganun din ako sa kanya. Ni tingin sa direksyon niya ay hindi ko ginagawa.
Patigasan kami. Kunwari walang pakialam. Pero deep inside apektado na talaga. Lalo na ako.
Habang may pinapasulat na namang mahabang notes sa amin si Mrs. Salvanera, sa dating gawi niya si Kasper na sa akin naman kumukopya. Noong una tahimik lang siya. Nakikiramdam. Pero 'di rin nagtagal, hindi na niya napigilan magtanong.
KASPER: Mag-kwento ka naman. Ang tahimik mo eh.
AKO: Hindi ka pa nasanay?
KASPER: Ang tahimik niyo ni pards.
AKO: Ang daldal kaya niya kanina.
KASPER: Sa amin. Pero kayong dalawa, hindi nag-iimikan. LQ?
AKO: Sira!
KASPER: (Natawa) Hindi nga. Anong meron?
AKO: (No comment)
KASPER: Magseselos na talaga ako niyan. Magkaibigan tayo at parang kuya mo na rin pero hindi mo man lang ako masabihan ng problema mo.
AKO: Ikaw? Kuya ko?
KASPER: Mas matanda naman talaga ako sa 'yo. Kaya sige na, ano bang problema?
AKO: Nag-away kami ni Deane kahapon. Noong uwian, tumambay pa muna kaming dalawa tapos... nagalit siya sa akin.
KASPER: Siya talaga ang nagalit sa 'yo? Bago 'yun ah.
AKO: Parang gusto niyang kilalanin ko si Sticky Guy.
KASPER: (Biglang napaubo) Ano? Gusto niya talaga 'yun? Siya mismo ang nagsabi?
Ikinwento ko nang lahat kay Kasper ang nangyari. 'Yung tungkol sa sulat, sa handwriting na kapareho rin ng kay Sticky Guy, at ang naging sagutan namin ni Deane. Nang malaman itong lahat ni Kasper, parang sumakit ulo niya. Parang mas namroblema pa siya.
KASPER: Minsan, ang gulo rin ng utak ni pards. Gusto ba niyang maging tulay sa inyo ni Sticky Guy? Sarap bangasan ng mukha ha!
AKO: (Hindi alam kung matatawa o matatakot)
KASPER: Pero Stacey, pareho naman kasi kayong may punto.
AKO: Pero sino bang tama?
KASPER: Pareho kayong tama. 'Wag kang magagalit pero kilala ko si pards. Sigurado kong naiintindihan niya ang punto mo. Ikaw ang dapat kong tanungin. 'Yung punto ba niya, naiintindihan mo?
AKO: Desisyon ko na ayaw ko talagang makipagkilala kay Sticky Guy. Bakit hindi niya respetuhin 'yun? Bakit kailangan magalit siya?
KASPER: Ang hirap ipaliwanag pero isipin mo na lang ang naging experience ko noong hindi pa ako nakakapagtapat kay Ara. Ang sakit kaya sa pakiramdam noong iniisip kong parang hangin lang ako na hindi niya nakikita. 'Yung kahit isang tingin o ngiti man lang, hindi ko makuha. At sa bawat araw na nagdadaanan na hindi ko mailabas ang nararamdaman ko, mas lalo pa siyang lumalim. Napapasabi na nga lang ako ng 'Bahala na! Basta masabi ko na lang talaga!' Kasi kung mabasted man, at least sa kanya na mismo nanggaling ang sagot. Kung masaktan man, at least pwede na akong mag-move-on. Tingin ko, parang ganun din ang dahilan ni Deane kasi nakaka-relate siya kay Sticky Guy. Hindi siya galit dahil ayaw mong makipagkilala. Nagalit siya kasi parang wala kang pakialam na makasakit ka. 'Yung kahit simpleng effort na lang, binabalewala mo. Binabasura mo ng ganun-ganun na lang ang feelings ng ibang tao.
Natigil na ako sa pagsusulat ko 'nun. Hindi ko namalayan na habang nakikinig sa mga sinasabi ni Kasper, may namumuo na ring luha sa mga mata ko. Ang lalim ng hugot niya!
Ganundin pala ang nararamdaman ni Deane at wala akong kaalam-alam. Pero pasalamatako kay Kasper, naiintindihan ko na ang pinanggagalingan niya. Alam ko na rinang dapat gawin.