Nilapitan ako ulit ni Deane noong recess namin. This time, sa tabi ko na talaga siya naupo kaya nahawakan niya ako sa braso bago pa man ako makaalis. May offer din siyang dalawang balot ng potato chips: 'yung classic at 'yung bagong tinda na salmon sushi with wasabi flavor.
Hindi pa man ako nakakapagtanong, nauna na siyang magsalita, "Sorry at suhol ito."
'Yung classic potato chips ay peace offering niya. Nag-sorry siya sa mga 'kasalanan' niya saakin noong third year kami.
1. Noong na-late raw siya na ipagtanggol ako sa mga nambu-bully saakin.
2. Noong hindi niya ako nadamayan nang mamatay si Mel.
3. Noong hindi na niya natuloy ang pakikipag-kaibigan saakin. Hindi raw niya alam kung paano ako lalapitan.
'Yung potato chips na SSW flavor (paikliin na natin dahil sobrang haba) naman daw ang suhol. Suhol dahil seryoso na siya ngayon. Pipilitin niyang maging friends kami ano man ang mangyari.
Dinuro ko siya pero hindi ako nagsalita. Kaya noong inakala niya lang na may itinuturo akong direksyon at lingunin niya ito, doon ako nakahanap ng pagkakataon para takbuhan ulit siya.
Nang makalayo na ako, saka ako nanghinayang dun sa dalawang balot ng potato chips! Sayang! Pero magpapakatatag ako! Hindi ko kailangan si Deane at ang sorry at suhol niya!