119: Kusang Loob

146K 2.6K 288
                                    


Nagising ako ngayong araw with 15 missed calls and 22 messages sa phone, at may 35 messages pa sa chatbox na na-seen ko lang lahat. All coming from Deane.

Matapos ang party kahapon ni Ate Jean, ihahatid niya sana ako pero humindi ako. Tapos 'yun na. Pinutakte na niya ako ng pangungulit niya. Ewan ko nga rin ba kung bakit wala akong ganang kausapin siya. Hindi ako galit sa kanya. Sadyang wala lang talaga ako sa mood.

Pero buong araw, hindi niya ako tinigilan. Hanggang sa mag-PM ulit siya sa akin and this time may kasama pang picture.

"Nasa clubhouse ako ng subdivision niyo. Bumili ako ng limang balot ng potato chips at ilan pang maaalat na pagkain na bawal sa akin. Puntahan mo ako ngayon kung hindi, kakainin ko ang mga 'to."

Hinayupak 'to! Pinagbabantaan niya ba ako? Seen lang ulit ang message niya. Ngunit makalipas ang five minutes, may bagong message at picture akong na-receive.

"Nakaubos na ako ng isang balot ng potato chips. Uubusin ko talaga 'to kapag hindi ka dumating."

Tsk! Wala talaga ako sa mood kaya nagmatigas pa rin ako at hindi ko siya pinansin. But after almost one hour, nag-send siya ulit picture na ubos na niya lahat ng pagkain pero may message siyang parang nagmamakaawa na.

"Sinisikmura na ako, Yecats. Tulungan mo ako, please."

Ayun na nga ba ang sinasabi ko! Kargo de kunsensya ko pa ngayon kapag may nangyaring masama sa kanya! Pero 'di ko na rin natiis. Nagpunta na ako sa clubhouse at una kong natanaw ang motor niya. Sa katabing bench natagpuan ko naman siyang nakahiga. 'Yung isang braso niya, nakatakip sa mata niya at 'yung isang kamay naman ay nakapatong sa tyan niya. Hinapas ko siya paglapit ko kaya napabangon siya dahil sa gulat.

DEANE: Yecats! Dumating ka!

AKO: Sira ulo ka eh! (Saka ko siya piningot sa patilya)

DEANE: A—aray!

AKO: Isusumbong kita kay Ate Jean, kala mo!

DEANE: Sorry na. (Humawak sa kamay ko) Kailangan kong magpahinga.

AKO: (Napabuntong hininga na lang) Uminom ka na ba ng maraming tubig at gamot mo?

DEANE: (Tumango)

Bumuntong hininga ulit ako na naupo na lang din sa tabi niya. Nagulat lang ako nang mahiga na siya ulit at ginawa niyang unan ang hita ko. Gusto ko siyang itulak pero 'di ko nagawa.

AKO: Bakit ka ba nangungulit?

DEANE: Galit ka eh. Hindi ka nagre-reply.

AKO: Wala akong load.

DEANE: Hindi mo sinasagot mga tawag ko.

AKO: Lowbat din ako.

DEANE: Hindi pwedeng mag-charge?

AKO: Tinatamad ako.

DEANE: Sini-seenzone mo ako!

AKO: Lagi naman, 'di ba?

DEANE: (Napaisip) Oo nga noh? Kahit kailan, hindi nagrereply sa mga chat ko! (Saka siya nag-pout na parang bata) Pero galit ka talaga dahil hindi ko agad nasabi sa 'yo ang tungkol sa Canada .

No comment ako nang sabihin niya 'yun. Bumangon siya tapos tinitigan niya ako. Nang umiwas ako ng tingin, humawak siya sa pisngi ko para ibalik sa direksyon niya ang aking tingin.

DEANE: Sorry na, Yecats. This time wala akong ibang dahilan. Hindi ko lang talaga alam kung paano sasabihin sa inyo—sa 'yo.

AKO: Pero bakit kasi kailangan mong umalis? Iiwan mo rin ako... gaya ni Mel.

DEANE: Grabe ka. Hindi naman ako mawawala ng habang-buhay. Elementary pa lang ako, plano na talaga ng buong pamilya na doon ako pag-aralin. Pero after four to five years, babalik naman ako.

AKO: Paano naman kapag...

DEANE: Kapag...?

AKO: Kapag natuloy ang pagsunod sa 'yo ni Amanda?

DEANE: (Natawa) Yiieh! Yecats, nagseselos ka na naman?

Tinignan ko lang siya ng masama dahil ang totoo, hindi ko na alam ang isasagot ko. Oo, nagseselos ako. Pero hindi ko na sigurado kung bilang best friend pa rin ba o higit pa.

AKO: Kalimutan mo na. Good luck na lang sa flight mo.

DEANE: Ang layo pa 'nun eh. After graduation pa.

AKO: (No comment)

DEANE: Babalikan kita, 'yan ang sigurado. Ang tanong, hihintayin mo ba ako?

Matagal akong nanahimik para mag-isip. Sa huli, wala akong ibang nasabi kundi...

AKO: May choice ba ako? Malamang maghihintay talaga ako.

DEANE: Pero hindi lang 'yun ang ibig kong sabihin!

Biglang tumayo na si Deane at nag-ayos ng kanyang sarili. Mukhang na 'yung pakiramdam niya kaya nga sumakay na siya sa motor niya. Pero bago siya nagpaalam, tinapos na niya 'yung sinabi niya.

DEANE: 'Wag ko lang mababalitaan na nilabag mo ang 7B's mo! Hanggang sa makabalik ako, bawal kang magpaligaw at 'wag kang magbo-boyfriend.

Nang makaalis na siya at makabalik na ako rito sa bahay namin, naiisip ko pa rin ang linyang 'yan. Parang si Papa lang kung mag-utos pero kahit na alam kong si Deane lang naman ang nagsabi, kusang loob ko itong susundin.

Hanggang sa araw na iyon, hihintayin ko siya. At baka sakali, kung hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman ko, maamin ko rin sa kanya na siya pa lang ang unang lalaking nagustuhan ko ng ganito.


Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon