CONTINUATION ULIT...
Hay! Nakakapagod! Alas-ocho na ako nakauwi. Pero buti na lang natapos namin 'yung flyers. Medyo nagbago na rin ang tingin ko kay Deane. Hindi naman pala siya tulad ng inaakala ko. Hmmmm... paano ko ba sasabihin? Parang ganito kasi ang nangyari kanina:
MEL: Hindi ba magagalit si Amanda na hindi ka sumabay sa kanya pag-uwi?
DEANE: Okay lang 'yun. Para naman sa kanya 'tong flyers.
MEL: Grabe noh? Akala ko hindi ka na niya sasagutin.
DEANE: (Natawa) Akala ko din.
MEL: Wag kang magagalit ha. Kaya ka lang siguro niya sinagot ngayon dahil alam niyang mage-eleksyon. Hindi ko talaga gusto ang ugali ng babaeng 'yun eh. Noong una pinapaasa ka niya. Tapos bigla ka na lang sasagutin ngayon! Ano bang nakita mo sa kanya? Pero ang mas nakakainis, 'yung ginawa niya kay Stacey kanina! Sa susunod na awayin pa niya 'to (sabay akbay saakin) hindi lang kutos ang aabutin niya saakin! Pati mga kabarkada niyang simisipsip lang sa kanya! Nakow! Papuputukin ko lalo 'yung mga pisngi nilang putok na sa blush on!
Ang daldal talaga ni Mel. Kahit kailan, walang preno ang bibig. Tapos ang brutal pa. Akala mo gangster eh!
Pero nakakapagtaka lang na tahimik si Deane at hindi man lang niya pinagtanggol ang girlfriend niya pati ang mga kaibigan nito. Ibig sabihin ba, totoo lahat ng sinabi ni Mel? Ngumiti na nga lang siya at tumingin saakin. Ako naman, walang imik gaya ng dati. Kunwari walang pakialam sa usapan nila...
DEANE: (Change topic) Siya nga pala, kailan pa kayo naging BFF?
MEL: Kami ni Stacey? Noong nalaman ko ang sekreto niya sa diary niya!
AKO: MEL!!! (Tapos pinandilatan ko siya)
DEANE: Woah! Nagsalita siya!
MEL: Gago ka? Malamang nagsasalita siya!
DEANE: Bakit hindi mo ako kinakausap?
AKO: (No comment. Nahiya. Plakda)
DEANE: Stacey!? Oy, hindi ka na naman nagsasalita? (Sumimangot)
MEL: Hahaha! Kasi hindi pa kayo friends!
DEANE: Ang daya! Gusto ko ring maging friends kami!
Actually... hindi ko na sigurado kung sinabi ba talaga niya 'yun o namali ako ng pandinig.
MEL: Wag kang mag-alala, Deane. May chance naman na maging magkaibigan kayo ni Stacey as long as hindi mo siya uubusan ng potato chips.
Noong banggitin na ni Mel ang tungkol sa potato chips, natawa ng sobra si Deane. 'Yung tawa na unang beses ko pa lang nakita at narinig.
DEANE: Promise, Stacey! Wala na talaga akong balak ubusan ka ng potato chips! Gusto mo ilibre pa kita ngayon!
Kaya ayun. Kaya ko nasabing ibang tao pala siya. Mabait naman pala talaga. At gusto niya akong maging kaibigan. Bukod kay Mel, siya palang ang pangalawang tao na gustong makipagkaibigan sa tulad kong weirdo. Tinuloy niya rin ang paglibre saakin ng potato chips. Happy kiddo!