35: Paalam Na

218K 4.3K 901
                                    


Kauuwi ko lang galing sa libing ni Mel. Ilang gabi na akong walang tulog. Namumugto pa ang mga mata ko ngayon. Pagod na pagod na rin ako sa kakaiyak. Pero bago ako magpahinga, gusto kong isulat 'to para kahit papaano ay mabawasan ang bigat ng nararamdaman ko.

Noong huling gabi na buhay pa si Mel, kasama ako na nagbantay sa kanya. Ang bait saakin ng parents niya at pinayagan nila akong maki-overnight sa ospital para makasama ko siya.

Noong nakatulog sila at ako na lang ang natitirang gising, biglang nagising si Mel. Noong umpisa, hindi pa niya ako nakilala. Pero dahil daw tahimik lang ako na nakatitig sa kanya, nalaman na niyang ako 'yun. Hindi raw kasi nagsasalita.

May inamin siya saakin. Matagal na niyang alam na may taning ang buhay niya. At noong una, kaya niya raw ako kinaibigan ay dahil kasama ito sa bucket list niya. 'Befriend the weirdest person in school.' Ako raw 'yung weirdest person na 'yun.

Nakipagkilala at nakipagkaibigan na siya saakin. Pero hindi rin nagtagal, na-realize niyang hindi na lang ito para sa ikakukumpleto ng bucket list niya. Dumating sa punto na misyon na niyang protektahan daw ako at turuan na maniwala sa 'LOVE.'

Sinagot ko siya, "Naniniwala naman ako sa love. Love in friendship. Love in family. Love in God."

Nagulat siya 'nun. First time ko lang daw magsalita ng ganun kahaba! At nag-joke pa ang loka na hindi naman 'yun ang 'love' na tinutukoy niya. Sandali pa kaming nagtawanan pero naging seryoso ulit siya.

MEL: Stacey, alam ko balang araw mahahanap mo rin ang love na tinutukoy ko. Kaso baka hindi mo na ako kasama kapag dumating ang panahon na 'yun.

AKO: 'Wag ka ngang magsalita ng ganyan.

MEL: Kapag namatay ako, okay lang na magluksa ka. Okay lang na magtampo ka. Okay lang na magalit ka. Pero 'wag mo lang masyadong tagalan. 'Wag mong isisi sa mundo ang pag-iisa mo. Bigyan mo ng chance 'yung mga tao sa paligid mo. Malalaman mo naman kung sino ang totoo at hindi sa kanila. At tsaka iga-guide naman kita at babantayan palagi. Maraming tao ang darating sa buhay mo na malalaman kung sino ang tunay na ikaw at gugustuhing maging kaibigan mo. 'Wag mo silang pakakawalan, Stacey. Papasukin mo sila sa buhay mo. At kung may aaway naman ulit sa 'yo, 'wag kang mag-alala. Ako pa rin ang resbak mo. Mumultuhin ko sila para sayo. Pero sana, matuto ka ring lumaban. 'Wag mong hayaan na api-apihin ka nila.

Tumango ako at nangakong tatandaan ko lahat ng mga sinabi niya. Pero may pang-huli pa siyang sinabi.

MEL: At lagi mong tatandaan na love na love kita, Stacey. Sayang lang dahil kung naging lalaki ako, siguro ako na lovelife mo ngayon. Alam ko kasi kung gaano ka kaganda sa panlabas at panloob mong anyo. But for sure, hindi na rin magtatagal at makikita na rin ng ibang boys 'yan. And I'll be there somewhere na mapapasabi na lang ng, 'Ayiiiieh! Si Stacey luma-lovelife!'

Naiiyak na talaga ako 'nun pero hindi matuloy dahil natatawa rin ako sa mga pinagsasabi niya. Kung dati naiinis ako sa panunukso niya, ngayon I feel so blessed and touched. Hindi ko kasi ini-expect na makakarinig ako ng mga ganoong salita mula sa isang tunay na kaibigan.

Pagkatapos ng mahabang speech ni Mel, humiling siya na ikuha ko siya ng inumin kasi nauuhaw raw siya. Bumili na rin daw ako ng potato chips dahil mukhang stress na stress na ako.

Nagmadali akong pumunta sa vendo machine para bumili ng tubig pero walang potato chips. Sabi ng nurse na dumaan, sa canteen lang daw meron 'nun. Kailan ko pang bumaba.

Kahit na gusto kong bumili at makakain ng potato chips ng mga oras na 'yun, isinakripisyo ko na lang dahil gusto kong balikan agad si Mel. Balak ko nang makipag-kwentuhan talaga dahil tingin ko ay marami na talaga akong masasabi.

Kaso pagbalik ko, puno na ng ibang tao ang kwarto niya. Nagsimula na ring mag-iyakan ang mga magulang niya habang pilit siyang nire-revive ng mga doctor.

Sobrang bilis ng mga pangyayari. Natagalan bago ako nakapag-react. Ni hindi ako agad nakaiyak. Basta napasalampak na lang ako sa sahig at nagtataka. Hindi makapaniwala.

Noong dinala na siya sa morgue, doon lang ako nakahanap ng oras para mapag-isa. Saka pa lang din nagsimulang bumuhos ang lahat. 'Yung iyak ko. 'Yung lungkot ko. 'Yung pagsisisi ko.

Ni hindi ko man lang nasabi sa kanya kung gaano ko siya kamahal as my best friend. Ni hindi ko man lang nasabi kung gaano ako ka-thankful na ako 'yung napili niyang'weirdest person in school' kasi kung hindi naman niya nakitang weirdo ako, hindi kami magiging magkaibigan.

Parang alam ko na rin ang feeling kung paano ang ma-brokenhearted dahil sa paglisan ng isang kaibigan. At ang tanong ko ngayon sa sarili ko, paano ko ulit sasanayin ang sarili ko na mag-isa ulit?

Sino nang lalapitan ko? Sino nang kakapitan ko? Sino nang kaibigan ko? Ayaw kong bumitaw pero tingin ko, hanggang dito na lang muna.

Nagpaalam ako kay Mel. At magpapaalam na rin muna ako ng pansamantala.




Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon