125: Bitag

127K 2.2K 135
                                    


Tanghali nagsimula ang meeting with the school officials. Naroon ako, ang parents ko, ang parents ni Amanda at si Deane na nag-iisang witness sa nangyari.

Una nilang hiningi ang side ko tungkol sa nangyaring aksidente. Nagsabi ako ng totoo—na nahulog si Amanda dahil hinawi ko ng malakas ang kamay niya. Sinabi ko rin na hindi ko sinasadya 'yun. Na kung papipiliin, mas gugustuhin ko pang sana ako na lang ang nasa kalagayan ni Amanda ngayon.

Sunod na hiningian nila ng pahayag si Deane. Nagulat lang ako sa naging kwento niya. Magkaiba kami. At hindi ko alam kung bakit 'yun ang sinabi niya.

Matapos naming ibigay ang magkaibang sanaysay namin, pinalabas na muna kami ni Deane para magkaroon ng deliberation ang school officials kasama ang parents namin.

Sumandal ako sa may pader habang naghihintay. Tinabihan naman ako ni Deane pero tumingin ako sa kanya, at lumayo sa kanya. "Ano bang ginagawa mo?" tanong ko sa kanya. Disappointed ako. "Bakit mo pinagtatakpan ang kasalanan ko?"

"Yecats, hindi kita pinagtatakpan. Nagsasabi lang ako ng totoo," giit naman niya. "Kitang-kita ko na noong hinawi mo ang kamay niya, nakatayo pa siya 'nun. Pero noong pinilit na niyang sumunod sa 'yo, siya ang nagkamali sa pagtapak niya sa hagdan kaya siya nahulog." Saka siya humawak sa balikat ko, "Wala kang kasalanan kaya pinagtatanggol kita."

Matapos ang higit kalahating oras, muli kaming pinapasok sa meeting room. Sinabi nina Mr. & Mrs. Dioso na pareho ang naging pahayag ni Deane at ng anak nilang si Amanda. Hindi ko raw talaga kasalanan ang pagkahulog ni Amanda.

Ngunit hindi rin naman daw mangyayari ang aksidente kung hindi kami nag-away sa lugar na iyon kaya imbes na expulsion, suspension for one week lang ang punishment ko.

Doon natapos ang problema ko. Makaka-graduate pa rin ako.

Pero ang problema sa puso ko, hindi ko pa rin alam kung paano aayusin. Pakiramdam ko, nahulog ako sa isang bitag na hindi ko na kayang takasan.

Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon