70: Karma

153K 3K 189
                                    


Nagbunga na ang ginawa ko. Kanina sa hallway, nang magkasalubong kami ni Deane, hindi niya ako pinansin at nilampasan lang ako. Noong nasa classroom naman, hindi na rin ako kinukulit o kinukausap ni Kasper.

Ganito pala ang pakiramdam kapag wala na silang pakialam sa 'yo. Ang sakit, sobra. Pero ito na ang karma ko. Mas bagay na lang talaga na mag-isa ako. That way, malalayo sila sa kamalasan at problemang palaging nakasunod sa akin. That way, mapo-proktetahan ko sila.

Dahil hindi ko na rin naman na kailangan magtago sa hagdanan, sa cafeteria na ulit ako kakain. Isa pa, miss na miss ko na rin ang potato chips. Kakain na lang ako 'nun at baka sakaling um-okay ang pakiramdam ko.

Kaso pagdating ko sa pila ng bilihan, naubusan na pala sila ng stock. Agad na pumasok sa isip ko na pinakyaw siguro nina Deane at Kasper 'yun kaya pasimple kong hinanap kung saan sila naka-pwesto.

Ayun. Nakita ko nga sila. Kumakain ng potato chips at may kasama ng iba. Ka-chikahan nila si Ara Vicencio. Kailan pa kaya sila naging close na tatlo? Biglang nanikip ang dibdib ko. Dahil yata nabigo ako sa potato chips. Oo. 'Yun nga yata.

Pero bakit naiisip ko 'yung linya ni Toni Gonzaga sa movie nila ni Piolo Pascual? 'May iba na! May iba na!'

Hay. Nagjo-joke ba ako o ano? Pero may iba na talaga sila. Makabalik na nga lang ulit sa hagdanan. 


TO BE CONTINUED...


Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon