Sa pagpatak ng alas-dose, sunud-sunod na ang messages at tawag mula kina Kasper, Ara, Mina at Rose para batiin ako ng 'Merry Christmas.' Kahit si Liam, hindi rin ako nakalimutang batiin through chat. Friends na rin kasi kami sa FB. Ito ang unang pagkakataon na sa okasyong ito, may mga kaibigang nakaalala sa akin.
Nag-text din ako ng simpleng greetings ko kay Deane, kaso hindi naman siya nag-reply. Wala man lang paramdam. Nakakadismaya pero hindi na rin ako umaasa. Baka kasi busy.
CONTINUATION...
Lagpas ala-una na ng madaling araw nang may dumating pang 'di inaasahang bisita. Pagbukas ni Papa ng gate, bumungad si Deane. Si Mama na akala mo batang nakakita ng Santa Claus, nagsisigaw na rin para tawagin ako. Hindi niya alam na nasa likod lang pala ako.
Nang humakbang na ako para harapin si Deane, tanging kurap lang ng mga mata ang naging salubong niya sa akin. Nakatitig siya sa buhok ko, hindi ko mawari kung babatiin niya rin ba ito gaya ng ibang nakakita na sa akin.
Aayain pa sana ni Mama na kumain si Deane pero saglit lang pala ito at hindi pwedeng magtagal dahil mag-isa lang ang Ate Jean niya sa bahay nila. Bale nagpunta lang talaga siya para personal na batiin ang parents ko at dahil may ibibigay rin daw siya sa akin.
Nagpasya akong sa labas na kami ng bahay mag-usap para tahimik. Naupo kami sa pahabang upuan sa tapat lang ng gate namin at doon nag-usap.
DEANE: Alam kong naunahanan na ako nina pards sa pagbati pero gusto kong personal na sabihin sa 'yo na Merry Christmas, Yecats.
AKO: Dapat nag-reply ka na lang sa text ko. Iniwan mo pa ng mag-isa si Ate Jean.
DEANE: Nandito na ako eh. (Saka niya inabot sa akin ang gift niya) Para sa 'yo. Hindi ko naibigay 'yan nung Christmas party kasi parang wala ka sa mood noong time na 'yun.
AKO: (Tinitigan ko 'yung gift niya. No comment)
DEANE: Buksan mo na lang pag-alis ko.
AKO: Okay. Salamat.
Muling bumalot ang katahimikan. Hindi niya lang alam, nagwawala naman ang ginagawang tibok ng puso ko. Masaya talaga ako na makita siya ngayon. Na nag-effort siya. Na pakiramdam ko, ang special ko para gawin niya ito.
Pero ayaw nang bumuka ng bibig ko. 'Di ko masabi sa kanya kung gaano ako kasaya.
DEANE: May hindi ka ba sinasabi sa akin, Yecats?
AKO: Hmm?
DEANE: Bakit nagpagupit ka?
AKO: (Napahawak ako sa buhok ko) Wala lang.
DEANE: Naaalala mo sabi ko dati? Crush ko 'yang hairstyle mo. Pero... pero ewan ko. Hindi ko alam kung anong ire-react ko ngayon.
AKO: (No comment na lang ulit)
DEANE: May problema ba tayo?
AKO: (Yumuko) Wala.
DEANE: Bakit pakiramdam ko, meron.
AKO: Iniisip mo lang 'yan.
DEANE: Tuwing recess, nagtatabi ako ng upuan para sa 'yo pero sa iba ka na pumupwesto. Sina pards lang din ang kinakausap mo tapos kapag lumalapit ako, bigla kang tumatahimik. Kapag sinusubukan naman din kitang lapitan, itinutulak mo ako pabalik kay Amanda. Hindi ko lang basta iniisip 'yun, Yecats. Ramdam ko na iniiwasan mo ako.
AKO: Ano bang pinagsasabi mo? (At kunwaring natawa) Okay naman tayo. Hindi naman tayo nag-away, 'di ba? At tsaka iniisip ko lang ang sitwasyon niyo ni Amanda. Hanggang sa gumaling siya, kailangan mong manatili sa tabi niya.
'Yun na ang pinaka-best na palusot na naisip ko. I also did my best para maging convincing ako habang sinasabi 'yun. Pero mukhang hindi kinagat ni Deane. Kilala na niya ako para malaman na hindi totoo ang mga sinabi ko.
DEANE: Mas gugustuhin ko pa ang silent treatment mo kaysa ang magsinungaling ka sa akin.
AKO: Nagsasabi ako ng totoo.
DEANE: 'Wag ka nang magsinungaling. Bakit mo ba ako pinaparusahan ng ganito?
Nagpanting na ang tainga ko nang sabihin niya 'yun. Siya pa raw ang pinaparusahan ko?
AKO: Ang mabuti pa umuwi ka na.
DEANE: Ganyan ka eh! Umiiwas ka agad sa usapan—
AKO: Magkakaproblema lang tayo kapag hindi ka pa tumigil. Kaya pwede ba, Deane. Umuwi ka na!
Nang masigawan ko siya, nagsisisi ako. Hindi ko nga natagalan na titigan ang mukha niya lalo pa nang akala kong maiiyak na siya. Aabutin pa sana niya ang kamay ko pero umiwas ako at tumakbo na papasok sa loob.
Sumunod pa siya sa akin. Nagsisigaw siya sa labas ng bahay at makailang ulit na tinawag ang pangalan ko. Nagulat nga sina Mama at nagtanong kung nag-away raw ba kami pero nang makita naman nilang umiiyak na rin ako, hindi na nila ako kinulit pa.
Si Papa na ang lumabas at nakipag-usap kay Deane para pauwiin na ito. Matapos 'nun, nagkulong na lang ako ulit dito sa kwarto ko, umiiyak pa rin habang sinusulat ko ito.