150: Foundation Week - Day 3

120K 2K 107
                                    


Ikatlong araw na ito at hindi pa rin kami nauubusan ng customers. Masaya kami sa success ng otaku expo namin ngunit kaakibat rin nito ay pagod. Sa sobrang busy namin, 'yung iba hindi na makapag-break. Tapos may iba pa kaming lapastangang classmates na kapag nakahanap ng tyempo, bigla na lang pumupuslit!

Isa nga doon si Kasper. Nagpaalam lang sandali mag-CR pero after 30 minutes hindi pa rin bumabalik! Malilintekan daw siya kay Ara.

Dahil karamihan din sa amin ay hindi pa nakakakain, ako na ang nautusan na bumili ng pagkain. Ako talaga dahil kung iba raw ang uutusan, baka mamasyal pa raw muna sa ibang section at abutin ng siyam-siyam ang pagbabalik.

Nagmadali naman din ako. Ngunit nang makarating ako sa hallway, natanaw ko sa kabilang dulo si Deane. Humihingal siya at mukhang kagagaling lang din sa pagtakbo. Napatigil siyang nang magkatinginan kami. Parang may nasilip din akong ngiti sa mga labi niya.

Noong inakala kong maglalakad na siya palapit sa akin, may isang boses naman na umagaw sa atensyon ko.

"STACEYYYYY!!!"

Boses ni Jukebox Queen Ara. May tono pa 'yung pagkasigaw niya sa pangalan ko. Nang makalapit na siya sa akin, dinamba niya ako at pareho tuloy kaming sumubsob sa tambakan ng basura ng ibang section. Dyusko! Hiyang-hiya talaga ako sa itsura namin.

Parang wala namang pakialam si Ara, "Stacey! Ano... um..." Ang weirdo pa ng dating, parang may gustong pagtakpan. Akala ko kung ano nang sasabihin niya pero, "Sasama na pala akong bumili ng pagkain."

Pinisil ko pisngi niya dahil sa gigil ko. Nang pareho na kaming tumayo, patay-malisya na lang kami sa tingin ng mga taong nakakita sa pag-landing namin sa basurahan.

Ang isang ipinagtataka ko lang, nang ibaling ko na ulit ang tingin ko sa dulo ng hallway, wala na si Deane. Nang sabay na kaming maglakad ni Ara patungo roon, ni anino niya ay hindi ko talaga nakita.

Tanong: Si Deane nga ba iyon o nag-iimagine lang ako?



Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon