Buong araw akong nakapagpahinga kahapon kaya nga nagawa kong pumasok ngayong Lunes. At ayaw ko rin talagang um-absent. Ngayon ko balak bumawi kay Deane dahil sa napurnada naming lakad noong Sabado at sa pag-aalaga niya sa akin noong may sakit ako.
Lunch break habang papunta pa lang kami sa cafeteria, balak ko na sanang sabihin kay Deane na ililibre ko siya ng pagkain ngayon... kaso naunahan ako.
AMANDA: Deane!
ARA: (Biglang bumulong) Bakit naligaw 'yan dito?
AMANDA: Pwedeng kausapin ka sandali?
DEANE: Bakit? Dito mo na sabihin.
AMANDA: (Napatingin sa buong grupo namin—lalo na sa akin) Sige na, please? Importante lang.
DEANE: (Tumingin sa amin) Sandali lang guys.
Ngiting-ngiti si Amanda nang sumama na sa kanya si Deane. Kumapit pa ito sa braso niya at nagmamadali talaga ito.
MINA: Stacey, bakit ka pumayag?
ROSE: Oo nga! Ang babaeng ahas na 'yun!
Mayamaya, natanaw namin ang buong section nila na sumalubong kay Deane. Kumakanta ang mga ito at ang isa pa sa kanila ay may bitbit na cake.
AMANDA: Belated happy birthday, Deane!
DEANE: Na—naalala niyo pa?
AMANDA: Syempre naman!
Halata ang saya ni Deane sa surpresang natanggap niya mula sa mga kaklase niya. Mula naman sa pwestong kinatatayuan namin, narinig namin na ang nag-organize pala ng surprise na iyon ay si Amanda rin mismo.
AMANDA: Anong birthday wish mo?
Biglang may sumigaw na isa sa mga kaklase nila, "Sana maging kayo ulit!" Kaya nauwi sa panunukso ang lahat at imbes na birthday song pa rin ang kantahin, "Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig!" na ang nangibabaw.
Ang saya ng buong section nila. Ang saya. Sobrang saya.
KASPER: May nakakaalam ba sa inyo na birthday ni pards?
ARA: Hindi ko alam.
MINA & ROSE: Hindi rin namin alam.
At sabay-sabay na silang tumingin sa akin.
AKO: (No comment na lang)
Biglang sumama ang loob ko. Bakit hindi sinabi sa amin ni Deane?
Pero mas nagalit ako sa sarili ko. Bakit hindi ko alam? Bakit nga ba hindi ko inalam?
TO BE CONTINUED...