Christmas party na ngayon. Bigo ang section namin na manalo sa may pinaka-magandang room design. Dahil yata nawalan ng gana noon sina Ara, Mina at Rose noong kasagsagan ng suspension ko.
Anyway, like the usual na nangyayari sa mga party, may kainan, sayawan, kantahan at mga palaro. Main event 'yung exchange gifts. Malas ko lang dahil walang effort 'yung nakabunot sa pangalan ko. Cash lang tuloy ang natanggap ko.
Pero 'di rin naman ako umuwi na walang maiuuwing nakabalot na regalo. Binigyan ako nina Kasper, Ara, Mina at Rose. Syempre, sila rin ay may gift mula sa akin.
Sumapit ang hapon at kinailangan na rin tapusin ang selebrasyon. Lagpas kalahati sa mga walangya naming classmates, nagsitakasan na para makaiwas sa paglilinis. Nasa labas ako ng room namin na tumutulong ibaba 'yung mga nakasabit na decorations namin nang biglang may tumawag sa akin ng "Yecats!"
Patakbong lumapit sa akin si Deane. Ang laki ng ngiti sa labi niya. Pero ang unang pumasok sa isip ko, 'Bakit 'di niya kasama si Amanda?'
DEANE: Kumusta ang monito monita niyo? Anong nakuha mong regalo?
AKO: (Ipinakita ko 'yung sobre) Cash lang.
Maski siya, parang nadismaya sa natanggap ko pero 'di na lang niya pinahalata. Agad na lang din niyang iniba ang usapan.
DEANE: 'Di bale! May sarili pa naman tayong part, 'di ba?
AKO: (Hindi agad nakasagot)
DEANE: Pasensya ka na nitong mga nakaraang araw. Hindi natin mapag-usapan kasi alam mo na... pero ano nang plano?
AKO: Walang plano.
DEANE: Ha?
AKO: Wala na tayong party. (Direchong sagot ko) Naibigay ko na kina Kasper ang mga regalo ko sa kanila. Ito naman ang sa 'yo.
Nang iabot ko sa kanya ang gift ko, ang tagal niyang napatitig dito. Mukhang 'di siya nasiyahan kasi ang liit lang ng balot 'nun. Dragon Ball action figure lang kasi 'yun.
DEANE: Salamat. (Malamya ang boses) Pero bakit 'di na tayo tuloy?
Ako naman ang tumitig sa kanya. Nagtatanong pa siya? Talaga bang wala siyang ideya?
AKO: Ang dami nang nangyari, Deane. Tingin mo ba makakapag-plano pa ako para doon?
Hindi maipagkakaila ang ka-bitteran sa naging tono ng boses ko. Nakita ko naman ang pagkabahala sa reaksyon ni Deane pero bago pa siya makapag-salita ulit, dumating na si Amanda.
Hirap siyang maglakad gamit ang saklay tapos may hila pa siyang malaking paper bag. Napatakbo si Deane palapit sa kanya para tulungan ito.
DEANE: Sabi ko, hintayin mo ako sa classroom.
AMANDA: Okay lang! Nandito naman na ako! And look what I've got! (Ipinakita niya 'yung nakuha niyang gift na isang malaking teddy bear) Ang cute, 'di ba?
DEANE: (Ngumiti na lang at tumango)
AMANDA: Ano nga palang pinag-uusapan niyo?
AKO: Wala naman. (Inunahan ko na sa pagsagot si Deane) Uuwi na ba kayo?
AMANDA: Oo sana. Let's go na, Deane?
DEANE: (Tumingin sa akin)
AKO: (Umiwas ng tingin sa kanya)
AMANDA: Deane?
DEANE: O—okay...
AMANDA: Oh paano, una na kami, Stacey. Merry Christmas na lang.
Habang paalis na sila, palingon-lingon pa rin sa direksyon ko si Deane pero hindi ko na siya tinignan pang muli. Ito ang maagang regalo ko para sa sarili ko—ang maipahinga na rin sa wakas ang isip at puso ko.